Pagsubok at Pagliglig sa Loob Mismo
Kabanata 28
Pagsubok at Pagliglig sa Loob Mismo
KALAKIP sa pagsulong at paglago ng makabagong-panahong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova ang maraming situwasyon na matinding sumubok sa pananampalataya ng bawat isa. Kung papaano pinaghihiwalay ng paggiik at pagtatahip ang trigo at ang dayami, gayundin ang mga situwasyong ito ay tumutulong upang makilala kung sino ang tunay na mga Kristiyano. (Ihambing ang Lucas 3:17.) Kinailangang ipamalas ng mga taong nakikisama sa organisasyon kung ano ang nasa kanilang mga puso. Sila ba’y naglilingkod dahil lamang sa personal na pakinabang? Sila ba’y tagasunod lamang ng ilang di-sakdal na tao? O sila ba’y mapagpakumbaba, sabik na malaman at gawin ang kalooban ng Diyos, lubus-lubusan sa kanilang debosyon kay Jehova?—Ihambing ang 2 Cronica 16:9.
Ang unang-siglong mga tagasunod ni Jesu-Kristo ay nagdanas ng gayunding mga pagsubok sa kanilang pananampalataya. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na kung sila’y tapat, makikibahagi sila sa kaniya sa kaniyang Kaharian. (Mat. 5:3, 10; 7:21; 18:3; 19:28) Subalit hindi niya sinabi sa kanila kung kailan nila tatanggapin ang gantimpalang iyan. Sa harap ng pagwawalang-bahala ng madla, maging pagkapoot man, sa kanilang pangangaral, sila ba’y buong-katapatang magpapatuloy na gawing pangunahing bagay sa kanilang buhay ang Kahariang iyon? Hindi lahat ay gumawa nang gayon.—2 Tim. 4:10.
Ang paraan ng pagtuturo mismo ni Jesus ay naging pagsubok sa ilan. Natisod ang mga Fariseo nang tahasan niyang itinakwil ang kanilang mga tradisyon. (Mat. 15:1-14) Maging ang marami sa mga nag-aangking alagad ni Jesus ay natisod sa kaniyang paraan ng pagtuturo. Minsan, nang tinatalakay niya ang kahalagahan ng pagsampalataya sa halaga ng kaniyang sariling laman at dugo na ihahandog bilang hain, marami sa kaniyang mga alagad ay nabigla dahil sa simbolikong pananalita na ginamit niya. Hindi na sila naghintay para sa karagdagang paliwanag, kundi sila’y “tumalikod at hindi na lumakad na kasama niya.”—Juan 6:48-66.
Subalit hindi tumalikod ang lahat. Gaya ng paliwanag ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami paroroon? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang-hanggan; at kami’y sumasampalataya at napag-alaman namin na ikaw ang Banal na Isa ng Diyos.” (Juan 6:67-69) Sapat na ang kanilang nakita at narinig upang makumbinsi na si Jesus ang isa na ginagamit ng Diyos upang ipahayag ang katotohanan tungkol sa kaniya at sa kaniyang layunin. (Juan 1:14; 14:6) Gayunpaman, nagpatuloy pa ang mga pagsubok sa pananampalataya.
Pagkatapos ng kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus, ginamit niya ang mga apostol at ang iba bilang mga pastol sa kongregasyon. Ang mga ito ay di-sakdal na mga lalaki, at kung minsan ang kanilang di-kasakdalan ay naging pagsubok sa mga nakapalibot sa kanila. (Ihambing ang Gawa 15:36-41; Galacia 2:11-14.) Sa kabilang dako naman, may mga indibiduwal na naging malabis sa kanilang paghanga sa prominenteng mga Kristiyano at nagsabi: “Ako’y kay Pablo,” samantalang ang iba naman ay nagsabi: ‘Ako’y kay Apolos.’ (1 Cor. 3:4) Lahat sila ay nararapat na mag-ingat na huwag mawala ang wastong pangmalas sa pagiging tagasunod ni Jesu-Kristo.
Inihula ni apostol Pablo ang iba pang malulubhang suliranin, na nagpapaliwanag na maging sa loob ng kongregasyong Kristiyano may mga lalaki na “lilitaw at magsasalita ng pilipit na mga bagay upang magdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.” (Gawa 20:29, 30) At nagbabala si apostol Pedro na ang bulaang mga guro sa gitna ng mga lingkod ng Diyos ay magsisikap na samantalahin ang iba sa paggamit ng “pakunwaring mga salita.” (2 Ped. 2:1-3) Maliwanag, sumasaliksik-sa-pusong mga pagsubok sa pananampalataya at katapatan ang nasa unahan.
Kaya, ang pagsubok at pagliglig na naging bahagi ng makabagong-panahong kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova ay isang bagay na hindi naman kataka-taka. Ngunit ang ipinagtataka ng marami ay kung sino ang natisod at kung ano ang ikinatisod nila.
Talaga Bang Pinahalagahan Nila ang Pantubos?
Noong unang bahagi ng dekada ng 1870, si Brother Russell at ang kaniyang mga kasamahan ay sumulong sa kaalaman at pagpapahalaga sa layunin ng Diyos. Ito’y naging panahon ng espirituwal na kaginhawahan para sa kanila. Subalit, noong 1878, napaharap sila sa isang malaking pagsubok sa kanilang pananampalataya at katapatan sa Salita ng Diyos. Ang isyu ay ang halaga bilang hain ng laman at dugo ni Jesus—iyon ding isyu na naging katitisuran ng marami sa unang-siglong mga alagad ni Jesus.
Dalawang taon lamang bago nito, noong 1876, si C. T. Russell ay nakipagkasundo na gumawang kasama ni N. H. Barbour ng Rochester, New York. Ang kanilang mga grupo sa pag-aaral ay pinagsama. Si Russell ay nakapaglaan ng pondo upang muling buhayin ang pag-iimprenta ng magasin ni Barbour na Herald of the Morning, na si Barbour ang patnugot at si Russell ang katulong na patnugot. Magkasama rin silang nakapaglathala ng isang aklat na pinamagatang Three Worlds, and the Harvest of This World.
Pagkatapos ay may naganap na pangyayaring nakagigimbal! Sa isyu ng Agosto 1878 ng Herald of the Morning, sumulat si Barbour ng artikulo na nagpawalang-halaga sa mga kasulatang tulad ng 1 Pedro 3:18 at Isaias 53:5, 6, gayundin ng Hebreo 9:22, at nagsabi na ang buong idea na si Kristo ay namatay upang tubusin ang ating mga kasalanan ay kasuklam-suklam. Sumulat si Russell noong bandang huli: “Sa paraang masakit at nakagugulat sa amin, si G. Barbour . . . ay sumulat ng artikulo para sa Herald na nagtatwa sa turo ng katubusan—itinatatwa na ang kamatayan ni Kristo ay ang halagang-pantubos kay Adan at sa lahi niya, na sinasabi na ang kamatayan ni Kristo ay hindi kabayaran ng mga kasalanan ng tao kung papaano ang pagtusok sa katawan ng isang langaw at ang pagpapahirap at pagpatay rito ay hindi rin maituturing ng isang makalupang magulang na isang makatuwirang kabayaran ng kamaliang nagawa ng kaniyang anak.” a
Ito’y napakaselang na bagay. Manghahawakan kayang tapat si Brother Russell
sa malinaw na sinabi ng Bibliya hinggil sa paglalaan ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan? O siya kaya ay magiging biktima ng pilosopiya ng tao? Bagaman si Russell ay 26 na taóng gulang lamang noong panahong iyon at si Barbour ay mas matanda sa kaniya, si Russell ay naglakas-loob na sumulat ng artikulo para sa susunod na isyu mismo ng Herald na doon ay matatag niyang ipinagtanggol ang tumutubos-kasalanang halaga ng dugo ni Kristo, na kaniyang tinukoy bilang “isa sa pinakamahalagang turo ng salita ng Diyos.”Sumunod, inanyayahan niya si J. H. Paton, na isa ring katulong na patnugot ng Herald, na sumulat ng artikulo na magtataguyod ng pananampalataya sa dugo ni Kristo bilang saligan para sa katubusan mula sa kasalanan. Isinulat nga ni Paton ang artikulo, at inilathala ito sa isyu ng Disyembre. Pagkatapos na mabigo sa paulit-ulit na mga pagsisikap na mangatuwiran kay Barbour sa bagay na ito mula sa Kasulatan, pinutol ni Russell ang ugnayan niya sa kaniya at inalis ang pagtangkilik sa magasin niya. Noong Hulyo 1879, si Russell ay nagsimulang maglathala ng isang bagong magasin—Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence—na mula sa pasimula ay naging kapansin-pansing tagapagtaguyod ng pantubos. Subalit hindi pa ito ang katapusan ng bagay na ito.
Dalawang taon pagkaraan, si Paton, na noo’y naglilingkod bilang naglalakbay na kinatawan ng Watch Tower, ay nagsimulang tumalikod din, at pagkatapos ay naglathala ng isang aklat (ang ikalawa niya na pinamagatang Day Dawn) na doon ay itinatwa niya ang paniniwala sa pagkakasala ni Adan at dahil dito ang pangangailangan para sa isang manunubos. Nangatuwiran siya na ang Panginoon mismo ay isang di-sakdal na tao na sa pamamagitan ng kaniyang pamumuhay ay nagpakita lamang sa iba kung papaano maipapako sa krus ang kanilang mga hilig sa kasalanan. Noong 1881, si A. D. Jones, isa pang kasamahan, ay nagsimula ng isang publikasyon Colosas 2:8.) Ang publikasyong inilathala ni A. D. Jones ay tumagal lamang nang sandaling panahon at pagkatapos ay huminto na. Si J. H. Paton ay nagpasiyang maglathala ng isang magasin na doon ay inilalahad niya ang ebanghelyo ayon sa kaniyang pangmalas, subalit naging limitado lamang ang sirkulasyon nito.
(Zion’s Day Star) na may pagkakahawig sa Watch Tower subalit taglay ang idea na tatalakayin nito ang mas payak na mga bahagi ng layunin ng Diyos. Noong pasimula ay naging waring maayos ang lahat. Subalit, sa loob ng isang taon, ang publikasyon ni Jones ay nagtatwa sa tumutubos na hain ni Kristo, at pagkaraan ng isa pang taon, itinatwa nito ang lahat ng ibang bahagi ng Bibliya. Ano ang nangyari sa mga lalaking ito? Pinahintulutan nila ang personal na mga teoriya at ang pagkabighani sa popular na mga pilosopiya ng tao na mailayo sila mula sa Salita ng Diyos. (Ihambing angLubhang nabahala si Brother Russell sa epekto ng lahat ng ito sa mga mambabasa ng Watch Tower. Natalos niya na ito’y sumusubok sa pananampalataya ng bawat isa. Alam na alam niya na ipinagpapalagay ng iba na ang kaniyang pamumuna sa di-maka-kasulatang mga turo ay inuudyukan ng espiritu ng pagpapaligsahan. Subalit hindi hinahangad ni Brother Russell na magkaroon ng mga tagasunod sa kaniyang sarili. Tungkol sa nagaganap noon, siya’y sumulat: “Maliwanag na ang layunin ng pagsubok at pagliglig na ito ay upang piliin ang lahat na may walang-imbot na mga hangarin ng puso, na lubusan at walang pasubaling nakatalaga sa Panginoon, na gayon na lamang ang kanilang pagnanais na gawin ang kalooban ng Panginoon, at gayon na lamang kalaki ang kanilang pagtitiwala sa kaniyang karunungan, sa kaniyang daan at sa kaniyang Salita, anupat tumatanggi silang mailayo sa Salita ng Panginoon, maging ng panrarahuyo ng iba, o ng sarili nilang mga panukala o palagay.”
Ang Diyos ba’y Gumagamit ng Isang Nakikitang Alulod?
Sabihin pa, maraming relihiyosong mga organisasyon na umiiral at napakaraming mga tagapagturo na gumagamit ng Bibliya. Ginamit ba ng Diyos si Charles Taze Russell sa pantanging paraan? Kung oo, nawalan ba ang Diyos ng nakikitang alulod nang mamatay si Brother Russell? Naging maseselang na isyu ang mga ito, na humantong sa higit pang pagsubok at pagliglig.
