Takdang Panahon ng mga Bansa, Mga
Matapos talakayin ang nalalapit na pagkawasak ng lunsod ng Jerusalem, sinabi ni Jesus: “At ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa matupad ang mga takdang panahon ng mga bansa [“mga panahon ng mga Gentil,” AS-Tg].” (Luc 21:24) Ang yugtong ipinahihiwatig ng pananalitang “mga takdang panahon ng mga bansa [sa Gr., kai·roiʹ e·thnonʹ],” partikular na hinggil sa kahulugan at implikasyon nito, ay naging dahilan ng maraming talakayan.
Kahulugan ng “mga Takdang Panahon.” Ang pananalitang “mga takdang panahon” na ginamit dito ay nagmula sa salitang Griego na kai·rosʹ (pangmaramihan, kai·roiʹ), na ayon sa Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words (1981, Tomo 4, p. 138) ay “tumutukoy sa isang takda o tiyak na yugto, isang kapanahunan, kung minsan ay isang naaangkop o tamang panahon.” Binibigyang-katuturan din ito ng Greek-English Lexicon nina Liddell at Scott (1968, p. 859) bilang “eksakto o tamang panahon.” Kaya naman ang kai·rosʹ ay ginagamit upang tumukoy sa “kapanahunan” ng pag-aani, “kapanahunan” ng mga bunga, at “kapanahunan” ng mga igos (Mat 13:30; 21:34; Mar 11:13); sa “tamang panahon” para sa pamamahagi ng pagkain (Mat 24:45; Luc 12:42); sa “takdang panahon” upang simulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo at sa yugto ng oportunidad na kasabay nito (Mar 1:15; Mat 16:3; Luc 12:56; 19:44); at sa “takdang panahon” ng kaniyang kamatayan. (Mat 26:18) Nang palalayasin na ni Jesus ang mga demonyo mula sa dalawang lalaki, ang mga ito ay humiyaw: “Pumunta ka ba rito upang pahirapan kami bago ang takdang panahon?”—Mat 8:29.
Ginagamit din ang kai·rosʹ upang tumukoy sa panghinaharap na mga panahon o mga pangyayari sa loob ng kaayusan o talaorasan ng Diyos, partikular na may kaugnayan sa pagkanaririto ni Kristo at sa kaniyang Kaharian. (Gaw 1:7; 3:19; 1Te 5:1) Halimbawa, may binabanggit ang apostol na si Pablo na “sagradong lihim” na isiniwalat ng Diyos “ukol sa isang pangangasiwa sa hustong hangganan ng mga takdang panahon [kai·ronʹ], samakatuwid nga, upang muling tipunin ang lahat ng mga bagay kay Kristo, ang mga bagay na nasa langit at ang mga bagay na nasa lupa.” (Efe 1:9, 10) Dahil sa kahulugan ng salitang kai·rosʹ ayon sa pagkakagamit sa teksto ng Bibliya, maaasahan lamang na ang pananalitang “mga takdang panahon ng mga bansa” ay tumutukoy, hindi sa isang bagay na malabo o di-tiyak, kundi sa isang “takda o tiyak na yugto,” isang “eksakto o tamang panahon,” isa na may tiyak na pasimula at tiyak na katapusan.
Ang “mga Bansa” at ang “Jerusalem.” Sabihin pa, ang sinabi ni Jesus sa Lucas 21:24 ay nauugnay sa ‘pagyurak sa Jerusalem,’ na binanggit niyang magpapatuloy hanggang sa matupad ang “mga takdang panahon ng mga bansa.” Ang terminong “mga bansa” o “mga Gentil” ay isinalin mula sa salitang Griego na eʹthne, na nangangahulugang “mga bansa” at ginamit ng mga manunulat ng Bibliya upang espesipikong tumukoy sa mga bansang di-Judio. Dahil dito, ipinapalagay ng ilan na ang hula ay tumutukoy sa yugto ng panahon kung kailan ang mismong lugar ng sinaunang lunsod ng Jerusalem ay mapapasailalim sa pamumuno at kontrol ng mga Gentil.
