“Karunungan ay sa Mabababang-loob”
Awit 73
“Karunungan ay sa Mabababang-loob”
1. Kung sa Diyos tayo’y sasabay,
Kailangan ay kababaan,
Kilanling Diyos ay dakila’t
Tayo’y walang kabuluhan!
2. Alipin ngang walang silbi!
Ang siyang turing sa sarili.
Kung tayo’y magpakahinhin,
Pakinabang ay malaki!
3. ‘Gumawing may kababaan,’
Panginoon ang nagturo.
Nguni’t kung tayo’y maghambog,
Sa ’tin payo niya’y nabigo.
4. May takot tayong maglingkod,
Pagka’t ang Diyos minamahal.
Kapakumbabaa’y tanda
Ng karunungan na banal.