Hindi nga natin maaasahang gagamitin ng Diyos si C. T. Russell kung hindi siya may-katapatang nanghahawakan sa Salita ng Diyos. (Jer. 23:28; 2 Tim. 3:16, 17) Hindi gagamitin ng Diyos ang isang tao na dahil sa takot ay ayaw ipangaral ang malinaw na nakikita niyang nakasulat sa Kasulatan. (Ezek. 2:6-8) Ni gagamitin man ng Diyos ang isang tao na nagsasamantala sa kaniyang kaalaman sa Kasulatan upang luwalhatiin ang kaniyang sarili. (Juan 5:44) Kaya, ano ang ipinakikita ng mga katotohanan?
Habang ginugunita ng mga Saksi ni Jehova ngayon ang gawain niya, ang mga bagay na kaniyang itinuro, ang dahilan niya sa pagtuturo ng mga ito, at ang kinalabasan, wala silang alinlangan na si Charles Taze Russell ay tunay ngang ginamit ng Diyos sa isang pantanging paraan at sa isang makahulugang yugto ng panahon.
Ang pangmalas na ito ay hindi lamang salig sa matatag na paninindigan ni Brother Russell may kinalaman sa pantubos. Isinasaalang-alang din nito ang kaniyang walang-takot na pagtanggi sa mga kredo na naglalaman ng ilan sa saligang b subalit hindi iyon ang pangkaraniwang sinasabi ng mga tagapangaral nila mula sa mga pulpito. Kabaligtaran nito, si Brother Russell ay naglunsad ng isang masinsinang kampanya upang ibahagi sa bawat handang makinig kung ano ang aktuwal na sinasabi ng Bibliya.
mga paniniwala ng Sangkakristiyanuhan, sapagkat ang mga ito’y salungat sa kinasihang mga Kasulatan. Kalakip sa mga paniniwalang ito ay ang doktrina ng Trinidad (na may mga ugat sa sinaunang Babilonya at hindi tinanggap ng nagpapanggap na mga Kristiyano hanggang sa matagal na panahon matapos kumpletong isulat ang Bibliya) gayundin ang turo na ang kaluluwa ng tao ay likas na walang kamatayan (na tinanggap ng mga tao na nabighani sa pilosopiya ni Plato at na umakay sa kanilang magkaroon ng mga idea na tulad ng walang-hanggang pagpapahirap sa mga kaluluwa sa apoy ng impiyerno). Alam din ng marami sa mga iskolar ng Sangkakristiyanuhan na ang mga doktrinang ito ay hindi itinuturo ng Bibliya,Ang kapansin-pansin din ay kung ano ang ginawa ni Brother Russell may kaugnayan sa ibang lubhang mahahalagang katotohanan na natutuhan niya mula sa Salita ng Diyos. Naunawaan niya na si Kristo ay babalik bilang isang maluwalhating espiritung persona, na di-nakikita ng mga mata ng tao. Sing-aga ng 1876, napagtanto niya na ang taóng 1914 ay magtatakda ng katapusan ng Panahon ng mga Gentil. (Luc. 21:24, KJ) Ang ilan sa mga bagay na ito ay naunawaan at itinaguyod din ng ibang mga iskolar sa Bibliya. Subalit ginamit ni Brother Russell ang lahat ng kaniyang tinatangkilik upang ang mga ito’y ilathala sa buong daigdig sa isang antas na hindi mapapantayan ng anupamang ibang indibiduwal o grupo.
Hinimok niya ang iba na maingat na ihambing ang kaniyang mga isinulat sa kinasihang Salita ng Diyos upang magkaroon sila ng kasiyahan na ang natututuhan nila ay lubusang kasuwato nito. Sa isa na sumulat upang magtanong, si Brother Russell ay sumagot: “Kung naging wasto para sa unang mga Kristiyano na patunayan ang kanilang tinanggap mula sa mga apostol, na siyang nagsasabi at talagang naging mga kinasihan, gaano pa ngang higit na nararapat mong tiyakin na ang mga turong ito ay laging nananatiling kaayon ng mga tagubiling binalangkas nila at niyaong sa Panginoon;—yamang ang kanilang awtor ay hindi nag-aangking siya’y kinasihan, kundi na siya’y pinapatnubayan ng Panginoon, bilang isa na ginagamit niya sa pagpapakain sa kaniyang kawan.”
Si Brother Russell ay hindi nag-angkin na siya’y nagtataglay ng pambihirang kapangyarihang higit sa tao, o ng banal na mga kapahayagan. Hindi niya inangkin na siya ang pinagmumulan ng kaniyang itinuturo. Siya’y isang namumukod-tanging estudyante ng Bibliya. Subalit ipinaliwanag niya na ang pambihirang pagkaunawa niya sa Kasulatan ay bunga lamang ng ‘simpleng katotohanan na sumapit na ang takdang panahon ng Diyos.’ Sinabi niya: “Kung hindi ako magsasalita, at
kung walang ibang ahenteng masumpungan, ang mismong mga bato ay hihiyaw.” Tinukoy niya ang kaniyang sarili na katulad lamang ng isang hintuturo, na tumuturo sa kung ano ang sinasabi sa Salita ng Diyos.Ayaw ni Charles Taze Russell na siya’y luwalhatiin ng mga tao. Upang ituwid ang isip ng sinuman na may hilig na mag-ukol ng labis na parangal sa kaniya, si Brother Russell ay sumulat, noong 1896: “Yamang sa maliit na antas ay nagamit kami, sa biyaya ng Diyos, sa ministeryo ng ebanghelyo, marahil ay magiging angkop na sabihin dito kung ano ang madalas namin sinasabi sa pribado, at dati sa mga tudling na ito,—samakatuwid, bagaman pinahahalagahan namin ang pag-ibig, pagmamalasakit, pagtitiwala at pakikisalamuha ng kapuwa mga lingkod at ng buong sambahayan ng pananampalataya, ayaw namin ang anumang papuri, o parangal, para sa aming sarili o sa mga isinusulat namin; ni hangad namin na patawag na Reberendo o Rabbi. Ni hangad namin na ang anumang grupo ay tawagin sa aming pangalan.”
Habang papalapit na ang kaniyang kamatayan, hindi niya inisip na wala nang maaaring matutuhan, na wala nang gawain na kailangang isagawa. Madalas na binabanggit niya ang tungkol sa paghahanda ng isang ikapitong tomo ng Studies in the Scriptures. Nang tanungin siya tungkol dito bago siya mamatay, sinabi niya kay Menta Sturgeon, ang kasama niya sa paglalakbay: “Iyon ay maaari namang isulat ng iba.” Sa kaniyang testamento ay inihayag niya ang kaniyang pagnanais na patuloy na mailathala ang The Watch Tower sa ilalim ng pangangasiwa ng isang komite ng mga lalaki na lubusang debotado sa Panginoon. Sinabi niya na yaong mga maglilingkod nang gayon ay dapat maging mga lalaking “lubusang tapat sa mga doktrina ng Kasulatan—lalo na sa doktrina ng Pantubos—na walang pagsang-ayon ng Diyos at walang kaligtasan tungo sa walang-hanggang buhay maliban lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at pagsunod sa Kaniyang Salita at sa espiritu nito.”
Natalos ni Brother Russell na malaki pa ang dapat gawin sa pangangaral ng mabuting balita. Sa isang sesyong tanong-sagutan sa Vancouver, B.C., Canada, noong 1915, tinanong siya kung kailan inaasahang matatanggap ng pinahiran-ng-espiritung mga tagasunod ni Kristo ang kanilang makalangit na gantimpala. Siya’y sumagot: “Hindi ko alam, ngunit malaki pang gawain ang dapat isagawa. At kakailanganin ang libu-libong kapatid at milyun-milyong pananalapi upang gawin ito. Kung saan manggagaling ang mga ito ay hindi ko alam—alam ng Panginoon ang kaniyang ginagawa.” Pagkatapos, noong 1916, di-nagtagal bago siya magsimula ng kaniyang nagpapahayag na paglalakbay na doon siya namatay, ipinatawag niya si A. H. Macmillan, isang katulong sa pangangasiwa, sa kaniyang opisina. Noong pagkakataong iyon ay sinabi niya: “Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang gawain, gayunma’y napakalaki pang gawain ang dapat isagawa.” Sa loob ng tatlong oras ay inilarawan niya kay Brother Macmillan ang malawakang gawaing pangangaral na nakini-kinita niya sa hinaharap, salig sa mga Kasulatan. Sa mga pagtutol ni Brother Macmillan, siya’y sumagot: “Ito’y hindi gawain ng tao.”
Nagdudulot ng mga Pagsubok ang Pagbabago sa Pangangasiwa
Marami sa mga kasamahan ni Brother Russell ang may matatag na paniniwala na ang mga bagay-bagay ay lubusang pinangangasiwaan ng Panginoon. Sa libing
ni Brother Russell, sinabi ni W. E. Van Amburgh: “Gumamit ang Diyos ng maraming mga lingkod noong nakaraan at walang salang marami rin ang gagamitin Niya sa hinaharap. Ang ating pagtatalaga ay hindi sa isang tao, o sa gawain ng isang tao, kundi sa paggawa ng kalooban ng Diyos, kung papaano Niya isisiwalat sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang Salita at sa pag-akay nang ayon sa kaniyang kalooban. Ang Diyos pa rin ang nangunguna.” Kailanman ay hindi nanghina si Brother Van Amburgh sa paninindigang ito magpahanggang sa kaniyang kamatayan.Gayunman, nakalulungkot na may ilan na nagsabing hinahangaan nila si Russell subalit nagpamalas ng kakaibang espiritu. Dahil dito, ang nabagong mga kalagayan pagkatapos ng kamatayan ni Russell ay naging dahilan ng pagsubok at pagliglig. Ang mga grupo ng apostata ay humiwalay hindi lamang sa Estados Unidos kundi maging sa Belfast, Irlandya; sa Copenhagen, Denmark; sa Vancouver at Victoria, British Colombia, Canada; at sa iba pang mga dako. Sa Helsinki, Pinlandya, ang ilan ay sumunod sa paniniwala na pagkatapos ng kamatayan ni Russell ay wala nang alulod pa para sa karagdagang espirituwal na liwanag. Dahil sa panghihikayat ng ilang prominenteng indibiduwal, 164 doon ang humiwalay sa organisasyon. Ito ba’y pinagpala ng Diyos? Sa loob ng maigsing panahon ay naglathala sila ng sariling magasin at nagdaos ng sariling mga pulong. Subalit, nang maglaon, ang grupo ay nagkawatak-watak, nanlumo, at lubusang naglaho; at marami sa kanila ang malugod na nakabalik sa mga pulong ng mga Estudyante ng Bibliya. Gayunman, hindi bumalik ang lahat.
Ang kamatayan ni Brother Russell, kalakip na ang mga pangyayaring kasunod nito, ay nagharap din ng isang pagsubok kay R. E. B. Nicholson, ang sekretaryo ng sangay sa Australia, at nagpahayag ng laman ng kaniyang puso. Pagkamatay ni Russell ay sumulat si Nicholson: “Sa loob ng mahigit na sangkapat ng isang siglo ay minahal ko siya, hindi lamang dahil sa kaniyang gawain, kundi dahil din sa kaniyang kaakit-akit na pagkatao, nagalak ako sa mga katotohanan na kaniyang inilaan bilang ‘pagkain sa takdang panahon,’ at sa kaniyang payo, na humahanga sa kaniyang madamayin, mabait, maibiging personalidad na tinitimbangan naman ng katatagan at matibay na determinasyon na maglunsad ng anupamang bagay na kailangang gawin upang isakatuparan ang pinaniniwalaan niya na siyang Banal na kalooban o isinisiwalat ng Kaniyang Salita. . . . Waring may nadaramang kalungkutan sa pagkatalos na ang matibay na tagapagtaguyod na ito ay nawala na bilang tao.”