Maliwanag na ang literal na lunsod ng Jerusalem ang tinutukoy ni Jesus nang ilarawan niya ang pagkawasak na sasapit, at talaga namang sumapit, sa lunsod na iyon noong taóng 70 C.E. nang gibain ng mga Romano ang Jerusalem. Gayunman, ipinahihiwatig ng pananalita may kinalaman sa “mga takdang panahon ng mga bansa” na lampas pa sa yugtong iyon ang saklaw ng hula, gaya ng sabi ng maraming komentarista. Halimbawa, sinabi sa Lucas 21:24: “Inihihiwalay nito ang purong eskatolohikal na bahagi [samakatuwid nga, ang bahaging nauugnay sa mga huling araw] ng dakilang hula, mula sa bahagi na wastong nauukol sa pagkawasak ng Jerusalem.” Kaya nga mahalagang alamin kung ano ang tinutukoy ng kinasihang Kasulatan sa salitang “Jerusalem” upang matiyak kung ang “mga takdang panahon ng mga bansa” ay nauugnay lamang sa literal na lunsod ng Jerusalem o kung nauugnay rin ito sa iba pang bagay na mas dakila.
kilaláng Commentary ni F. C. Cook tungkol saAng Jerusalem ang kabisera ng bansang Israel, at ang mga hari ng bansang ito na mula sa linya ni David ay sinasabing “umupo sa trono ni Jehova.” (1Cr 29:23) Dahil dito, ang lunsod ay kumatawan sa sentro ng pamahalaang itinatag ng Diyos o sa makalarawang kaharian ng Diyos na nagpuno sa pamamagitan ng sambahayan ni David. Ang Jerusalem, kasama ang Bundok Sion, ang naging “bayan ng Dakilang Hari.” (Aw 48:1, 2) Kaya ito ay sumagisag sa kaharian ng dinastiya ni Haring David, kung paanong ang Washington, London, Paris, at Moscow ay kumakatawan sa namamahalang mga kapangyarihan ng makabagong-panahong mga bansa at tinutukoy sa mga balita gamit ang mga pangalang iyon. Matapos yurakan ng mga Babilonyo ang Jerusalem, anupat ang hari nito ay dinala sa pagkatapon at ang lupain ay natiwangwang, wala nang miyembro ng Davidikong dinastiya ang muling namahala mula sa makalupang Jerusalem. Gayunman, ipinakikita ng Kasulatan na si Jesus, ang Mesiyas, na ipinanganak sa linya ni David, ay mamamahala mula sa makalangit na Bundok Sion, mula sa makalangit na Jerusalem.—Aw 2:6, 7; Heb 5:5; Apo 14:1, 3.
Pasimula ng ‘pagyurak.’ Ang ‘pagyurak’ sa kaharian ng dinastiya ng Davidikong mga tagapamahala ay hindi nagsimula noong 70 C.E. nang wasakin ng mga Romano ang lunsod ng Jerusalem. Nagsimula iyon maraming siglo bago nito nang ibagsak ng mga Babilonyo ang dinastiyang iyon noong 607 B.C.E. Noon ay winasak ni Nabucodonosor ang Jerusalem at dinala niyang bihag ang hari nito na si Zedekias, at ang lupain ay naiwang tiwangwang. (2Ha 25:1-26; tingnan ang KRONOLOHIYA.) Kasuwato ito ng makahulang mga salita sa Ezekiel 21:25-27 na ipinatungkol kay Zedekias: “Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. Hindi na ito magiging gaya ng dati. . . . Kagibaan, kagibaan, kagibaan ang gagawin ko roon. Kung tungkol din dito, hindi nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko iyon sa kaniya.” Ipinakikita sa Kristiyanong Griegong Kasulatan na ang may “legal na karapatan” sa Davidikong korona na naiwala ni Zedekias ay si Kristo Jesus, anupat nang ipatalastas ng anghel ang kaniyang kapanganakan ay sinabi nito: “Ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at siya ay mamamahala bilang hari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang kaharian.”—Luc 1:32, 33.
