ARALIN 15
Magsalita Nang May Kombiksiyon
1 Tesalonica 1:5
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Ipakita na talagang naniniwala ka na totoo at mahalaga ang sinasabi mo.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
Maghandang mabuti. Pag-aralan ang materyal hanggang sa maintindihan mo ang pangunahing mga ideya at kung paano pinatutunayan ng Bibliya na totoo ang mga ito. Sikaping sabihin ang pangunahing mga punto sa maiksi at simpleng pananalita. Magpokus sa kung paano ito makakatulong sa mga tagapakinig mo. Manalangin para sa banal na espiritu.
-
Gumamit ng mga salita na nagpapakitang naniniwala ka sa sinasabi mo. Sa halip na ulitin ang eksaktong pananalita sa publikasyon, gumamit ng sariling pananalita. Pumili ng mga salitang nagpapakitang sigurado ka sa sinasabi mo.
-
Magsalita nang marubdob at taimtim. Magsalita nang may sapat na lakas ng boses. Kung angkop, tumingin sa mata ng mga tagapakinig mo.