Si Joseph F. Rutherford, ang bagong presidente ng Samahang Watch Tower, ay hindi ang uri ng tao na dapat kumuha ng tungkulin ng pangangasiwa na hinawakan ni Brother Russell ayon sa akala ni Nicholson. Si Nicholson ay hayagang pumuna sa tahasang pambabatikos ng bagong mga publikasyon sa pag-aaral ng Bibliya sa huwad na relihiyon. Di-nagtagal siya’y umalis sa organisasyon, at tinangay niya ang marami sa mga ari-arian ng Samahan (na ipinarehistro niya sa kaniyang sariling pangalan) gayundin yaong mga nasa Melbourne na mahilig na tumitingala sa kaniya. Bakit nangyari ito? Maliwanag na si Nicholson ay naging tagasunod ng isang tao; kaya, nang ang taong iyon ay nawala, ang katapatan at sigasig ni Nicholson sa paglilingkod sa Panginoon ay lumamig. Wala sa mga humiwalay noong panahong iyon ang naging matagumpay. Gayunman, kapansin-pansin na si Jane Nicholson, bagaman mahina ang pangangatawan, ay hindi sumama sa kaniyang asawa sa kaniyang pagtalikod. Ang kaniyang katapatan unang-una ay sa Diyos na
Jehova, at siya’y patuloy na naglingkod sa kaniya nang buong panahon magpahanggang sa kaniyang kamatayan noong 1951.Natalos ng marami na ang nagaganap noong mga taon matapos mamatay si Brother Russell ay tumutupad sa kalooban ng Panginoon. Isa sa mga lingkod ni Jehova sa Canada ang sumulat kay Brother Rutherford tungkol dito, na sinabi:
“Mahal na Kapatid, huwag sana ninyong ikagagalit ngayon ang pagsulat ko nang ganito. Ang inyong personalidad at yaong sa ating mahal na Kapatid na Russell ay magkaibang-magkaiba na tulad ng araw at gabi. Marami, oo napakarami, ang nakagusto kay Brother Russell dahil sa kaniyang pagkatao, personalidad, atb.; at bihirang-bihira ang nagtaas ng kanilang kamay laban sa kaniya. Marami ang tumanggap ng katotohanan dahil lamang sa ito ang sinabi ni Brother Russell. Pagkatapos, marami ang nagsimulang sumamba sa kaniya bilang tao . . . Matatandaan ninyo marahil ang panahon nang si Brother Russell sa isang kombensiyon ay nagsalita nang puso sa puso hinggil sa pagkukulang na ito ng maraming kapatid na may mabuting motibo, na isinalig ang kaniyang pahayag sa nangyari kay Juan at sa anghel. (Apocalipsis 22:8, 9) Nang siya’y mamatay alam nating lahat kung ano ang nangyari.
“Ngunit kayo, Brother Rutherford, ay may personalidad na malayung-malayo sa personalidad ni Brother Russell. Maging ang hitsura ninyo ay ibang-iba. Hindi kayo dapat sisihin dito. Ibinigay ito sa inyo sa pagsilang, at hindi ninyo ito maaaring tanggihan. . . . Mula nang ilagay kayo sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay ng SAMAHAN, naging tampulan kayo ng pinakamabigat na uri ng walang-katarungang mga pamimintas at paninirang-puri, na lahat ng ito ay galing sa mga kapatid. Gayunman sa kabila ng lahat ng Isaias 61:1-3. Alam ba ng Panginoon ang kaniyang ginagawa nang ilagay niya kayo sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay? Tiyak na alam niya. Noon ay mahilig tayong lahat na sumamba sa nilalang kaysa sa Maylalang. Alam ito ng Panginoon. Kaya isang nilalang na may kakaibang personalidad ang inilagay niya sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay, o ang ibig kong sabihi’y sa pamamahala sa gawain, sa gawaing pag-aani. Wala kayong hangad na kayo’y sambahin ng sinuman. Alam ko iyon, ngunit ang talagang hangad ninyo ay na lahat ng may gayunding taimtim na pananampalataya ay magtamasa ng liwanag na ngayo’y sumisikat sa landas ng matuwid, gaya ng minamabuti ng Panginoon na ito’y pasikatin. At iyan ang nais ng Panginoon na mangyari.”
ito naging tapat at debotado kayo sa mahal na Panginoon at sa kaniyang atas na napaulat saNililinaw ang Pagkakakilanlan sa “Tapat at Matalinong Alipin”
Marami sa mga naliglig noong panahong iyon ay nanghawakan sa paniniwala na iisang tao lamang, si Charles Taze Russell, ang siyang “tapat at matalinong alipin” na inihula ni Jesus sa Mateo 24:45-47 (KJ), na ang aliping iyon ay mamamahagi ng espirituwal na pagkain sa sambahayan ng pananampalataya. Pagkamatay niya lalo na, ang The Watch Tower mismo ay nanghawakan sa pangmalas na ito sa loob ng ilang taon. Dahil sa prominenteng papel na ginampanan ni Brother Russell, sa pakiwari noon ng mga Estudyante ng Bibliya ay parang totoo nga iyon. Siya mismo ay hindi personal na nagtaguyod ng idea na ito, subalit kinilala niya na waring makatuwiran ang mga argumento niyaong mga nagtataguyod nito. c Gayunman, idiniin din niya na sinuman na maaaring gamitin ng Panginoon sa gayong posisyon ay dapat maging mapagpakumbaba at masigasig sa pagluwalhati sa Panginoon, at na kung magkukulang ang isang ito na pinili ng Panginoon, siya’y papalitan ng iba.
Gayunman, habang pasulong na sumisikat ang liwanag ng katotohanan nang higit na maningning pagkatapos ng kamatayan ni Brother Russell, at habang higit na lumalawak ang pangangaral na inihula ni Jesus, naging maliwanag na ang “tapat at matalinong alipin” (KJ), o “tapat at maingat na alipin” (NW), ay hindi naman naglaho nang mamatay si Brother Russell. Noong 1881, si Brother Russell mismo ay nagpahayag ng paniniwala na ang “aliping” iyon ay binubuo ng buong kalipunan ng tapat na pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano. Natalos niya ito bilang isang panlahatang lingkod, isang uri ng mga tao na nagkabuklod sa paggawa ng kalooban ng Diyos. (Ihambing ang Isaias 43:10.) Ang pagkaunawang ito ay muling pinagtibay ng mga Estudyante ng Bibliya noong 1927. Sa ngayon ay kinikilala ng mga Saksi ni Jehova na ang magasing Bantayan at ang kasamang mga publikasyon nito ay siyang ginagamit ng tapat at maingat na alipin upang ipamahagi ang espirituwal na pagkain. Hindi nila sinasabi na ang uring aliping ito ay hindi maaaring magkamali, subalit minamalas nila ito bilang ang nag-iisang alulod na ginagamit ng Panginoon sa huling araw ng sistemang ito ng mga bagay.
Nang Maging Hadlang ang Kapalaluan
Subalit, may mga pagkakataon kung minsan na minamalas ng mga indibiduwal Gawa 20:29, 30) Sabihin pa, ito’y sumubok sa mga motibo at espirituwal na katatagan niyaong mga sinisikap nilang hikayatin. Isaalang-alang ang ilang mga halimbawa:
sa responsableng mga tungkulin ang kanilang mga sarili bilang alulod ng espirituwal na liwanag, anupat ayaw nilang tanggapin ang inilalaan ng organisasyon. Ang iba ay nasilo ng hangaring magkaroon ng higit na personal na impluwensiya. Hinangad nilang hikayatin ang iba upang sumunod sa kanila, o, gaya ng pagkasabi ni apostol Pablo, “upang magdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.” (Pantanging mga liham sa mga Estudyante ng Bibliya sa Allegheny, Pennsylvania, ang nag-anyaya sa kanila sa isang miting noong Abril 5, 1894. Sina Brother at Sister Russell ay hindi inanyayahan at hindi dumalo, ngunit may mga 40 iba na dumalo. Ang liham, na nilagdaan nina E. Bryan, S. D. Rogers, J. B. Adamson, at O. von Zech, ay nagsabi na ang miting ay tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang “pinakamabuting kapakanan.” Iyon pala ay isang tusong pagsisikap sa bahagi ng mga nagsasabuwatang ito upang lasunin ang isip ng iba sa pamamagitan ng pagbubunyag ng ipinagpapalagay nilang masasamang pakikitungo ni Brother Russell sa negosyo (bagaman salungat ito sa katotohanan), sa pamamagitan ng pangangatuwirang labis-labis ang awtoridad ni Brother Russell (na gusto nilang angkinin para sa kanilang sarili), at sa pamamagitan ng pagrereklamo sapagkat sinang-ayunan niyang gamitin ang nakalimbag na mga publikasyon upang palaganapin ang ebanghelyo at mga pulong sa mga klase ng Bibliya sa halip na magbigay lamang ng mga pahayag (na doo’y maaaring madaling ipaliwanag ang personal nilang mga pangmalas). Lubhang naligalig ang kongregasyon sa pangyayaring ito, at marami ang natisod. Subalit yaong mga humiwalay ay hindi naging higit na espirituwal na mga tao dahil dito o higit na masigasig sa gawain ng Panginoon.
Mahigit na 20 taon pagkaraan nito, bago siya namatay, binanggit ni Brother Russell na ibig niyang suguin si Paul S. L. Johnson, isang mahusay na tagapagpahayag, sa Britanya upang patibayin ang mga Estudyante ng Bibliya roon. Dahil sa paggalang sa kagustuhan ni Brother Russell, isinugo ng Samahan si Johnson sa Britanya noong Nobyembre 1916. Subalit, nang dumating siya sa Britanya, pinaalis ni Johnson ang dalawa sa mga tagapangasiwa ng Samahan. Dahil sa may pagpapahalaga siya sa kaniyang sarili, siya’y nangatuwiran sa mga pahayag at sa mga liham na ang kaniyang ginagawa ay inilarawan sa mga Kasulatan ng ginawa nina Ezra, Nehemias, at Mardocheo. Inangkin niya na siya ang katiwala (o, lalaking nangangasiwa) na tinukoy ni Jesus sa kaniyang talinghaga sa Mateo 20:8. Sinikap niyang makontrol ang pananalapi ng Samahan, at nagsampa siya ng kaso sa Mataas na Hukuman ng London upang matamo ang kaniyang mga hangarin.
Dahil sa nabigo siya sa kaniyang mga pagsisikap, bumalik siya sa New York. Doon ay sinikap niyang kumuha ng suporta mula sa ilan na naglilingkod sa lupon ng mga direktor ng Samahan. Yaong mga nahikayat na pumanig sa kaniya ay nagsikap na matamo ang kanilang mga hangarin sa pamamagitan ng pagtatangkang pagtibayin ang isang resolusyon upang pawalang-bisa ang mga alituntuning panloob ng Samahan na nagbibigay ng kapangyarihan sa presidente upang pangasiwaan ang gawain nito. Ibig nilang mapasakanila ang awtoridad para sa lahat ng mga desisyon. Kumuha ng legal na hakbang si Brother Rutherford upang ipagsanggalang ang mga kapakanan ng Samahan, at yaong mga nagsisikap na humadlang sa gawain nito ay pinaalis sa Tahanang Bethel. Sa taunang pulong ng mga kasapi ng
Samahan maaga nang sumunod na taon, nang inihahalal ang lupon ng mga direktor at ang mga opisyal nito para sa taóng darating, yaong mga naghimagsik ay pawang itinakwil. Marahil ang ilan sa kanila ay nag-aakala na sila’y nasa tamang panig, subalit niliwanag ng karamihan ng kanilang espirituwal na mga kapatid na hindi sila sang-ayon. Tatanggapin kaya nila ang pagsaway na iyon?Pagkatapos nito, si P. S. L. Johnson ay dumalo sa mga pulong ng mga Estudyante ng Bibliya at kunwa’y nagbigay ng impresyon na siya’y sang-ayon sa kanilang mga paniniwala at gawain. Subalit matapos makuha niya ang tiwala ng ilan, naghasik siya ng mga binhi ng pag-aalinlangan. Kung ang sinuman ay nagmumungkahi na dapat silang humiwalay sa Samahan, pakunwaring tinatanggihan niya ito—hanggang sa lubusang mawasak ang katapatan ng grupo. Sa mga liham at maging sa personal na mga paglalakbay, sinikap niyang impluwensiyahan ang mga kapatid hindi lamang sa Estados Unidos kundi maging sa Canada, Jamaica, Europa, at Australia. Ito ba’y nagtagumpay?
