KABANATA 44
Dapat Ibigin ng Ating mga Kaibigan ang Diyos
ANG mga kaibigan ay mga taong gusto nating makausap at makasama. Pero mahalagang magkaroon ng tamang uri ng mga kaibigan. Sa palagay mo, sino kaya ang puwede nating maging pinakamatalik na kaibigan?— Oo, ang Diyos na Jehova.
Puwede nga kaya tayong maging kaibigan ng Diyos?— Buweno, sinasabi sa Bibliya na si Abraham, isang taong nabuhay noon, ay naging “kaibigan ni Jehova.” (Santiago 2:23) Alam mo ba kung bakit?— Ang sagot ng Bibliya ay dahil sumunod si Abraham sa Diyos. Sumunod siya kahit na mahirap ang ipinagagawa sa kaniya. Kaya para maging kaibigan ni Jehova, dapat nating gawin ang ikatutuwa niya, gaya ng ginawa ni Abraham at gaya ng palaging ginagawa ng Dakilang Guro.—Genesis 22:1-14; Juan 8:28, 29; Hebreo 11:8, 17-19.
Juan 15:14) Yamang galing kay Jehova ang lahat ng sinasabi ni Jesus sa mga tao, ang ibig niyang sabihin ay na ang kaniyang mga kaibigan ay ang mga taong gumagawa ng ipinagagawa ng Diyos. Oo, iniibig ng lahat ng kaibigan niya ang Diyos.
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol: “Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo.” (Ang ilan sa pinakamatatalik na kaibigan ng Dakilang Guro ay ang kaniyang mga apostol, na ang mga larawan ay makikita mo sa pahina 75 ng aklat na ito. Kasama niya silang naglalakbay at tumutulong sa kaniya sa gawaing pangangaral. Palaging kasama ni Jesus ang mga lalaking ito. Sama-sama silang kumakain. Sama-sama silang nag-uusap tungkol sa Diyos. At sama-sama silang gumagawa ng iba pang mga bagay. Pero marami pang ibang kaibigan si Jesus. Nakikituloy siya sa kanila, at nagkakasayahan silang magkakasama.
Isang pamilya na palaging tinutuluyan ni Jesus ang nakatira sa isang maliit na bayan ng Betania, sa labas lamang ng malaking lunsod ng Jerusalem. Natatandaan mo ba sila?— Sila ay sina Maria at Marta at ang kanilang Juan 11:1, 5, 11) Ang dahilan kung bakit mahal ni Jesus ang pamilyang ito at natutuwang makasama sila ay sapagkat iniibig nila si Jehova at naglilingkod sila sa Kaniya.
kapatid na si Lazaro. Tinawag ni Jesus si Lazaro na kaniyang kaibigan. (Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na mabait si Jesus sa mga taong hindi naglilingkod sa Diyos. Mabait din naman siya sa kanila. Pumupunta pa nga siya sa kanilang bahay at kumakaing kasama nila. Sinabi tuloy ng mga tao na si Jesus ay “kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.” (Mateo 11:19) Ang totoo, hindi naman nagpunta si Jesus sa bahay ng mga taong ito dahil gusto niya ang istilo ng kanilang pamumuhay. Dinalaw niya sila para kausapin sila tungkol kay Jehova. Sinikap niyang tulungan sila na baguhin ang kanilang masasamang gawain at maglingkod sa Diyos.
Isang araw, ganito ang nangyari sa lunsod ng Jerico. Dumaraan lamang doon si Jesus patungong Jerusalem. May mga taong nagkakatipon noon, at kabilang dito si Zaqueo. Gusto sana niyang makita si Jesus. Pero maliit si Zaqueo, at hindi niya makita si Jesus dahil sa dami ng tao. Kaya tumakbo siya sa bandang unahan ng daan at umakyat sa isang puno para makitang mabuti ang pagdaan ni Jesus.
