Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Pag-asa ng Sangnilalang sa Paglaya

Ang Pag-asa ng Sangnilalang sa Paglaya

Awit 142

Ang Pag-asa ng Sangnilalang sa Paglaya

(Roma 8:21)

1. Sangnilalang ay nahihirapan;

Hasik niya’y siyang inaani.

Diyos iniwanan; tao’y sadlakan

Ng dusa at ng pighati.

2. Nasasabik sa kanyang paglaya,

Sa Diyos lamang ang pag-asa.

Siya’y kaibigan, tinutulungan

Ang nagbubuntong-hininga.

3. Ang kalayaan at kaligtasan,

Makakamit na ng tao.

Anak niyang hirang ay inatasan

Nang lingap ng Diyos matamo.

4. Kung sasamahan ang bagong bayan,

Liligaya ang maamo.

Antabayanan; inyong asahan,

Kahariang itinuturo.