Marahil tila gayon na nga kapag ang karamihan sa isang kongregasyon ay bumoto na putulin ang ugnayan nila sa Samahan. Subalit sila’y naging tulad ng isang sanga na naputol mula sa punungkahoy—berde nang pasimula, saka natuyo at tuluyang namatay. Nang ang mga mananalansang ay magdaos ng kombensiyon noong 1918, may mga hidwaan na lumitaw, at nabahagi sila. Higit na pagkakabaha-bahagi ang sumunod. Ang ilan ay nagpatuloy sumandali bilang maliliit na sekta na may lider na kanilang hinahangaan. Wala sa kanila ang nag-ukol ng kanilang sarili sa pagbibigay ng pangmadlang pagpapatotoo sa buong tinatahanang lupa tungkol sa Kaharian ng Diyos, na siyang gawaing iniatas ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod.
Samantalang nagaganap ang mga bagay na ito, nagunita ng mga kapatid ang nakaulat sa 1 Pedro 4:12: “Mga minamahal, huwag kayong magtaka dahil sa ningas sa gitna ninyo, na nangyayari sa inyo bilang isang pagsubok, na waring ang nagaganap sa inyo’y di-karaniwang bagay.”
Hindi lamang yaong mga binanggit sa itaas ang nagpabaya na ang kanilang pananampalataya ay humina dahil sa kapalaluan. Gayundin ang iba, kabilang na rito si Alexandre Freytag, ang tagapangasiwa ng opisina ng Samahan sa Geneva, Switzerland. Ibig niyang tumawag ng pansin sa sarili, nagdagdag ng sarili niyang mga idea kapag isinasalin ang mga publikasyon ng Samahan sa Pranses, at ginamit pa man din niya ang mga pasilidad ng Samahan upang ilathala ang kaniyang sariling materyales. Sa Canada, naroon si W. F. Salter, isang tagapangasiwa ng sangay ng Samahan na nagsimulang sumalungat sa mga publikasyon ng Samahan, at nagbigay-alam na inaasahan niyang siya ang susunod na magiging presidente ng Samahang Watch Tower, at, nang siya’y pinaalis, may pandarayang ginamit niya ang letterhead ng Samahan upang tagubilinan ang mga kongregasyon sa Canada at sa ibang bansa na pag-aralan ang materyales na personal niyang isinulat. Sa Nigeria, bukod pa sa iba, ay naroon si G. M. Ukoli, na noong pasimula ay nagpakita ng sigasig para sa katotohanan ngunit pagkatapos ay nagsimulang malasin ito bilang paraan ng pagkakamit ng materyal na pakinabang at personal na katanyagan. Pagkatapos, nang mabigo siya sa kaniyang mga pakana, bumaling siya sa pamimintas sa tapat na mga kapatid sa mga pahayagan. At mayroon pang iba.
Maging nitong nakaraang ilang taon lamang, ang ilang mga indibiduwal na dati’y nagtataglay ng prominenteng mga tungkulin sa pangangasiwa ay nagpamalas ng gayunding espiritu.
Sabihin pa, ang mga taong ito ay may kalayaang paniwalaan ang anumang ibig nila. Subalit ang sinuman na nagtataguyod ng mga paniniwala na lihis sa lumilitaw sa mga publikasyon ng isang organisasyon sa publiko o sa pribado, at ginagawa ito samantalang patuloy na nag-aangking siya’y kinatawan ng organisasyong iyon, ay lumilikha ng pagkakabaha-bahagi. Papaano hinarap ng mga Saksi ni Jehova ang mga situwasyong ito?
Hindi sila naglunsad ng isang kampanya ng pag-uusig laban sa mga taong ito (kahit na ang mga humihiwalay ay madalas na nanlalait sa dati nilang mga kapatid sa espirituwal), ni sinikap man nilang saktan sila sa pisikal (gaya ng ginawa ng Iglesya Katolika sa pamamagitan ng Inkisisyon). Sa halip, sinunod nila ang kinasihang payo ni apostol Pablo, na sumulat: “Tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabaha-bahagi at katitisuran salungat sa turo na inyong natutuhan, at iwasan ninyo sila. Sapagkat ang mga taong gayon ay mga alipin, hindi ng ating Kristong Panginoon . . . Sa pamamagitan ng madudulas na pananalita at matatamis na pangungusap ay dinaraya nila ang mga puso ng mga walang malay.”—Roma 16:17, 18.
Samantalang pinagmamasdan ng iba ang nagaganap, sila rin ay binibigyan ng pagkakataon upang ipamalas kung ano ang nasa kanilang puso.
Kinailangan ang Pagdalisay sa mga Pangmalas sa Doktrina
Hayagang tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova na ang kanilang pagkaunawa sa layunin ng Diyos ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa paglipas ng mga taon. Ang pagiging pasulong ng kaalaman sa layunin ng Diyos ay nangangahulugan na kailangang magkaroon ng pagbabago. Hindi sa nagbabago ang mismong layunin ng Diyos, kundi ang kaliwanagan na patuluyan niyang ipinagkakaloob sa kaniyang mga lingkod ay humihiling ng mga pagbabago sa kanilang pangmalas.
Mula sa Bibliya ipinaliliwanag ng mga Saksi na ito’y totoo rin sa tapat na mga lingkod ng Diyos noong una. Si Abraham ay may malapit na ugnayan kay Jehova; subalit nang siya’y umalis sa Ur, hindi alam ng lalaking iyon ng pananampalataya ang lupain kung saan siya inaakay ng Diyos, at sa loob ng maraming taon ay hindi niya natiyak kung papaano tutuparin ng Diyos ang kaniyang pangako na gumawa ng isang dakilang bansa mula sa kaniya. (Gen. 12:1-3; 15:3; 17:15-21; Heb. 11:8) Maraming katotohanan ang isiniwalat ng Diyos sa mga propeta, ngunit marami pang ibang bagay na hindi nila naunawaan noon. (Dan. 12:8, 9; 1 Ped. 1:10-12) Gayundin, marami ang ipinaliwanag ni Jesus sa kaniyang mga apostol, ngunit kahit noong magtatapos na ang kaniyang buhay sa lupa sinabi niya sa kanila na may marami pang mga bagay na dapat nilang matutuhan. (Juan 16:12) Ang ilan sa mga bagay na ito, tulad ng layunin ng Diyos na ang mga Gentil ay isasama sa kongregasyon, ay hindi naunawaan hanggang sa makita ng mga apostol ang aktuwal na nagaganap bilang katuparan ng hula.—Gawa 11:1-18.
Tulad sa maaaring asahan, kapag ang mga pagbabago ay humiling ng pag-iwan sa dating kinagigiliwang mga pangmalas, ito’y naging pagsubok para sa ilan. Karagdagan pa, hindi lahat ng mga pagbabago sa pagkaunawa ay dumating nang gayong
kadali, na paminsanan lamang. Dahil sa di-kasakdalan, kung minsan may hilig na lumabis sa magkabilang panig bago mapagtanto ang wastong paninindigan. Maaaring nangangailangan ito ng panahon. Ang ilan na mahilig sa pagiging mapamintas ay natisod dahil dito. Isaalang-alang ang isang halimbawa:Sing-aga ng 1880, ang mga publikasyon ng Watch Tower ay tumalakay ng ilang detalye may kaugnayan sa tipang Abrahamiko, ang tipang Batas, at ang bagong tipan. Nakalimutan ng Sangkakristiyanuhan ang pangako ng Diyos na sa pamamagitan ng binhi ni Abraham ay tiyak na pagpapalain ng mga sambahayan sa lupa ang kanilang mga sarili. (Gen. 22:18) Subalit may masidhing interes si Brother Russell na maunawaan kung papaano ito isasagawa ng Diyos. Inakala niyang may nakita siya sa paglalarawan ng Bibliya hinggil sa Judiong Araw ng Katubusan na mga pahiwatig kung papaano ito maisasagawa may kaugnayan sa bagong tipan. Noong 1907, nang muling talakayin ang mga tipan ding ito, na higit na pinatitingkad ang papel ng kasamang mga tagapagmana ni Kristo sa pagdadala sa sangkatauhan ng mga pagpapalang inihula sa tipang Abrahamiko, mahigpit na mga pagtutol ang ibinangon ng ilan sa mga Estudyante ng Bibliya.
Noong panahong iyon ay may mga bagay na humahadlang sa malinaw na pagkaunawa rito. Hindi pa wastong napagtanto ng mga Estudyante ng Bibliya ang posisyon na taglay ng likas na Israel noon may kaugnayan sa layunin ng Diyos. Ang hadlang na ito ay hindi naalis hanggang sa malinaw na nakita na ang mga Judio bilang bayan ay hindi interesado na sila’y gamitin ng Diyos sa katuparan ng kaniyang makahulang salita. Ang isa pang hadlang ay ang kawalang-kakayahan ng mga Estudyante ng Bibliya na wastong makilala ang “malaking pulutong” ng Apocalipsis 7:9, 10. Ang pagkakakilanlang ito ay hindi naging maliwanag hangga’t hindi pa aktuwal na magsimulang lumitaw ang malaking pulutong bilang katuparan ng hula. Yaong mga mahigpit na namimintas kay Brother Russell ay hindi rin nakaunawa sa mga bagay na ito.
Gayunman, ang ilan na nagpapanggap na mga Kristiyanong kapatid ay may-kabulaanang nagbintang na itinatwa ng The Watch Tower na si Jesus ang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao, na itinakwil nito ang pantubos at tinanggihan ang pangangailangan at katunayan ng katubusan. Pawang kabulaanan ang lahat ng ito. Subalit ang ilan na nagsabi nito ay prominenteng mga indibiduwal, at hinikayat nila ang iba na sumunod sa kanila bilang mga alagad. Maaaring tama sila sa ilang detalye na itinuro nila may kaugnayan sa bagong tipan, subalit pinagpala ba ng Panginoon ang kanilang mga ginawa? Sa loob ng maikling panahon ang ilan sa kanila ay nagdaos ng mga pulong, ngunit pagkatapos nito ang mga grupo nila ay naglaho.
Kabaligtaran nito, ang mga Estudyante ng Bibliya ay patuloy na nakibahagi sa pangangaral ng mabuting balita, tulad ng iniutos ni Jesus sa kaniyang mga alagad. Kasabay nito, sila’y patuloy na nag-aral ng Salita ng Diyos at nagmasid sa mga pangyayari na magbibigay-liwanag sa kahulugan nito. Sa wakas, noong dekada ng 1930, naalis na ang pangunahing mga hadlang sa malinaw na pagkaunawa sa mga tipan, at ang mga pahayag na nagtutuwid nito ay lumitaw sa Ang Bantayan at sa kaugnay na mga publikasyon. d Kaylaking kagalakan ang idinulot nito sa mga nakapaghintay nang may pagtitiyaga!
Tama ba ang Kanilang mga Inaasahan?
May mga panahon na nagkaroon ang mga Estudyante ng Bibliya ng mga pangarap at mga inaasahan na kinukutya naman ng mga kritiko. Gayunman, ang lahat ng mga pangarap at mga inaasahang ito ay pawang nagmumula sa isang masidhing hangarin na makita ang katuparan ng di-nabibigong mga pangako ng Diyos na siyang kinikilala ng masisigasig na Kristiyanong ito.
Mula sa kanilang pag-aaral ng kinasihang Kasulatan, alam nila na nangako si Jehova ng mga pagpapala para sa lahat ng mga bansa sa lupa sa pamamagitan ng binhi ni Abraham. (Gen. 12:1-3; 22:15-18) Nakita nila sa Salita ng Diyos ang pangako na ang Anak ng tao ay magpupunò bilang makalangit na Hari sa buong lupa, na isang munting kawan ng mga tapat ang kukunin mula sa lupa upang makibahaging kasama niya sa kaniyang Kaharian, at na magpupunò ang mga ito bilang mga hari sa loob ng isang libong taon. (Dan. 7:13, 14; Luc. 12:32; Apoc. 5:9, 10; 14:1-5; 20:6) Alam nila ang pangako ni Jesus na siya’y babalik at dadalhing kasama niya yaong mga pinaghandaan niya ng dako sa langit. (Juan 14:1-3) Alam na alam nila ang pangako na pipiliin din ng Mesiyas ang ilan sa kaniyang tapat na mga ninuno upang maging mga prinsipe sa buong lupa. (Awit 45:16) Napagtanto nila na inihuhula ng Kasulatan ang katapusan ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay at natalos nila na ito’y may kaugnayan sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa Armagedon. (Mat. 24:3; Apoc. 16:14, 16) Naantig ang kanilang damdamin dahil sa mga kasulatan na nagpapakita na ang lupa ay nilikha upang tahanan nang walang-hanggan, na yaong mga mabubuhay rito ay magkakaroon ng tunay na kapayapaan, at na lahat ng mga sumasampalataya sa sakdal na hain ni Jesus bilang tao ay makapagtatamasa ng walang-hanggang buhay sa Paraiso.—Isa. 2:4; 45:18; Luc. 23:42, 43; Juan 3:16.
