KAHON 16B
Pagbubuntonghininga at Pagdaing, Pagmamarka, Pagdurog—Kailan at Paano?
Ang pangitain sa Ezekiel kabanata 9 ay may katuparan sa panahon natin. Kapag naunawaan natin ang mga mangyayari sa hinaharap, lakas-loob nating mahaharap ang wakas ng sistemang ito
“Pagbubuntonghininga at pagdaing”
KAILAN: Sa mga huling araw, bago ang malaking kapighatian
PAANO: Ipinapakita ng mga matuwid ang puso sa kanilang sinasabi at ginagawa na kinasusuklaman nila ang kasamaan sa mundong ito. Tumutugon sila nang positibo sa pangangaral, nagsusuot ng tulad-Kristong personalidad, nagpapabautismo bilang simbolo ng pag-aalay kay Jehova, at sumusuporta sa mga kapatid ni Kristo
“Pagmamarka”
KAILAN: Sa malaking kapighatian
PAANO: Ang lalaking may tintero ng kalihim ay kumakatawan kay Jesu-Kristo kapag dumating na siya bilang Hukom ng lahat ng bansa. Ang mga kasama sa malaking pulutong ay mamarkahan bilang tupa, na nagpapakitang makaliligtas sila sa Armagedon
“Pagdurog”
KAILAN: Sa Armagedon
PAANO: Lubusang wawasakin ni Jesu-Kristo at ng kaniyang makalangit na mga hukbo—ang mga anghel at ang 144,000 kasama niyang tagapamahala—ang masamang sanlibutang ito at ililigtas ang tunay na mga mananamba para makatawid sa bagong sanlibutan