APENDISE B
Dapat Mo Na Bang Tapusin ang Pag-uusap?
Kapag may isang taong nagtanong at talagang interesado siya na malaman ang sagot, gusto nating ituloy ang pakikipag-usap sa kaniya. Gusto kasi nating kausapin ang mga taong “nakaayon sa buhay na walang hanggan.”—Gawa 13:48.
Pero paano kung galit ang isang tao, gusto lang makipagtalo, o ayaw niya talagang makipag-usap sa pagkakataong iyon? Maging kalmado at magalang na tapusin ang pag-uusap. (Kaw. 17:14) Kapag maayos tayong nagpaalam, baka makipag-usap na siya sa atin sa susunod.—1 Ped. 2:12.