Likas lamang na isipin nila kung kailan at papaano magaganap ang mga bagay na ito. Nagbigay ba ng anumang pahiwatig ang kinasihang mga Kasulatan?
Sa paggamit ng kronolohiya ng Bibliya na unang ipinaliwanag ni Christopher Bowen ng Inglatera, inakala nila na nagtapos na ang 6,000 taon ng kasaysayan ng tao noong 1873, na pagkatapos nito ay naroon na sila sa ikapitong sanlibong-taóng yugto ng kasaysayan ng tao, at na tiyak na sumapit na nga ang bukang-liwayway ng inihulang Milenyo. Ang serye ng mga aklat na nakilala bilang Millennial Dawn (at nang maglaon ay tinawag na Studies in the Scriptures), na isinulat ni C. T. Russell, ay tumawag-pansin sa kahulugan nito ayon sa pagkaunawa ng mga Estudyante ng Bibliya mula sa mga Kasulatan.
Ang isa pang bagay na nakita nilang maaaring magpahiwatig ng sukat ng panahon ay may kaugnayan sa kaayusang pinasimulan ng Diyos sa sinaunang Israel para sa isang Jubileo, ang taon ng pagkapalaya, bawat ika-50 taon. Dumating ito pagkatapos ng isang serye ng pitong yugto na tig-7 taon, na bawat isa sa mga ito’y nagtapos sa isang sabbath na taon. Sa taon ng Jubileo, ang mga aliping Hebreo ay pinalalaya at ang minanang mga pag-aaring lupa na ipinagbili ay isinasauli. (Lev. 25:8-10) Ang mga kalkulasyon salig sa sunud-sunod na mga yugtong ito ng mga taon ay umakay sa konklusyon na marahil isang lalong dakilang Jubileo para sa buong lupa ang nagsimula noong taglagas ng 1874, na waring ang Panginoon ay bumalik noong taóng iyon at ngayon ay naririto nang di-nakikita, at na “ang mga panahon ng pagsasauli sa lahat ng mga bagay” ay sumapit na.—Gawa 3:19-21, KJ.
Salig sa palagay na ang mga pangyayari ng unang siglo ay maaaring magkaroon ng mga katumbas sa kaugnay na mga pangyayari sa dakong huli, naging konklusyon din nila na kung ang bautismo at pagpapahid kay Jesus noong taglagas ng 29 C.E. ay katumbas ng pasimula ng isang di-nakikitang pagkanaririto noong 1874, kung gayon ang kaniyang pagsakay papasok sa Jerusalem bilang Hari noong tagsibol ng 33 C.E. ay magiging katumbas ng tagsibol ng 1878 bilang panahon ng pagtanggap niya ng kapangyarihan bilang makalangit na Hari. e Inakala rin nila na sila’y bibigyan ng kanilang makalangit na gantimpala noong panahong iyon. Nang hindi ito maganap, nahinuha nila na yamang ang pinahirang mga tagasunod ni Jesus ay makikibahaging kasama niya sa Kaharian, ang pagkabuhay-muli tungo sa buhay-espiritu ng mga natutulog na sa kamatayan ay nagsimula noon. Ikinatuwiran din na ang katapusan ng pantanging pabor ng Diyos sa likas na Israel na humangga sa 36 C.E. ay maaaring maging katumbas ng 1881 bilang panahon ng pagtatapos ng pantanging pagkakataon upang maging bahagi ng espirituwal na Israel. f
Sa pahayag na “Angaw-angaw na Ngayo’y Nabubuhay Ay Hindi Na Mamamatay Kailanman,” na ibinigay ni J. F. Rutherford noong Marso 21, 1920, sa Hippodrome sa New York City, itinuon ang pansin sa taóng 1925. Ano ang dahilan at inisip nilang mahalaga ito? Sa isang buklet na inilathala noong taon ding iyon, 1920, ipinaliwanag na kung ang 70 kumpletong Jubileo ay kinalkula mula sa ipinalalagay na petsa nang pumasok ang Israel sa Lupang Pangako (sa halip na magsimula pagkatapos ng huling tipikal na Jubileo bago ang pagkabihag sa Babilonya at pagkatapos ay bibilang sa pagsisimula ng taon ng Jubileo sa katapusan ng ika-50 siklo), ito ay maaaring tumukoy sa taóng 1925. Salig sa sinabi roon, marami ang may pangarap na marahil ang nalabi ng munting kawan ay tatanggap ng kanilang makalangit na gantimpala sa 1925. Ang taóng ito ay iniugnay rin sa inaasahang pagkabuhay-muli ng tapat na mga lingkod ng Diyos bago ang panahong Kristiyano na may layuning makapaglingkod sila sa lupa bilang tulad-prinsipeng mga kinatawan ng makalangit na Kaharian. Kung ito’y talagang naganap, mangangahulugan ito na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa panahon kung kailan hindi na mamamanginoon ang kamatayan, at milyun-milyong nabubuhay noon ay maaaring magkaroon ng pag-asa na hindi na mamamatay sa lupa. Kayligayang pag-asa ito! Bagaman nagkamali sila sa kanilang mga inaasahan, buong pananabik nilang ibinahagi ito sa iba.
Nang dakong huli, noong mga taon mula 1935 hanggang 1944, isang muling pagsusuri sa buong balangkas ng kronolohiya ng Bibliya ang nagsiwalat na isang di-wastong Gawa 13:19, 20 sa King James Version, g bukod pa sa ibang mga salik, ang nagpamali sa kronolohiya nang mahigit sa isang siglo. h Nang bandang huli ito’y umakay sa idea—kung minsan ay binanggit bilang posibilidad, kung minsan nang may higit na kasiguruhan—na yamang ang ikapitong milenyo ng kasaysayan ng tao ay magsisimula sa 1975, ang mga pangyayari na kaugnay ng pasimula ng Milenyong Paghahari ni Kristo ay maaaring magsimula sa panahong iyon.
salin ngAng mga paniniwala ba ng mga Saksi ni Jehova sa mga bagay na ito ay napatunayang wasto? Tiyak na hindi sila nagkamali sa paniniwala na hindi mabibigo ang Diyos sa pagtupad sa kaniyang ipinangako. Ngunit ang ilan sa kanilang mga kalkulasyon ng panahon at mga inaasahan na iniugnay nila rito ay naging sanhi ng matinding pagkabigo.
Pagkatapos ng 1925, biglang bumaba ang bilang ng dumadalo sa ilang mga kongregasyon sa Pransya at Switzerland. Muli, noong 1975, nagkaroon ng pagkabigo nang hindi nagkatotoo ang mga pangarap may kinalaman sa pasimula ng Milenyo. Bunga nito, ang ilan ay humiwalay sa organisasyon. Ang iba, sapagkat ibig nilang pahinain ang pananampalataya ng kanilang mga kasamahan, ay natiwalag. Walang alinlangan, ang pagkabigo hinggil sa petsa ay isang salik, subalit sa ilang kaso ay naging mas malalim ang ugat na dahilan. Ang ilang indibiduwal ay nangatuwiran na hindi kailangang makibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay. May ilan na hindi lamang nasiyahan sa pagtahak sa kanilang sariling daan; sila’y naging mapilit sa kanilang pagsalansang sa organisasyon na dating kinaaniban nila, at ginamit nila ang mga pahayagan at ang telebisyon upang ihayag ang kanilang mga pangmalas. Magkaganito man, ang bilang ng mga humiwalay ay hindi gaanong marami.
Bagaman ang mga pagsubok na ito ay nagbunga ng pagliglig at ang ilan ay napadpad ng hangin na gaya ng dayami kapag binibithay ang trigo, ang iba naman ay nanatiling di-natitinag. Bakit? Tungkol sa kaniyang sariling karanasan at niyaong sa iba noong 1925, si Jules Feller ay nagpaliwanag: “Yaong mga naglagak ng kanilang tiwala kay Jehova ay nanatiling matatag at nagpatuloy sa kanilang gawaing pangangaral.” Inamin nila ang pagkakamaling nagawa subalit sa anumang paraan ay hindi nabigo ang Salita ng Diyos, at dahil dito ay walang dahilan upang manlabo ang kanilang mga pag-asa o manghina sila sa gawain ng pag-akay sa mga tao sa Kaharian ng Diyos bilang tanging pag-asa ng sangkatauhan.
Hindi nga natupad ang ilang mga inaasahan, subalit hindi ito nangangahulugan na walang halaga ang kronolohiya ng Bibliya. Ang hula na iniulat ni Daniel tungkol sa paglitaw ng Mesiyas 69 na sanlinggo ng mga taon pagkatapos ng “paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem” ay natupad sa tamang panahon, i (Dan. 9:24-27) Ang taóng 1914 ay itinakda rin sa hula ng Bibliya.
noong 29 C.E.1914—Ang mga Inaasahan at ang Aktuwal na Nangyari
Noong 1876, isinulat ni C. T. Russell ang una sa maraming mga artikulo na tumukoy sa taóng 1914 bilang katapusan ng Panahon ng mga Gentil na binanggit ni Jesu-Kristo. (Luc. 21:24, KJ) Sa ikalawang tomo ng Millennial Dawn, na inilathala noong 1889, inilahad ni Brother Russell sa isang makatuwirang paraan ang mga detalye na makatutulong sa mga mambabasa na makita ang maka-Kasulatang saligan sa sinabi at upang masuri nila ito para sa kanilang sarili. Sa loob ng halos apat na dekada hanggang 1914, ipinamahagi ng mga Estudyante ng Bibliya ang milyun-milyong kopya ng mga publikasyon na nagtuon ng pansin sa katapusan ng Panahon ng mga Gentil. May ilan pang relihiyosong mga publikasyon na pumansin din sa kronolohiya ng Bibliya na tumutukoy sa taóng 1914, ngunit aling grupo bukod sa mga Estudyante ng Bibliya ang nagbigay rito ng patuluyang publisidad sa buong daigdig at namuhay sa paraang nagpapatunay na may paniniwala silang talagang magtatapos ang Panahon ng mga Gentil sa taóng iyon?
Habang papalapit na ang 1914, naging higit na masidhi ang pananabik. Ano ang magiging kahulugan nito? Sa The Bible Students Monthly (Tomo VI, Blg. 1, na inilathala noong unang bahagi ng 1914), sumulat si Brother Russell: “Kung tama ang taglay nating petsa at kronolohiya, ang Panahon ng mga Gentil ay magtatapos sa taóng ito—1914. Ano kaya ang kahulugan nito? Hindi natin matitiyak. Ang ating inaasahan ay na ang aktibong pamamahala ng Mesiyas ay magsisimula sa panahon ng pagtatapos ng kapangyarihang ipinahintulot sa mga Gentil. Ang ating inaasahan, totoo man o mali, ay na magkakaroon ng kamangha-manghang mga kapahayagan ng Banal na mga kahatulan laban sa lahat ng kalikuan, at na ito’y mangangahulugan ng pagkakawatak-watak ng marami sa mga institusyon sa kasalukuyan, kung hindi man lahat.” Idiniin niya na hindi niya inaasahan ang “katapusan ng sanlibutan” noong 1914 at na ang lupa ay nananatili magpakailanman, kundi na ang kasalukuyang kaayusan ng mga bagay, na pinamamahalaan ni Satanas, ay lilipas na.
Sa labas nito ng Oktubre 15, 1913, sinabi ng The Watch Tower: “Ayon sa pinakamahusay na kalkulasyon ng kronolohiya na magagawa natin, humigit-kumulang ito’y magiging sa panahong iyon—maging sa Oktubre, 1914, o sa bandang huli pa roon. Bagaman hindi tayo dogmatiko, inaasahan natin ang ilang mga pangyayari: (1) Ang katapusan ng Panahon ng mga Gentil—ang pangingibabaw ng mga Gentil sa sanlibutan—at (2) Para sa pagpapasimula ng Kaharian ng Mesiyas sa sanlibutan.”
