Ang Mabuting Balita na Nais Nilang Marinig Mo
Ang Mabuting Balita na Nais Nilang Marinig Mo
NANG si Jesus ay nasa lupa, ang mga alagad niya ay lumapit sa kaniya at nagtanong: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?” Sumagot siya na magkakaroon ng mga digmaan na magsasangkot sa maraming bansa, taggutom, salot, lindol, paglago ng katampalasanan, mga huwad na guro ng relihiyon na nagliligaw sa marami, poot at pag-uusig sa kaniyang tunay na mga tagasunod, at paglamig ng pag-ibig sa katuwiran ng maraming tao. Kapag nagsisimula nang maganap ang mga bagay na ito, ipinahihiwatig nito na si Kristo ay naririto na bagaman hindi nakikita at na ang makalangit na Kaharian ay malapit na. Ito’y isang balita—magandang balita! Kaya idinagdag ni Jesus ang mga salitang ito bilang bahagi ng tanda: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Mateo 24:3-14.
Sa ganang sarili, masama ang kamakailang mga pangyayari sa daigdig, subalit mabuti naman ang ipinahihiwatig ng mga ito, samakatuwid nga, ang pagkanaririto ni Kristo. Ang mga kalagayang binanggit sa itaas ay nagsimulang maganap sa malawakang ibinalitang taóng iyon ng 1914! Naging tanda ito ng katapusan ng Panahon ng mga Gentil at pasimula naman ng yugto ng pagbabago mula sa pamamahala ng tao tungo sa Sanlibong Taóng (Milenyong) Paghahari ni Kristo.
Ang pagkakaroon ng isang yugto ng pagbabago ay ipinahihiwatig ng ika-110 ng Awit, Aw 110 talatang 1 at 2, at ng Apocalipsis 12:7-12. Ipinakikita roon na si Kristo ay uupo sa kanang kamay ng Diyos sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng kaniyang pagiging Hari. Pagkatapos ay ihahagis si Satanas sa lupa bunga ng digmaan sa langit, na magdudulot ng kaabahan sa lupa, at si Kristo ay mamamahala sa gitna ng kaniyang mga kaaway. Ang ganap na kawakasan ng kabalakyutan ay sasapit sa pamamagitan ng isang “malaking kapighatian,” na hahantong sa digmaan sa Har–Magedon at susundan ng mapayapang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo.—Mateo 24:21, 33, 34; Apocalipsis 16:14-16.
“Ngunit alamin mo ito,” sabi ng Bibliya, “na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sa sarili, 2 Timoteo 3:1-5.
mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito; at layuan mo ang mga ito.”—Maaaring ikatuwiran ng ilan na ang mga bagay na ito’y nangyari na noon sa kasaysayan ng tao, subalit ang totoo ay na hindi pa ito kailanman naganap nang ganito kalawak. Gaya ng sabi ng mga istoryador at mga komentarista, hindi pa kailanman nagkaroon ng isang panahon sa mundong ito na gaya ng naranasan mula noong 1914 patuloy. (Tingnan ang pahina 7.) Ang mga kaabahan ay mas malawak kaysa noon. Bukod diyan, kung tungkol sa iba pang bahagi ng tanda ng mga huling araw na ibinigay ni Kristo, ang mga katotohanang ito ay dapat isaalang-alang: Ang pambuong-daigdig na paghahayag ng tungkol sa pagkanaririto ni Kristo at sa Kaharian ay ngayon lamang naging ganito kalawak sa buong kasaysayan. Wala nang makapapantay pa sa pag-uusig na ipinaranas sa mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang pangangaral. Daan-daan sa kanila ang pinatay sa mga kampong piitan ng Nazi. Hanggang sa ngayon ay bawal pa rin ang mga Saksi ni Jehova sa ilang lugar,
at sa ibang dako naman sila’y dinarakip, ibinibilanggo, pinahihirapan, at pinapatay. Ang lahat ng ito’y bahagi ng tanda na ibinigay ni Jesus.Gaya ng inihula sa Apocalipsis 11:18, “ang mga bansa ay napoot” sa tapat na mga Saksi ni Jehova, at ito ay nagpapahiwatig na ang “sariling poot” ni Jehova ay ipadarama sa mga bansang iyon. Sinasabi rin sa kasulatang ito na ‘ipapahamak [ng Diyos] yaong mga nagpapahamak sa lupa.’ Hindi pa kailanman nagkaroon ng isang panahon sa kasaysayan ng tao na manganib nang ganito ang kakayahan ng lupa na sumustine ng buhay. Subalit iba na ngayon! Nagbabala ang maraming siyentipiko na kung magpapatuloy ang tao sa pagpaparumi ng lupa, hindi na ito maaari pang tirahan. Subalit si Jehova ang “nag-anyo nito upang tahanan,” at aalisin niya ang mga nagpaparumi nito bago nila lubusang ipahamak ang lupa.—Isaias 45:18.
