Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

LEKSIYON 12

Matapang ang Pamangkin ni Pablo

Matapang ang Pamangkin ni Pablo

Alamin natin ang tungkol sa isang kabataang lalaki na nagligtas sa buhay ng kaniyang tiyo. Ang tiyo niya ay si apostol Pablo. Hindi natin alam ang pangalan ng kabataang lalaking ito, pero alam nating may ginawa siya na nagpakitang napakatapang niya. Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa niya?​—

Nakabilanggo si Pablo sa Jerusalem. Ikinulong siya kasi tinuturuan niya ang mga tao tungkol kay Jesus. May mga salbaheng tao na galít kay Pablo. Gumawa sila ng masamang plano. Sinabi nila: ‘Sabihin natin sa lider ng mga sundalo na dalhin si Pablo sa korte. Tapos, magtago tayo sa daan. At pagdaan doon ni Pablo, papatayin natin siya!’

Sinabi ng kabataang lalaki sa kaniyang Tiyo Pablo at sa lider ng mga sundalo ang tungkol sa masamang plano

Nalaman ng pamangkin ni Pablo ang planong ito. Ano kaya ang gagawin niya? Pumunta siya sa bilangguan at sinabi ito kay Pablo. Agad naman siyang pinapunta ni Pablo sa lider ng mga sundalo para sabihin dito ang masamang plano. Madali kayang makipag-usap sa isang lider?​— Hindi, kasi ang lider ay may mataas na posisyon. Pero matapang ang pamangkin ni Pablo, at nakipag-usap siya sa lider.

Alam ng lider ang dapat niyang gawin. Halos 500 sundalo ang kinuha niya para protektahan si Pablo! Sinabihan niya ang mga sundalo na ihatid si Pablo sa Cesarea nang mismong gabing iyon. Nakaligtas ba si Pablo?​— Oo, hindi siya nagawang saktan ng mga salbaheng taong iyon! Nasira ang masamang plano nila.

Ano ang matututunan mo sa kuwentong ito?​— Puwede kang maging matapang gaya ng pamangkin ni Pablo. Kailangan nating maging matapang kapag nakikipag-usap tayo sa iba tungkol kay Jehova. Magiging matapang ka din ba at patuloy na sasabihin sa iba ang tungkol kay Jehova?​— Kung oo, puwede ka ding makapagligtas ng buhay.