Papaano magaganap ito? Sa mga Estudyante ng Bibliya noon ay parang makatuwiran na kalakip nito ang pagluwalhati ng mga natitira pa sa lupa na pinili ng Diyos upang makibahaging kasama ni Kristo sa makalangit na Kaharian. Subalit ano ang nadama nila nang hindi ito naganap noong 1914? Sinabi ng The Watch Tower ng Abril 15, 1916: “Naniniwala kami na ang mga petsa ay napatunayang tama naman. Naniniwala kami na nagtapos na ang Panahon ng mga Gentil.” Gayunman, prangkahan nitong idinagdag: “Hindi sinabi ng Panginoon na lahat sa Iglesya ay luluwalhatiin pagsapit ng 1914. Nahinuha lamang natin ito at, maliwanag naman, na nagkamali tayo.”
Luc. 19:11; 24:19-24; Gawa 1:6.
Sa bagay na ito ay parang kahawig sila ng mga apostol ni Jesus. Alam ng mga apostol at inakala nilang sila’y may paniniwala sa mga hula tungkol sa Kaharian ng Diyos. Subalit sa iba’t ibang panahon ay nagkaroon sila ng maling mga pag-asa tungkol sa kung papaano at kailan matutupad ang mga ito. Ito’y naging sanhi ng pagkasiphayo sa bahagi ng ilan.—Nang lumipas ang Oktubre 1914 at hindi dumating ang inaasahang pagbabago tungo sa makalangit na buhay, alam ni Brother Russell na magkakaroon ng maselan na mga pagsusuri ng puso. Sa The Watch Tower ng Nobyembre 1, 1914, siya’y sumulat: “Tandaan natin na tayo’y nasa panahon ng pagsubok. Ang mga Apostol ay nagkaroon ng isang kahawig nito noong panahon sa pagitan ng kamatayan ng ating Panginoon at ng Pentecostes. Matapos buhaying-muli ang ating Panginoon, Siya’y nagpakita sa Kaniyang mga alagad nang ilang beses, at pagkatapos nito ay hindi nila Siya nakita nang maraming araw. Nang magkagayo’y nasiraan sila ng loob at nagsabi, ‘Walang kabuluhan ang maghintay’; ‘Mangingisda na ako,’ sabi ng isa. Dalawa pa ang nagsabi, ‘Sasama kami sa iyo.’ Sila’y handa nang bumalik sa pangingisda at iiwanan nila ang gawaing pamamalakaya ng mga tao. Ito’y panahon ng pagsubok para sa mga alagad. Gayundin sa ngayon. Kung may anumang dahilan para bitiwan ng sinuman ang Panginoon at ang Kaniyang Katotohanan at ihinto ang pagsasakripisyo para sa Kapakanan ng Panginoon, kung gayon ay hindi lamang pag-ibig sa Diyos na nasa puso ang pumukaw ng kaniyang interes sa Panginoon, kundi iba pang bagay; kaypala’y ang pag-asa na maikli na lamang ang panahon; ang kaniyang pagtatalaga ay sa isang limitadong panahon lamang.”
Waring ganito na nga ang nangyari sa ilan. Ang kanilang mga kaisipan at mga hangarin ay pangunahing nakatuon sa pag-asa na sila’y mabago tungo sa makalangit na buhay. Nang hindi ito nangyari sa panahong inaasahan, isinara nila ang kanilang mga kaisipan sa kahalagahan ng kamangha-manghang mga bagay na naganap noong 1914. Nawala sa kanilang paningin ang lahat ng katangi-tanging mga katotohanan na natutuhan nila mula sa Salita ng Diyos, at sinimulan nilang libakin ang mga taong tumulong sa kanila upang matutuhan ang mga ito.
Taglay ang kapakumbabaan, muling siniyasat ng mga Estudyante ng Bibliya ang mga Kasulatan, upang ang kanilang pangmalas ay maituwid ng Salita ng Diyos. Ang kanilang paninindigan na nagtapos ang Panahon ng mga Gentil noong 1914 ay hindi nagbago. Unti-unting naging higit na malinaw sa kanila kung papaano ang Mesianikong Kaharian ay nagsimula na—na ito’y naitatag sa langit nang pinagkalooban ni Jehova ng awtoridad si Jesu-Kristo, na kaniyang Anak; gayundin na ito’y hindi kailangang maghintay pa hanggang sa buhaying-muli ang kasamang mga tagapagmana ni Jesus tungo sa makalangit na buhay kundi na sila’y luluwalhatiing kasama niya sa dakong huli pa. Karagdagan pa, unti-unting natalos nila na hindi kailangang unang buhaying-muli ang tapat na sinaunang mga propeta upang mapalaganap ang impluwensiya ng Kaharian, kundi sa halip ay gagamitin ng Hari ang tapat na mga Kristiyano na nabubuhay ngayon bilang kaniyang mga kinatawan upang iharap sa mga tao ng lahat ng bansa ang pagkakataong mabuhay magpakailanman bilang makalupang mga sakop ng Kaharian.
Samantalang unti-unting nabuksan sa kanilang paningin ang dakilang tanawing ito, higit pang pagsubok at pagliglig ang naging resulta. Subalit yaong mga tunay na umiibig kay Jehova at nalulugod na siya’y paglingkuran ay tumanaw ng malaking utang na loob dahil sa mga pribilehiyo ng paglilingkuran na nabuksan sa kanila.—Apoc. 3:7, 8.
Isa sa mga ito ay si A. H. Macmillan. Nang dakong huli siya’y sumulat: “Bagaman hindi natupad ang aming mga inaasahan hinggil sa pag-akyat sa langit noong 1914, nang taóng iyon ay natapos na ang Panahon ng mga Gentil . . . Hindi kami gaanong nababalisa nang hindi maganap ang lahat na katulad ng aming inaasahan, sapagkat totoong abala kami sa gawain sa Photo-Drama at sa mga problemang likha ng digmaan.” Siya’y patuloy na naging abala sa paglilingkod kay Jehova at nagalak siya nang makita niyang sumulong ang bilang ng mga tagapaghayag ng Kaharian hanggang sa lumampas pa sa isang milyon bago siya namatay.
Bilang paggunita sa mga karanasan niya sa loob ng 66 na taon kasama ng organisasyon, sinabi niya: “Marami akong nakitang matinding mga paghihirap sa organisasyon at mga pagsubok sa pananampalataya ng mga kabilang dito. Sa tulong ng espiritu ng Diyos ito’y nakaligtas at patuloy na lumago.” Tungkol sa mga pagbabago sa kaalaman habang nagpapatuloy, idinagdag niya: “Ang saligang mga katotohanan na ating natutuhan mula sa Kasulatan ay hindi nagbago. Kaya natutuhan kong dapat nating aminin ang ating mga pagkakamali at patuloy na magsiyasat sa Salita ng Diyos upang magkaroon ng higit na kaliwanagan. Kahit anong mga pagbabago sa ating mga pangmalas na kailangan nating gawin sa tuwi-tuwina, hindi ito magpapabago sa mapagpalang paglalaan ng pantubos at sa pangako ng Diyos na buhay na walang-hanggan.”
Sa buong buhay niya, nakita ni Brother Macmillan na, kabilang sa mga isyu na nagdulot ng mga pagsubok sa pananampalataya, ang pagiging handang magpatotoo at ang pagpapahalaga sa teokratikong organisasyon ang dalawa na naglalantad kung ano talaga ang nasa puso ng mga indibiduwal. Papaano nagkagayon?
Naging mga Isyu ang Paglilingkod sa Larangan at ang Organisasyon
Sa unang labas nito, at binigyan ng higit na pagdiriin mula noon, ang Zion’s Watch Tower ay humimok sa bawat isang tunay na Kristiyano na ibahagi ang katotohanan sa iba. Pagkatapos nito, ang mga mambabasa ng Watch Tower ay madalas na pinasigla na pahalagahan ang kanilang pribilehiyo at pananagutan na ipahayag ang mabuting balita sa iba. Marami ang nakibahagi sa limitadong mga paraan, subalit kakaunti lamang ang nangunguna sa gawain, na dumadalaw sa bahay-bahay upang mabigyan ang lahat ng pagkakataon na marinig ang mensahe ng Kaharian.
Gayunman, pasimula noong taóng 1919, higit na pagdiriin ang iniukol sa paglilingkod sa larangan. Buong-puwersang idiniin ito ni Brother Rutherford sa isang pahayag sa Cedar Point, Ohio, noong taóng iyon. Sa bawat kongregasyon na humiling na sila’y organisahin ng Samahan para sa paglilingkod, mga kaayusan ang ginawa para sa isang service director, na inatasan ng Samahan, upang asikasuhin ang gawain. Siya mismo ang mangunguna at titiyakin niya na may sapat na mga suplay ang kongregasyon para rito.
Noong 1922, inilathala ng The Watch Tower ang isang artikulong pinamagatang “Mahalaga ang Paglilingkod.” Ito’y nagpaliwanag na kailangang-kailangang marinig ng mga tao ang mabuting balita ng Kaharian, nagtuon ng pansin sa makahulang utos ni Jesus sa Mateo 24:14, at nagsabi sa matatanda sa mga kongregasyon: “Huwag isipin ng sinuman na sapagkat siya’y matanda sa klase ang lahat ng kaniyang paglilingkod ay dapat gawin sa pamamagitan ng bibigang pangangaral. Kung may pagkakataon siya na humayo sa mga tao at magpasakamay sa kanila ng nakalimbag na mensahe, iyan ay isang dakilang pribilehiyo at iyan ay pangangaral ng ebanghelyo, kalimita’y mas mabisa pa kaysa anupamang ibang paraan ng pangangaral nito.” Pagkatapos ay nagtanong ang artikulo: “Maipagmamatuwid ba ng sinumang tunay na nakatalaga sa Panginoon kung bakit wala siyang ginagawa sa kapanahunang ito?”
Ang iba’y umiwas dito. Nagbangon sila ng sari-saring mga pagtutol. Naisip nila na hindi wasto ang “magtinda ng mga aklat,” bagaman ang gawain ay hindi ginagawa para tumubo at bagaman sila’y natuto ng katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng mismong mga publikasyong ito. Nang pasiglahin ang bahay-bahay na pagpapatotoo na may mga aklat kung araw ng Linggo, pasimula noong 1926, ang ilan ay tumutol dito, bagaman ang Linggo ang pangkaraniwang araw ng pagsamba para sa mga tao. Ang ugat na dahilan ay sapagkat iniisip nila na nakababawas sa kanilang dignidad ang mangaral sa bahay-bahay. Gayunman, malinaw na sinasabi ng Bibliya na isinugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa mga tahanan ng mga tao upang mangaral, at si apostol Pablo ay nangaral “sa madla at sa bahay-bahay.”—Gawa 20:20; Mat. 10:5-14.
Habang higit na idiniriin ang paglilingkod sa larangan, yaong mga hindi pinakikilos ng kanilang puso na tularan si Jesus at ang kaniyang mga apostol bilang mga saksi ay unti-unting humiwalay. Ang Skive Congregation sa Denmark, kasama na rin ang ilan pa, ay nabawasan nang kalahati. Mula sa mga isang daan na nakisama noon sa Dublin Congregation sa Irlandya, aapat lamang ang natira. Nagkaroon din ng katulad na pagsubok at pagliglig sa Estados Unidos, Canada, Norway, at ibang mga lupain. Ang resulta nito’y isang paglilinis sa mga kongregasyon.
