Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Impormasyon Para sa mga Delegado

Impormasyon Para sa mga Delegado

ATTENDANT Inatasan ang mga attendant para tumulong sa inyo. Pakisuyong makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin nila may kinalaman sa pagpaparada ng sasakyan, pagpapanatili ng kaayusan, pagrereserba ng upuan, at iba pang mga bagay.

BAUTISMO Ang nakareserbang mga upuan para sa mga kandidato sa bautismo ay nasa harapan ng entablado malibang may ibang kaayusan. Ang mga kandidato sa bautismo ay dapat umupo sa inireserbang seksiyong iyon bago magsimula ang pahayag sa bautismo sa Sabado ng umaga. Ang bawat kandidato ay dapat magdala ng tuwalya at mahinhing pambasâ.

DONASYON Malaki-laki ring halaga ang kinailangan para makapaglaan ng sapat na upuan, sound system, video equipment, at maraming iba pang serbisyo para maging kasiya-siya ang pagdalo sa kombensiyon at matulungan tayong maging mas malapít kay Jehova. Ang inyong kusang-loob na mga donasyon ay tumutulong para matakpan ang mga gastusing ito at sumusuporta rin sa pambuong-daigdig na gawain. Para maging kumbinyente sa inyo, ang mga kahon ng kontribusyon na minarkahan nang malinaw ay inilagay sa palibot ng pasilidad. Puwede ka ring mag-donate online sa donate.jw.org. Lubos na pinahahalagahan ang lahat ng donasyon. Pinasasalamatan ng Lupong Tagapamahala ang inyong bukas-palad na pagsuporta sa gawaing pang-Kaharian.

FIRST AID Pakisuyong tandaan na ito ay para sa mga emergency lamang.

LOST AND FOUND Ang lahat ng napulot o natagpuang gamit ay dapat dalhin sa Lost and Found Department. Kung may nawawala kang gamit, pumunta sa departamentong ito. Ang mga batang napahiwalay sa kanilang mga magulang at nawawala ay dapat dalhin sa departamentong ito. Gayunman, para maiwasan ang pag-aalala, pakisuyong bantayan ang inyong mga anak at huwag silang hayaang mahiwalay sa inyo.

UPUAN Pakisuyong maging makonsiderasyon. Tandaan na ang mga kapamilya lang ninyo at kasama sa sasakyan o sa bahay, o ang mga inaaralan sa Bibliya ang maaaring ipagreserba ng upuan. Pakisuyong huwag mag-iwan ng gamit sa mga upuang hindi ninyo inireserba.

PAGBOBOLUNTARYO Kung gusto mong magboluntaryo sa mga gawaing may kinalaman sa kombensiyon, pakisuyong magreport sa Information and Volunteer Service Department.

ESPESYAL NA MITING

School for Kingdom Evangelizers Ang mga payunir na edad 23 hanggang 65 at interesadong palawakin ang ministeryo nila ay inaanyayahang dumalo sa pulong para sa mga nagnanais mag-aral sa School for Kingdom Evangelizers sa Linggo ng umaga. Ipatatalastas ang eksaktong oras at lugar ng pulong na ito.

Isinaayos ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova

© 2020 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania