Ang Bagong Awit
Awit 169
Ang Bagong Awit
1. Mangag-awitan ng bagong awit sa ’ting Diyos;
Tungkol sa gawa niya na dakilang lubos.
Papurihan din tagumpay ng kanyang bisig.
Ang matwid niyang hatol ay di madadaig.
(Koro)
2. Magalak kayo kay Jehova, buong lupa;
Pagpuri’y awiting may ligaya at tuwa.
Si Jehovang Diyos, inyong purihin sa madla,
Alpa at trumpeta’y gamitin nang tugma.
(Koro)
3. Ang karagatan, lahat doon ay magpuri.
Mga nasa lupa, lahat ay magbunyi.
Magpakasaya ang ilog at mga agos,
Mga kabundukan, umawit nang lubos.
(KORO)
Umawit!
Siya’y ating ibunyi.
Umawit!
Si Jehova’y Hari.