Yaong mga tunay na nagnanais na maging tagatulad sa Anak ng Diyos ay buong lugod na tumugon sa pampasigla mula sa mga Kasulatan. Gayunman, ang kanilang pagkukusa ay hindi laging nagpangyaring maging madali para sa kanila na pasimulan ang pagbabahay-bahay. Ang ilan ay nahihirapang magsimula. Subalit ang mga kaayusan para sa panggrupong pagpapatotoo at pantanging mga pagtitipon para sa paglilingkod ay nagsilbing pampasigla. Hindi malilimutan ng dalawang kapatid na babae sa hilagang Jutland, sa Denmark, ang kanilang unang araw sa paglilingkod sa larangan. Sila’y nakipagtagpo kasama ng grupo, narinig ang mga tagubilin, nagsimulang tumungo sa teritoryo, subalit pagkatapos ay napaluha sila. Nakita ng dalawang kapatid na lalaki ang nangyayari at inanyayahan ang mga sister na sumama sa kanila. Di-nagtagal at masaya na silang muli. Matapos matikman ang paglilingkod sa larangan, ang karamihan ay nalipos ng kagalakan at nasasabik na gumawa nang higit pa.
Pagkatapos, noong 1932, Ang Bantayan, (sa Ingles) ay naglabas ng isang dalawang-bahaging artikulo na pinamagatang “Ang Organisasyon ni Jehova.” (Mga isyu ng Agosto 15 at Setyembre 1) Ipinakita nito na ang paghahalal sa tungkulin ng mga elder ay hindi maka-kasulatan. Hinimok ang mga kongregasyon na gamitin sa responsableng mga tungkulin yaon lamang mga lalaki na aktibo sa paglilingkod sa larangan, mga lalaking namumuhay ayon sa pananagutang ipinahihiwatig ng pangalang mga Saksi ni Jehova. Ang mga ito ay kikilos bilang isang service committee. Isa sa kanila, na inirekumenda ng kongregasyon, ang hinirang ng Samahan bilang
service director. Sa Belfast, Irlandya, ito’y nagliglig pa sa marami na ang hangarin ay ang personal na katanyagan sa halip na mapagpakumbabang paglilingkod.Pagsapit ng unang bahagi ng dekada ng 1930, ang karamihan sa Alemanya na nagsisikap na pahinain ang paglilingkod sa larangan ay humiwalay na sa mga kongregasyon. Ang iba’y humiwalay dahil sa takot nang ang gawain ay ipagbawal sa karamihan ng mga estado ng Alemanya noong 1933. Subalit libu-libo ang nagtiis sa mga pagsubok na ito ng pananampalataya at nagpatunay na sila’y handang mangaral kahit anong panganib ang nasasangkot.
Bumilis nang bumilis ang paghahayag ng Kaharian sa buong lupa. Ang paglilingkod sa larangan ay naging mahalagang bahagi sa buhay ng lahat ng mga Saksi ni Jehova. Ang kongregasyon sa Oslo, Norway, halimbawa, ay umarkila ng mga bus kung dulo ng sanlinggo upang ihatid ang mga mamamahayag sa karatig na mga lunsod. Nagtatagpo sila sa umaga, dumarating sa teritoryo nila nang alas nuwebe o alas diyes, gumagawang masikap sa paglilingkod sa larangan nang pito o walong oras, at pagkatapos ay sumasama sa grupo ng bus pauwi. Ang iba’y naglalakbay sa kabukiran sa pamamagitan ng bisikleta, na may dalang mga bag ng mga aklat at mga karton ng karagdagang mga suplay. Ang mga Saksi ni Jehova ay maliligaya, masisigasig, at nagkakaisa sa paggawa ng kalooban ng Diyos.
Noong 1938, nang muling bigyang-pansin ang paghirang sa responsableng mga lalaki sa mga kongregasyon, j ang pag-alis sa lahat ng lokal na mga halalan ng mga lingkod ay malugod na tinanggap ng karamihan. Ang mga kongregasyon ay malugod na nagpatibay ng mga resolusyon na nagpapakita ng pagpapahalaga sa teokratikong organisasyon at humihiling sa “Samahan” (na inuunawa nila bilang ang pinahirang nalabi, o tapat at maingat na alipin) na organisahin ang kongregasyon para sa paglilingkod at hirangin ang lahat ng mga lingkod. Mula noon, ginawa ng nakikitang Lupong Tagapamahala ang kinakailangang mga paghirang at inorganisa ang mga kongregasyon para sa nagkakaisa at mabungang gawain. Iilan lamang ang mga grupo na tumutol at humiwalay sa organisasyon noong panahong iyon.
Nakaukol Lamang sa Pagpapalaganap ng Mensahe ng Kaharian
Upang patuloy na makatanggap ang organisasyon ng pagsang-ayon ni Jehova, Mat. 24:14) Gayunman, may ilang mga pagkakataon na ang mga indibiduwal na masipag na gumagawang kasama ng organisasyon ay nagsikap din na gamitin ito upang itaguyod ang mga panukala na umakay sa mga kasamahan nila na lumihis tungo sa ibang mga gawain. Nang sila’y sawayin, ito’y naging pagsubok sa kanila, lalo na kung nadarama nila na mabuti naman ang kanilang mga motibo.
kinakailangang ito’y bukod-tanging nakaukol sa gawain na ipinag-uutos sa kaniyang Salita para sa ating kaarawan. Ang gawaing iyon ay ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Ito’y nangyari sa Pinlandya noong 1915, nang ang ilang mga kapatid ay nagtatag ng isang asosasyong kooperatiba na tinatawag na Ararat at ginamit ang mga tudling ng edisyong Pinlandes ng The Watch Tower upang himukin ang mga mambabasa nito na makisali sa asosasyong ito ukol sa negosyo. Ang isa na nagpasimuno sa gawaing ito sa Pinlandya ay tumugon nang may pagpapakumbaba nang ipaliwanag ni Brother Russell na siya at ang kaniyang mga kasamahan ay “nagpapaakay na papalayo mula sa mahalagang gawain ng Ebanghelyo.” Gayunman, ang pagmamataas ay naging hadlang sa isa namang kapatid, na naging aktibo sa paglilingkod kay Jehova nang mahigit na isang dekada sa Norway, upang tanggapin ang gayunding payo.
Noong dekada ng 1930, sa Estados Unidos, may kahawig na suliranin na bumangon. Ang ilang mga kongregasyon ay naglalathala ng kanilang sariling buwanang mga patalastasan ukol sa paglilingkod, na naglalakip ng mga paalaala mula sa Bulletin ng Samahan gayundin ng mga karanasan at ng lokal na iskedyul nila para sa mga kaayusan sa paglilingkod. Isa sa mga ito, na inilathala sa Baltimore, Maryland, ang buong-siglang sumuporta sa gawaing pangangaral ngunit ito’y ginamit din upang itaguyod ang ilang proyektong pangnegosyo. Noong pasimula ay pinayagan ni Brother Rutherford ang ilan sa mga ito. Subalit nang mapagtanto ang maaaring maging epekto ng pagkakasangkot sa gayong mga proyekto, sinabi ng Ang Bantayan na ang mga ito’y hindi sinasang-ayunan ng Samahan. Ito’y nagharap ng matinding personal na pagsubok kay Anton Koerber, sapagkat nilayon niya na ang mga ito’y magiging tulong sa pinansiyal sa kaniyang mga kapatid. Gayunman, nang maglaon, ay muling ginamit niya nang lubusan ang kaniyang kakayahan upang itaguyod ang gawaing pangangaral na ginagawa ng mga Saksi ni Jehova.
Isang kaugnay na suliranin ang bumangon sa Australia pasimula noong 1938 at lalong lumubha noong panahon ng pagbabawal sa Samahan (Enero 1941 hanggang Hunyo 1943). Upang masapatan ang wari’y makatuwirang mga pangangailangan noong panahong iyon, ang tanggapang pansangay ng Samahan ay tuwirang nakisangkot sa sari-saring mga gawaing pangkomersiyo. Kaya, malaking pagkakamali
ang ginawa. Mayroon silang mga tistisan ng mga troso, mahigit na 20 mga “Kingdom farm,” isang kompanya sa inhinyerya, isang panaderya, at iba pang mga negosyo. Dalawang komersiyal na palimbagan ang ginamit bilang panakip upang lihim na patuloy na makapag-imprenta ng mga publikasyon ng Samahan sa panahon ng pagbabawal. Subalit ang ilan sa kanilang mga negosyo ay nagsangkot sa kanila sa paglabag sa Kristiyanong neutralidad, na ang idinadahilan ay na ito’y ginagawa para sa paglalaan ng pondo at pagtangkilik sa mga payunir sa panahon ng pagbabawal. Gayunman, ang mga budhi ng iba ay lubhang nabagabag. Bagaman ang karamihan ay nananatili pa rin sa organisasyon, sa pangkalahatan ay halos tumigil na ang gawain ng paghahayag ng Kaharian. Ano ang humahadlang sa pagpapala ni Jehova?Nang alisin ang pagbabawal sa gawain noong Hunyo 1943, natalos ng mga kapatid na nasa tanggapang pansangay noon na ang mga negosyong ito ay dapat nang ihinto, upang maituon ang pansin sa pinakamahalagang gawain na pangangaral ng Kaharian. Sa loob ng tatlong taon, ito’y isinagawa na, at ang pamilyang Bethel ay binawasan hanggang sa pangkaraniwang laki nito. Subalit kailangan pa ring liwanagin ang mga bagay-bagay at sa gayon ay maisauli ang lubos na pagtitiwala sa organisasyon.
Si Nathan H. Knorr, ang presidente ng Samahan, at ang kaniyang sekretaryo, si M. G. Henschel ay sadyang dumalaw sa Australia upang ituwid ang situwasyong ito noong 1947. Sa isang ulat tungkol sa bagay na ito, Ang Bantayan ng Hunyo 1, 1947, (sa Ingles), ay nagsabi ng ganito tungkol sa makakomersiyong gawain na naisagawa: “Ito’y hindi ang pang-araw-araw na sekular na trabaho ng mga kapatid na naghahanap-buhay, kundi ang bagay na ang tanggapang Pansangay ng Samahan ay bumili ng sari-saring uri ng mga industriya at ipinatawag ang mga mamamahayag mula sa lahat ng bahagi ng bansa, lalo na ang mga payunir, upang magtrabaho sa mga industriyang iyon sa halip na mangaral ng ebanghelyo.” Ito’y humantong pa man din sa di-tuwirang pagkakasangkot sa gawaing nagtataguyod ng digmaan. Sa mga kombensiyon sa bawat isa sa mga kabisera ng lalawigan, si Brother Knorr ay prangkahang nagsalita sa mga kapatid tungkol sa situwasyong ito. Sa bawat asamblea ang isang resolusyon ay pinagtibay na doon tinanggap ng mga kapatid sa Australia ang kanilang pagkakamali at humingi ng kaawaan at pagpapatawad ni Jehova sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Kaya, kinailangang laging maging mapagbantay at harapin ang mga pagsubok upang ang organisasyon ay makapagpatuloy na walang ibang pinag-uukulan kundi ang pagpapalaganap ng mensahe ng Kaharian ng Diyos.
Samantalang ginugunita ng mga Saksi ni Jehova ang makabagong-panahon nilang kasaysayan, nakita nila ang katibayan na tunay na dinadalisay ni Jehova ang kaniyang bayan. (Mal. 3:1-3) Ang maling mga saloobin, mga paniniwala, at mga gawain ay unti-unting inalis, at kasama na ring umalis ang sinuman na nagnanais na manghawakan pa sa mga ito. Yaong mga nananatili ay hindi mga taong handang ikompromiso ang katotohanan ng Bibliya upang bigyang-daan ang pilosopiya ng tao. Hindi sila mga tagasunod ng tao kundi mga debotadong mga lingkod ng Diyos na Jehova. Sila’y malugod na tumutugon sa patnubay ng organisasyon sapagkat nakikita nila ang di-matututulang katibayan na ito’y pag-aari ni Jehova. Sila’y nagagalak sa sumusulong na liwanag ng katotohanan. (Kaw. 4:18) Bilang mga indibiduwal ay itinuturing nilang dakilang pribilehiyo na maging aktibong mga Saksi ni Jehova, mga tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos.
