Wikang Hebreo sa Bibliya
Anyo ng Hebreo na ginamit sa kalakhang bahagi ng 39 na aklat ng Hebreong Kasulatan, na karaniwang tinatawag na Lumang Tipan.
Ang Hebreo ay ginamit ng mga Israelitang inapo ni Abraham. Isa ito sa mga wikang Semitiko, kasama na ang Aramaiko, Akkadiano, at iba’t ibang diyalektong Arabe at Ethiopic. Halos walang pagbabago sa wikang Hebreo sa loob ng isang libong taon habang isinusulat ang Hebreong Kasulatan (mula 1513 hanggang mga 443 B.C.E). Nagbago ang hitsura ng mga letrang Hebreo pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, noong maging popular ang kuwadradong mga letra. Pero ginamit pa rin nang ilang panahon ang sinaunang mga letra.