Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Review ng Seksiyon 3

Review ng Seksiyon 3

Talakayin ninyo ng nagtuturo sa iyo ang mga tanong na ito:

  1. Basahin ang Kawikaan 27:11.

    • Bakit gusto mong maging tapat kay ­Jehova?

      (Tingnan ang Aralin 34.)

  2. Paano ka makakagawa ng tamang desisyon kapag walang espesipikong utos na mababasa sa Bibliya para sa isang sitwasyon?

    (Tingnan ang Aralin 35.)

  3. Paano ka magiging tapat sa lahat ng bagay?

    (Tingnan ang Aralin 36.)

  4. Basahin ang Mateo 6:33.

    • Pagdating sa trabaho at pera, paano mo masusunod ang payo na ‘patuloy na unahin ang Kaharian’?

      (Tingnan ang Aralin 37.)

  5. Paano mo maipapakita na pinapahalagahan mo ang buhay gaya ng pagpapahalaga rito ni Jehova?

    (Tingnan ang Aralin 38.)

  6. Basahin ang Gawa 15:29.

    • Paano mo masusunod ang utos ni Jehova tungkol sa dugo?

    • Sa tingin mo, tama kaya ang utos ng Diyos tungkol sa dugo?

      (Tingnan ang Aralin 39.)

  7. Basahin ang 2 Corinto 7:1.

    • Ano ang ibig sabihin ng pagiging malinis sa pisikal at moral na paraan?

      (Tingnan ang Aralin 40.)

  8. Basahin ang 1 Corinto 6:​9, 10.

    • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sex? Sa tingin mo, tama kaya iyon?

    • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa ­paggamit ng alak?

      (Tingnan ang Aralin 41 at 43.)

  9. Basahin ang Mateo 19:​4-6, 9.

    • Ano ang pamantayan ng Diyos tungkol sa pag-aasawa?

    • Bakit dapat nakarehistro ang kasal at ­diborsiyo?

      (Tingnan ang Aralin 42.)

  10. Anong mga selebrasyon at kapistahan ang ayaw ni Jehova, at bakit?

    (Tingnan ang Aralin 44.)

  11. Basahin ang Juan 17:16 at Gawa 5:29.

    • Paano ka magiging neutral?

    • Kapag magkasalungat ang batas ng tao at ang batas ng Diyos, ano ang gagawin mo?

      (Tingnan ang Aralin 45.)

  12. Basahin ang Marcos 12:30.

    • Paano mo maipapakita na mahal mo si ­Jehova?

      (Tingnan ang Aralin 46 at 47.)