Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Inaakay ni Jehova ang Kaniyang Bayan

Inaakay ni Jehova ang Kaniyang Bayan

Awit 203

Inaakay ni Jehova ang Kaniyang Bayan

(Awit 31:3)

1. Kaalaman ay Diyos ang nagbigay.

Sa bayan niya’y nagtuturo at gumagabay!

Kaloob niya ang layang magpasiya.

Ang puso nati’y tinuturuan talaga.

2. Unti-unti, sa tamang panahon,

Espiritu’y nagbubunyag sa atin ngayon.

Tapat na katiwala’y siyang gabay,

At pampatibay sa puso ay tinataglay.

3. Sa turo niya mali ay ’tinutwid,

Ito’y nagpapatibay sa mga kapatid.

Kung pagbabago’y ating susundin,

Sa atin si Jehova ang aakay pa rin.

4. Ang tulong niya ay ating tanggapin,

Ang sumusulong na liwanag ay tantuin.

Si Jehova’y ating Kaibigan;

Gabay natin sa panahon ng katapusan.