Genesis 29:1-35

29  Pagkatapos ay inilakad ni Jacob ang kaniyang mga paa at patuloy na naglakbay patungo sa lupain ng mga taga-Silangan.+  At tumingin siya, at narito, may isang balon sa parang at narito, tatlong kawan ng mga tupa ang nakahiga roon sa tabi niyaon, sapagkat mula sa balong iyon ay kaugalian nilang painumin ang mga kawan;+ at may isang malaking bato sa bunganga ng balon.+  Kapag natipon na roon ang lahat ng kawan, iginugulong nila ang bato mula sa bunganga ng balon, at pinaiinom nila ang mga kawan, pagkatapos ay ibinabalik nila ang bato sa bunganga ng balon sa dako nito.  Kaya sinabi ni Jacob sa kanila: “Mga kapatid ko, saang dako kayo nagmula?” na dito ay sinabi nila: “Kami ay mula sa Haran.”+  Nang magkagayon ay sinabi niya sa kanila: “Kilala ba ninyo si Laban+ na apo ni Nahor?”+ na dito ay sinabi nila: “Kilala namin siya.”  Dahil dito ay sinabi niya sa kanila: “Nasa mabuting kalagayan ba siya?”+ Sinabi naman nila: “Nasa mabuting kalagayan naman. At narito si Raquel+ na kaniyang anak na dumarating kasama ang mga tupa!”+  At sinabi niya: “Aba, mataas pa ang araw. Hindi pa oras upang tipunin ang mga kawan. Painumin ninyo ang mga tupa, pagkatapos ay pakainin ninyo.”+  Dito ay sinabi nila: “Hindi namin maaaring gawin iyon hanggang sa matipon ang lahat ng kawan at mapagulong nila ang bato mula sa bunganga ng balon. Saka namin paiinumin ang mga tupa.”  Habang nakikipag-usap pa siya sa kanila, si Raquel+ ay dumating kasama ang mga tupa na pag-aari ng kaniyang ama, sapagkat siya ay babaing pastol.+ 10  At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban na kapatid ng kaniyang ina at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, kaagad na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa bunganga ng balon at pinainom ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina.+ 11  Nang magkagayon ay hinalikan+ ni Jacob si Raquel at inilakas ang kaniyang tinig at tumangis.+ 12  At pinasimulang sabihin ni Jacob kay Raquel na siya ang kapatid+ ng kaniyang ama at na siya ang anak ni Rebeka. At tumakbo ito at sinabi sa kaniyang ama.+ 13  At nangyari, nang marinig ni Laban ang ulat tungkol kay Jacob na anak ng kaniyang kapatid, tumakbo siya upang salubungin ito.+ Nang magkagayon ay niyakap niya ito at hinalikan ito at dinala ito sa kaniyang bahay.+ At pinasimulan nitong isaysay kay Laban ang lahat ng bagay na ito. 14  Pagkatapos ay sinabi ni Laban sa kaniya: “Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman.”+ Sa gayon ay nanahanan itong kasama niya nang isang buong buwan. 15  Pagkatapos ay sinabi ni Laban kay Jacob: “Ikaw ba ay kapatid+ ko, at maglilingkod ka ba sa akin nang walang bayad?+ Sabihin mo sa akin, Ano ang magiging kabayaran mo?”+ 16  At si Laban ay may dalawang anak na babae. Ang pangalan ng nakatatanda ay Lea+ at ang pangalan ng nakababata ay Raquel. 17  Ngunit ang mga mata ni Lea ay walang kinang, samantalang si Raquel+ ay maganda ang anyo at maganda ang mukha.+ 18  At iniibig ni Jacob si Raquel. Kaya sinabi niya: “Handa akong maglingkod sa iyo nang pitong taon para kay Raquel na iyong nakababatang anak.”+ 19  Dito ay sinabi ni Laban: “Mas mabuting ibigay ko siya sa iyo kaysa ibigay ko siya sa ibang lalaki.+ Patuloy kang manahanang kasama ko.” 20  At naglingkod si Jacob nang pitong taon para kay Raquel,+ ngunit sa kaniyang paningin ay naging tulad iyon ng ilang araw lamang dahil sa pag-ibig niya rito.+ 21  Nang magkagayon ay sinabi ni Jacob kay Laban: “Ibigay mo ang aking asawa, sapagkat tapos na ang aking mga araw, at hayaan mong sipingan ko siya.”+ 22  Sa gayon ay tinipon ni Laban ang lahat ng lalaki sa dakong iyon at naghanda ng isang piging.+ 23  Ngunit nangyari, nang kinagabihan ay kinuha niya si Lea na kaniyang anak at dinala niya ito kay Jacob upang masipingan niya ito. 24  Gayundin, ibinigay ni Laban sa kaniya bilang alilang babae si Zilpa+ na kaniyang alilang babae, kay Lea nga na kaniyang anak. 25  At nangyari, nang kinaumagahan, narito, iyon ay si Lea! Dahil dito ay sinabi niya kay Laban: “Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba pinaglingkuran kita para kay Raquel? Kaya bakit mo ako dinaya?”+ 26  Dito ay sinabi ni Laban: “Hindi kaugaliang gawin ang ganiyan sa aming dako, na ibigay ang nakababatang babae bago ang panganay. 27  Ipagdiwang+ mo nang lubos ang sanlinggo ng babaing ito. Pagkatapos ay ibibigay rin sa iyo ang isa pang babaing ito para sa paglilingkod na maipaglilingkod mo sa akin nang pitong taon pa.”+ 28  Kaya gayon ang ginawa ni Jacob at ipinagdiwang nang lubusan ang sanlinggo ng babaing ito, pagkatapos ay ibinigay nito sa kaniya si Raquel na kaniyang anak bilang kaniyang asawa. 29  Bukod diyan, ibinigay ni Laban si Bilha+ na kaniyang alilang babae kay Raquel na kaniyang anak bilang kaniyang alilang babae. 30  Nang magkagayon ay sinipingan din niya si Raquel at nagpamalas din siya ng higit na pag-ibig kay Raquel kaysa kay Lea,+ at siya ay naglingkod pa sa kaniya nang pitong taon pa.+ 31  Nang makita ni Jehova na si Lea ay kinapopootan, nang magkagayon ay binuksan niya ang bahay-bata nito,+ ngunit si Raquel ay baog.+ 32  At si Lea ay nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki at pagkatapos ay tinawag na Ruben+ ang pangalan nito, sapagkat sinabi niya: “Ito ay sa dahilang tiningnan ni Jehova ang aking kaabahan,+ anupat ngayon ay iibigin na ako ng aking asawa.” 33  At siya ay muling nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki at pagkatapos ay nagsabi: “Ito ay sa dahilang nakinig si Jehova,+ sapagkat ako ay kinapopootan kaya ibinigay rin niya sa akin ang isang ito.” Kaya tinawag niyang Simeon+ ang pangalan nito. 34  At siya ay nagdalang-tao pang muli at nanganak ng isang lalaki at pagkatapos ay nagsabi: “Sa pagkakataong ito ay lalakip na ngayon sa akin ang aking asawa, sapagkat nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalaki.” Sa gayon ay tinawag na Levi+ ang pangalan nito. 35  At siya ay nagdalang-tao nang minsan pa at nanganak ng isang lalaki at pagkatapos ay nagsabi: “Sa pagkakataong ito ay pupurihin ko si Jehova.” Sa gayon ay tinawag niyang Juda+ ang pangalan nito. Pagkatapos ay huminto na siya sa panganganak.

Talababa