Nang bumagsak ang Jerusalem noong 607 B.C.E., mga kapangyarihang Gentil ang namuno sa buong lupa. Naputol ang Davidikong dinastiya at pamamahala, anupat ang Jerusalem, o ang isinasagisag nito, ay patuloy na ‘yuyurakan’ hangga’t ang kaharian ng Diyos, na nagpuno sa pamamagitan ng sambahayan ni David, ay nasa isang mababa at di-aktibong kalagayan sa ilalim ng mga kapangyarihang Gentil. Bilang komento sa gayong pag-uugnay sa pamamahala, ang Unger’s Bible Dictionary (1965, p. 398) ay nagsabi: “Kaya naman humahayo ang mga Gentil bilang ‘ang mga bansa’ tungo sa katapusan ng kanilang pagiging katiwala bilang mga tagapamahala sa lupa. Ang wakas ng yugtong ito ang magiging katapusan ng ‘mga panahon ng mga Gentil’ (Lucas 21:24; Dan. 2:36-44).”—Ihambing ang Eze 17:12-21; gayundin ang paglalarawan sa pagbagsak ng Medo-Persia sa Dan 8:7, 20.
Kaugnayan sa mga Hula ni Daniel. Sa hulang iyon tungkol sa panahon ng kawakasan, mga dalawang beses na tinukoy ni Jesus ang nilalaman ng aklat ng propetang si Daniel. (Ihambing ang Mat 24:15, 21 sa Dan 11:31; 12:1.) Sa aklat ng Daniel, masusumpungan natin ang isang paglalarawan hinggil sa pamumuno ng mga kapangyarihang Gentil sa buong lupa sa loob ng kanilang “mga takdang panahon.” Inilalahad ng ikalawang kabanata ng Daniel ang makahulang pangitain (ni Haring Nabucodonosor) tungkol sa malaking imahen at, sa ilalim ng pagkasi, ipinaliwanag ni Daniel na ito ay kumakatawan sa sunud-sunod na mga kapangyarihang pandaigdig na Gentil, na magwawakas kapag pinuksa ang mga ito ng Kahariang itinatag ng “Diyos ng langit,” ang Kahariang mamamahala sa buong lupa. (Dan 2:31-45) Kapansin-pansin na ang unang bahagi ng imahen ay lumalarawan sa Imperyo ng Babilonya, ang unang kapangyarihang pandaigdig na ‘yumurak sa Jerusalem’ nang ibagsak nito ang Davidikong dinastiya at iwanang bakante ang “trono ni Jehova” sa Jerusalem. Pinatutunayan din nito na ang “mga takdang panahon ng mga bansa” ay nagsimula sa taon ng pagkawasak ng Jerusalem noong 607 B.C.E.
Pangitain tungkol sa punungkahoy sa Daniel kabanata 4. Muli, sa aklat ng Daniel ay may kahalintulad din ang paggamit ni Jesus ng pananalitang “mga panahon” may kinalaman sa “mga bansa,” o mga kapangyarihang Gentil. At muli, si Nabucodonosor, na nag-alis sa inapo ni David na si Zedekias mula sa trono, ang tumanggap ng isa pang pangitain na ayon sa pakahulugan ni Daniel ay nauugnay sa pagkaharing itinalaga ng Diyos. Isang pagkalaki-laking punungkahoy ang nakita sa makasagisag na pangitain at isang anghel mula sa langit ang nag-utos na putulin iyon. Pagkatapos, binigkisan ng bakal at tanso ang tuod niyaon at pinanatili sa gayong kalagayan kasama ng damo sa parang hanggang sa lumipas dito ang “pitong panahon.” “Bayaang mapalitan ang puso nito niyaong hindi sa tao, at puso ng hayop ang maibigay rito, at pitong panahon ang palipasin dito . . . sa layon na malaman ng mga taong nabubuhay na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na sa isa na ibig niya ay ibinibigay niya iyon at inilalagay niya sa ibabaw niyaon maging ang pinakamababa sa mga tao.”—Dan 4:10-17; tingnan ang 4:16, tlb sa Rbi8.