[Mga talababa]
a Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence, Ekstrang Edisyon, Abril 25, 1894, p. 102-4.
b Tungkol sa Trinidad, tingnan ang New Catholic Encyclopedia, Tomo XIV, 1967, pahina 299; Dictionary of the Bible, ni J. L. McKenzie, S.J., 1965, pahina 899; The New International Dictionary of New Testament Theology, Tomo 2, 1976, pahina 84. Tungkol sa kaluluwa, tingnan ang New Catholic Encyclopedia, Tomo XIII, 1967, mga pahina 449-50, 452, 454; The New Westminster Dictionary of the Bible, pinatnugutan ni H. S. Gehman, 1970, pahina 901; The Interpreter’s Bible, Tomo I, 1952, pahina 230; Peake’s Commentary on the Bible, pinatnugutan nina M. Black at H. H. Rowley, 1962, pahina 416.
c Ayon kay Brother Russell, ang kaniyang asawa, na nang maglaon ay humiwalay sa kaniya, ang unang nagkapit ng Mateo 24:45-47 sa kaniya. Tingnan ang mga isyu ng Watch Tower ng Hulyo 15, 1906, pahina 215; Marso 1, 1896, pahina 47; at Hunyo 15, 1896, mga pahina 139-40.
d Vindication, Ikalawang Aklat, p. 258-9, 268-9; Ang Bantayan, Abril 1, 1934, p. 99-106; Abril 15, 1934, p. 115-22; Agosto 1, 1935, p. 227-37 (sa Ingles).
e Na ang 1878 ay taóng may kahalagahan ay waring pinagtibay ng pagtukoy sa Jeremias 16:18 (‘doble ni Jacob,’ KJ) kasabay ng mga kalkulasyon na nagpapahiwatig na 1,845 taon ang waring lumipas mula noong kamatayan ni Jacob magpahanggang 33 C.E., nang ang likas na Israel ay itakwil, at na ang doble, o makalawang ulit, nito ay aabot mula 33 C.E. hanggang 1878.
f Karagdagan pa sa mga panumbas na ito, sinabi na ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 C.E. (37 taon matapos na si Jesus ay ibunyi bilang hari ng kaniyang mga alagad nang siya’y sumakay papasok sa Jerusalem) ay maaaring tumukoy sa 1915 (37 taon pagkatapos ng 1878) bilang kasukdulan ng mapaghimagsik na kaligaligan na inakala nilang siyang pahihintulutan ng Diyos bilang paraan upang wakasan ang umiiral na mga institusyon ng sanlibutan. Ang petsang ito ay lumitaw sa muling-paglilimbag ng Studies in the Scriptures. (Tingnan ang Tomo II, mga pahina 99-101, 171, 221, 232, 246-7; ihambing ang muling-paglilimbag ng 1914 sa naunang mga paglilimbag, katulad ng 1902 na paglilimbag ng Millennial Dawn.) Sa kanila ay waring akmang-akma ito sa nailathala na hinggil sa taóng 1914 bilang nagtatakda ng katapusan ng Panahon ng mga Gentil.
g Ihambing ang salin sa The Emphasised Bible, na isinalin ni J. B. Rotherham; tingnan din ang talababa sa Gawa 13:20 sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References.
h Tingnan “Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Iyo,” kabanata XI; “The Kingdom Is at Hand,” mga pahina 171-5; gayundin ang The Golden Age, Marso 27, 1935, mga pahina 391, 412. Sa liwanag ng mga itinuwid na mga talaang ito ng kronolohiya ng Bibliya, makikita na ang dating paggamit ng mga petsang 1873 at 1878, gayundin ang kaugnay na mga petsang nakuha mula sa mga ito batay sa mga katumbas ng unang-siglong mga pangyayari, ay isinalig sa maling pagkaunawa.
i Tingnan ang Insight on the Scriptures, Tomo 2, mga pahina 899-904.
j Tingnan ang Kabanata 15, “Pagbuo ng Kaayusang Pang-Organisasyon.”
[Blurb sa pahina 619]
Ang pagsubok at pagliglig ay isang bagay na hindi naman kataka-taka
[Blurb sa pahina 621]
“Tumatanggi silang mailayo sa Salita ng Panginoon”
[Blurb sa pahina 623]
“Ayaw namin ng anumang papuri, o parangal, para sa aming sarili o sa mga isinusulat namin”
[Blurb sa pahina 624]
“Ang Diyos pa rin ang nangunguna”
[Blurb sa pahina 626]
Ang “tapat at matalinong alipin” ay hindi naman naglaho nang mamatay si Brother Russell
[Blurb sa pahina 627]
Isang tusong pagsisikap upang lasunin ang isip ng iba
[Blurb sa pahina 628]
Ang ilan ay nagpabaya na humina ang kanilang pananampalataya dahil sa kapalaluan
[Blurb sa pahina 629]
“Tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabaha-bahagi . . . at iwasan ninyo sila”
[Blurb sa pahina 630]
Ang ilan ay may-kabulaanang nagbintang na itinakwil ng “The Watch Tower” ang pantubos
[Blurb sa pahina 635]
“Nahinuha lamang natin ito at, maliwanag naman, na nagkamali tayo”
[Blurb sa pahina 636]
Yaong mga tunay na umiibig kay Jehova ay tumanaw ng malaking utang na loob dahil sa mga pribilehiyo ng paglilingkuran na nabuksan sa kanila
[Blurb sa pahina 638]
“Maipagmamatuwid ba ng sinumang tunay na nakatalaga sa Panginoon kung bakit wala siyang ginagawa sa kapanahunang ito?”
[Blurb sa pahina 641]
Ang maling mga saloobin, mga paniniwala, at mga gawain ay unti-unting inalis
[Kahon/Larawan sa pahina 622]
W. E. Van Amburgh
Noong 1916, si W. E. Van Amburgh ay nagsabi: “Ang dakilang pambuong-daigdig na gawaing ito ay hindi gawain ng isang tao. . . . Ito’y gawain ng Diyos.” Bagaman nakita niyang tumalikod ang iba, siya’y nanatiling matatag sa paninindigang iyon magpahanggang sa kaniyang kamatayan noong 1947, sa edad na 83.
[Kahon/Larawan sa pahina 633]
Jules Feller
Nang siya’y nasa kabataan pa, napagmasdan ni Jules Feller ang mahihigpit na pagsubok sa pananampalataya. Ang ilang kongregasyon sa Switzerland ay nabawasan hanggang sa maging kalahati o wala pang kalahati ng dating bilang nila. Subalit sumulat siya nang dakong huli: “Yaong mga naglagak ng kanilang tiwala kay Jehova ay nanatiling matatag at nagpatuloy sa kanilang gawaing pangangaral.” Si Brother Feller ay naging determinado rin na gawin iyon, at bunga nito, magpahanggang 1992 siya’y nakapagtamasa ng 68 taon ng paglilingkuran sa Bethel.
[Kahon/Larawan sa pahina 634]
C. J. Woodworth
Sa isa na tumalikod sa paglilingkuran kay Jehova sapagkat ang pinahirang mga tagasunod ni Jesu-Kristo ay hindi dinala sa langit noong 1914, si C. J. Woodworth ay sumulat ng ganito:
“Sa nakaraang dalawampung taón ikaw at ako ay naniwala sa bautismo ng mga sanggol; sa Banal na karapatan ng mga klero na pangasiwaan ang bautismong iyon; na ang bautismo ay kailangan upang makaiwas sa walang-hanggang pagpapahirap; na ang Diyos ay pag-ibig; na ang Diyos ay lumikha at patuloy na lumilikha ng bilyun-bilyong kinapal sa Kaniyang wangis na gugugol ng di-masukat na panahong walang-hanggan sa sumasakal na mga liyab ng nagniningas na asupre, na walang-kabuluhang nagsusumamo para sa kahit isa man lamang patak ng tubig upang maibsan ang kanilang mga paghihirap . . .
“Naniwala tayo na pagkamatay ng isang tao, siya’y nabubuhay pa; naniwala tayo na si Jesu-Kristo kailanman ay hindi namatay; na hindi Siya maaaring mamatay; na walang Pantubos ang kailanma’y ibinayad o ibabayad pa; na ang Diyos na Jehova at si Kristo Jesus na Kaniyang Anak ay nag-iisang persona; na si Kristo ang sarili Niyang Ama; na si Jesus ang sarili Niyang Anak; na ang Banal na Espiritu ay isang persona; na kung pagsasamahin ang isa at ang isa, at ang isa, ang sagot ay iisa; na nang si Jesus ay nakabayubay sa krus at nagsabi, ‘Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako Pinabayaan,’ Siya’y nakikipag-usap lamang sa Kaniyang sarili; . . . na ang kasalukuyang mga kaharian ay bahagi ng Kaharian ni Kristo; na ang Diyablo ay naroroon sa isang malayong lugar sa isang Impiyernong hindi malaman kung saan, sa halip na namamahala sa mga kaharian ng lupang ito . . .
“Pinupuri ko ang Diyos para sa araw nang dumating ang Kasalukuyang Katotohanan sa aking pintuan. Iyon ay totoong kapaki-pakinabang, totoong nakarerepresko sa isip at puso, anupat dali-daling iniwan ko ang dating panloloko at walang-kapararakang mga bagay at ginamit ako ng Diyos upang buksan din ang iyong mga matang nabulag. Magkasama tayong nakigalak sa Katotohanan, na gumawang magkaagapay sa loob ng labinlimang taon. Pinagkalooban ka ng Diyos ng malaking karangalan bilang isang tagapagpahayag; wala akong ibang nakilala na hihigit pa sa iyo na gumawang katawa-tawa sa kamangmangan ng Babilonya. Sa sulat mo ay itinanong mo, ‘Ano ang kasunod?’ Ah, narito ngayon ang bagay na nakalulungkot! Ang kasunod ay na pinahintulutan mong sumamâ ang loob mo laban sa isa na dahil sa kaniyang maibiging pagpapagal at pagpapala buhat sa Itaas ay nagdala ng Katotohanan sa puso nating dalawa. Ikaw ay umalis, at tinangay mo rin ang ilang mga tupa. . . .
“Kaypala’y nagmukha akong katawa-tawa sa iyo sapagkat hindi ako umakyat sa Langit, Oktubre 1, 1914, subalit ikaw ay hindi nagmukhang katawa-tawa sa akin—talagang hindi naman!
“Sa panahong ito na sampu sa pinakadakilang mga bansa sa lupa ay namimilipit sa kirot at namimingit sa kamatayan, sa palagay ko’y hindi nga ito ang angkop na panahon upang sikaping kutyain ang lalaki, ang kaisa-isang lalaki, na sa loob ng apatnapung taon ay nagturo na ang Panahon ng mga Gentil ay magtatapos sa 1914.”
Ang pananampalataya ni Brother Woodworth ay hindi natinag nang ang mga naganap noong 1914 ay hindi katulad ng inaasahan. Napagtanto lamang niya na marami pa ang dapat matutuhan. Dahil sa kaniyang pagtitiwala sa layunin ng Diyos, gumugol siya ng siyam na buwan sa bilangguan noong 1918-19. Nang dakong huli siya’y naglingkod bilang patnugot ng mga magasing “The Golden Age” at “Consolation.” Siya’y nanatiling matatag sa pananampalataya at tapat sa organisasyon ni Jehova magpahanggang sa kaniyang kamatayan noong 1951, sa edad na 81.
[Kahon/Larawan sa pahina 637]
A. H. Macmillan
“Nakita ko ang karunungan ng matiyagang paghihintay kay Jehova upang liwanagin ang ating pagkaunawa sa maka-Kasulatang mga bagay sa halip na mabalisa dahil sa isang bagong punto. Kung minsan ang mga inaasahan natin sa isang partikular na petsa ay higit pa kaysa nararapat ayon sa mga Kasulatan. Kung hindi man natupad ang mga inaasahang ito, iyan ay hindi nagpabago sa mga layunin ng Diyos.”
[Mga larawan sa pahina 620]
Isang malaking pagsubok sa pananampalataya ang may kaugnayan sa pagkilala sa tumutubos na halaga ng hain ni Jesus
[Mga larawan sa pahina 625]
Ang ilan na humanga kay Russell ay nakasumpong na dahil sa kanilang reaksiyon sa personalidad ni Rutherford ay naging maliwanag kung sino ang talagang pinaglilingkuran nila
[Mga larawan sa pahina 639]
Nang higit na idiniin ang paglilingkod sa larangan, marami ang humiwalay; ang iba’y nagpakita ng higit na sigasig
“Watch Tower,” Abril 1, 1928
“Watch Tower,” Hunyo 15, 1927
“Watch Tower,” Agosto 15, 1922
[Mga larawan sa pahina 640]
Habang higit na idiniriin ang teokratikong organisasyon, yaong mga naghahangad ng personal na katanyagan ay niliglig at nawala