Nang makarating si Jesus sa may punong iyon, tumingala siya at nagsabi: ‘Magmadali ka at bumaba, sapagkat pupunta ako ngayon sa iyong bahay.’
Pero si Zaqueo ay isang taong mayaman na gumagawa ng masama. Bakit kaya gusto ni Jesus na pumunta sa bahay ng gayong uri ng tao?—Ito’y hindi dahil sa gusto ni Jesus ang paraan ng pamumuhay ng lalaking ito. Nagpunta siya roon para kausapin si Zaqueo tungkol sa Diyos. Nakita niya kung paano nagsikap na mabuti ang lalaking ito para makita siya. Kaya alam niyang malamang na makikinig si Zaqueo. Magandang pagkakataon ito para kausapin siya tungkol sa sinasabi ng Diyos na dapat maging paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Kaya, ano ang nakikita nating nangyayari ngayon?— Nagustuhan ni Zaqueo ang mga turo ni Jesus. Lungkot na lungkot siya dahil sa pandaraya niya sa mga tao, at nangako siyang isasauli ang pera na hindi niya dapat kinuha. Pagkatapos ay naging tagasunod siya ni Jesus. Saka lamang naging magkaibigan sina Jesus at Zaqueo.—Lucas 19:1-10.
Kung natututo tayo mula sa Dakilang Guro, dadalawin ba natin ang mga taong hindi naman natin kaibigan?— Oo. Pero hindi tayo pupunta sa bahay nila dahil gusto natin ang paraan ng kanilang pamumuhay. At hindi tayo makikisama sa kanila sa paggawa ng masama. Dadalawin natin sila para kausapin sila tungkol sa Diyos.
Pero ang ating matatalik na kaibigan ang talagang gusto nating makasama. Para maging tamang uri ng mga kaibigan, dapat na sila ang uri na gusto ng Diyos. Baka ni hindi pa nga kilala ng iba si Jehova. Pero kung gusto nilang matuto tungkol sa kaniya, puwede natin silang tulungan. At kapag iniibig na nila si Jehova na gaya natin, puwede na natin silang maging matatalik na kaibigan.
May isa pang paraan para malaman kung ang isang tao ay posibleng maging isang mabuting kaibigan. Bantayan ang kaniyang mga ginagawa. Gumagawa ba siya ng kapilyuhan sa ibang tao at pagkatapos ay pinagtatawanan niya ito? Mali iyan, hindi ba?— Palagi ba siyang napapaaway? Ayaw nating madamay sa kaniyang pakikipag-away, hindi ba?— O sinasadya ba niya ang paggawa ng masama at pagkatapos ay iniisip niyang matalino siya dahil hindi siya nahuli? Oo nga’t hindi nahuli ang taong iyon, pero nakita naman ng Diyos ang kaniyang ginawa, hindi ba? Sa palagay mo, magiging mabuting kaibigan kaya ang mga taong gumagawa ng gayong mga bagay?—
Bakit hindi mo kunin ang iyong Bibliya? Tingnan natin ang sinasabi nito tungkol sa kung paano naaapektuhan ng ating mga kasama ang ating buhay. Ang teksto ay nasa 1 Corinto kabanata 15, talata 33. Nakita mo na ba?— Ganito ang sinasabi: “Huwag kayong palíligaw. Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.” Nangangahulugan ito na kapag nakisama tayo sa masasamang tao, posibleng maging masama rin tayo. At totoo rin naman na ang mabubuting kasama ay tumutulong sa atin na magkaroon ng mabubuting ugali.
Huwag nating kalilimutan na ang pinakamahalagang Persona sa ating buhay ay si Jehova. Ayaw nating masira ang ating pakikipagkaibigan sa kaniya, hindi ba?— Kung gayon, tiyakin natin na makipagkaibigan lamang sa mga umiibig sa Diyos.
Ang kahalagahan ng tamang uri ng mga kasama ay ipinakikita sa Awit 119:115; Kawikaan 13:20; 2 Timoteo 2:22 at 1 Juan 2:15.