Nauugnay sa “mga takdang panahon ng mga bansa.” Ang pangitain ay walang alinlangang natupad kay Nabucodonosor. (Tingnan ang Dan 4:31-35.) Dahil dito, ipinapalagay ng ilan na sa kaniya lamang ito nagkaroon ng tuwiran at makahulang katuparan at sa pangmalas nila, inihaharap lamang ng pangitain ang walang-hanggang katotohanan na ‘ang Diyos ay nakatataas sa lahat ng iba pang kapangyarihan—ito man ay sa tao o sa itinuturing na diyos.’ Kinikilala nila na maaaring ikapit ang gayong katotohanan o simulain sa ibang mga bagay bukod pa sa kaso ni Nabucodonosor ngunit hindi nila iniisip na iyon ay nauugnay sa anumang espesipikong yugto ng panahon o iskedyul ng Diyos. Gayunman, isinisiwalat ng pagsusuri sa buong aklat ng Daniel na laging may kaugnay na panahon ang lahat ng pangitain at hula na inilalahad nito. At ang mga kapangyarihang pandaigdig at mga pangyayaring inilalarawan sa bawat pangitain ay hindi ipinakikita na nakabukod o basta na lamang naganap anupat mahirap matukoy kung kailan nangyari, kundi sa halip ay bahagi ng isang tagpo sa kasaysayan o ng sunud-sunod na mga pangyayari. (Ihambing ang Dan 2:36-45; 7:3-12, 17-26; 8:3-14, 20-25; 9:2, 24-27; 11:2-45; 12:7-13.) Karagdagan pa, ang aklat ay paulit-ulit na umaakay sa konklusyon na siyang tema ng mga hula nito: ang pagtatatag ng isang pansansinukob at walang-hanggang Kaharian ng Diyos na pamamahalaan ng “anak ng tao.” (Dan 2:35, 44, 45; 4:17, 25, 32; 7:9-14, 18, 22, 27; 12:1) Gayundin, sa buong Hebreong Kasulatan, tanging sa aklat na ito mababasa ang pananalitang “panahon ng kawakasan.”—Dan 8:19; 11:35, 40; 12:4, 9.
Dahil sa mga nabanggit, waring hindi makatuwirang ipalagay na ang pangitain tungkol sa makasagisag na “punungkahoy” at ang pagtukoy nito sa “pitong panahon” ay walang ibang katuparan maliban sa pitong-taóng pagkabaliw ng isang tagapamahalang Babilonyo at sa kaniyang paggaling at pagbalik sa kapangyarihan, lalo na kung isasaalang-alang ang makahulang pagtukoy ni Jesus sa “mga takdang panahon ng mga bansa.” Ang panahon kung kailan ibinigay ang pangitain: sa kritikal na yugto sa kasaysayan nang pahintulutan ng Diyos, Soberano ng Sansinukob, na ibagsak ang mismong kaharian na itinatag niya sa kaniyang katipang bayan; ang tao kung kanino isiniwalat ang pangitain: sa mismong tagapamahala na nagsilbing instrumento ng Diyos sa gayong pagpapabagsak at sa gayo’y tumanggap ng pandaigdig na pamumuno sa kapahintulutan ng Diyos, samakatuwid nga, nang walang pakikialam ng anumang kinatawang kaharian ng Diyos na Jehova; at ang buong tema ng pangitain, samakatuwid nga: upang “malaman ng mga taong nabubuhay na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na sa isa na ibig niya ay ibinibigay niya iyon at inilalagay niya sa ibabaw niyaon maging ang pinakamababa sa mga tao” (Dan 4:17)—ang lahat ng ito ay nagbibigay ng matibay na dahilan upang maniwala na inilakip sa aklat ng Daniel ang mahabang pangitain at ang pakahulugan nito dahil isinisiwalat ng mga ito ang haba ng “mga takdang panahon ng mga bansa” at ang panahon kung kailan itatatag ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Kristo.
