Sinasalita ang “Dalisay na Wika”
Awit 78
Sinasalita ang “Dalisay na Wika”
1. Ang bayan ng Diyos dalisay ang wika,
Wika ng pagkakaisa.
Puso’y may lugod sa pananalita.
Pag-ibig ibinabadya.
2. Ang bagong wika ay kaloob ng Diyos
Sa mga may kaamuan.
Sila’y humayo’t nagturo sa iba
Nang ang wika’y matutuhan.
3. Maling isip at gawi ay inalis,
Nang wika ay matutuhan.
Buhay nilinis, Diyos ang sinusundan.
Sanlibuta’y tinanggihan.
4. Sa paglilingkod nati’y balikatan;
Bayan niya’y sinasangkapan.
Dalisay na wika ating gamitin;
Ihayag ang Kaharian.