MGA PAGPAPALA SA LUPA SA ILALIM NG KAHARIAN
Ang ideya na mabubuhay ang mga tao sa lupa bilang mga sakop ng Kaharian ng Diyos ay maaaring pagtakhan ng maraming naniniwala sa Bibliya na nag-iisip na lahat ng maliligtas ay sa langit. Ipinakikita ng Bibliya na isang takdang bilang lamang ang pupunta sa langit at na yaong mabubuhay magpakailanman sa lupa ay isang malaking pulutong na walang takdang bilang. (Awit 37:11, 29; Apocalipsis 7:9; 14:1-5) Ipinakikita ng isang hula sa aklat ng Daniel sa Bibliya na ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo ang pupunô sa lupa at maghahari rito.
Ang Kaharian ni Kristo ay kinakatawan doon bilang isang batong natibag mula sa tulad-bundok na soberanya ni Jehova. Tinamaan nito at winasak ang isang imahen na kumakatawan sa makapangyarihang mga bansa sa lupa, at ang “bato na tumama sa imahen . . . ay naging isang malaking bundok at pinuno nito ang buong lupa.” Nagpatuloy ang hula: “Sa mga araw ng mga haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:34, 35, 44.
Tungkol sa Kahariang ito at sa suportado-ng-Kasulatan na pag-asa ng buhay na walang hanggan sa isang nilinis at pinagandang lupa ang nais sabihin sa iyo ng mga Saksi ni Jehova. Milyun-milyong nabubuhay ngayon at milyun-milyong nasa mga libingan ngayon ang magkakaroon ng pagkakataong manirahan doon magpakailanman. Pagkatapos, sa ilalim ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo Jesus, matutupad na rin ang orihinal na layunin ni Jehova sa paglalang sa lupa at paglalagay roon sa unang mag-asawang tao. Hinding-hindi magiging kainip-inip sa makalupang Paraisong ito. Kung paanong si Adan ay inatasan ng gawain sa hardin ng Eden, gayundin ang sangkatauhan ay magkakaroon ng mapanghamong mga proyekto sa pangangalaga sa lupa at sa naroroong mga buhay halaman at hayop. “Malaon [nilang] tatamasahin ang gawa ng kanilang mga kamay.”—Isaias 65:22, Revised Standard Version; Genesis 2:15.
Maraming kasulatan ang maihaharap upang ipakita ang mga kalagayang iiral kapag sinagot na ang panalanging itinuro ni Jesus: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Gayunman, makasapat nawa ang isang ito sa ngayon: “Nang magkagayon ay narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At ang Isa na nakaupo sa trono ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.’ Gayundin, sinabi niya: ‘Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’”—Apocalipsis 21:3-5.
[Blurb sa pahina 15]
“Mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,”
SUBALIT “kung magkagayon ay darating ang wakas”
[Larawan sa pahina 18]
Netherlands
[Larawan sa pahina 18]
Nigeria