Ang isinasagisag ng punungkahoy at ang soberanya ng Diyos. Hindi naman talaga kakaiba ang mga sagisag na ginamit sa makahulang pangitaing ito. Sa ibang mga bahagi ng Bibliya, ginamit ang mga punungkahoy upang kumatawan sa mga namamahalang kapangyarihan, kabilang na rito ang makalarawang kaharian ng Diyos sa Jerusalem. (Ihambing ang Huk 9:6-15; Eze 17:1-24; 31:2-18.) Ang pagpapasibol sa isang tuod at ang sagisag ng “isang maliit na sanga” o “sibol” ay ilang beses na ginamit upang kumatawan sa pagsasauli ng pamamahala sa isang angkan o linya, partikular na sa Mesiyanikong mga hula. (Isa 10:33–11:10; 53:2-7; Jer 23:5; Eze 17:22-24; Zac 6:12, 13; ihambing ang Job 14:7-9.) Tinukoy ni Jesus ang kaniyang sarili kapuwa bilang “ang ugat at ang supling ni David.”—Apo 5:5; 22:16.
Maliwanag na ang pangunahing punto ng pangitain ay ang di-mahahadlangang soberanya ng Diyos na Jehova sa “kaharian ng mga tao,” at ito ang giya upang lubos na maunawaan ang pangitain. Ipinakikita ng Daniel na ang punungkahoy ay sumagisag kay Nabucodonosor, na sa yugtong iyon ng kasaysayan ay siyang ulo ng nangingibabaw na Kapangyarihang Pandaigdig, ang Babilonya. Gayunman, bago lupigin ni Nabucodonosor ang Jerusalem, Pan 1:5; 2:2, 16, 17) Batay sa mga bagay na ito, “ang punungkahoy” ay kumakatawan, hindi lamang kay Nabucodonosor, kundi maging sa pandaigdig na soberanya o pamumuno ayon sa kaayusan ng Diyos.
ang makalarawang kaharian ng Diyos na namamahala mula sa lunsod na iyon ang kasangkapang ginamit ni Jehova upang maipahayag ang kaniyang lehitimong soberanya sa lupa. Sa gayon ay nagsilbi itong hadlang mula sa Diyos upang hindi matamo ni Nabucodonosor ang tunguhin niya na pamunuan ang daigdig. Nang pahintulutan ni Jehova na maibagsak ang makalarawang kahariang iyon sa Jerusalem, hinayaan niyang maputol ang nakikitang kapahayagan ng kaniyang soberanya sa pamamagitan ng Davidikong dinastiya ng mga hari. Ang pandaigdig na pamumuno sa “kaharian ng mga tao,” na noo’y hindi na nahahadlangan ng anumang kinatawang kaharian ng Diyos, ay napasakamay ng mga bansang Gentil. (Pagsasauli ng pandaigdig na pamumuno. Gayunman, dito ay nililinaw ng Diyos na hindi niya tuluyang ipauubaya sa mga kapangyarihang Gentil ang gayong pandaigdig na pamumuno. Ipinakikita ng pangitain na ang Diyos ay magpipigil (inilalarawan ng bakal at tanso na nakabigkis sa tuod ng punungkahoy) hanggang sa “pitong panahon ang makalipas dito.” (Dan 4:16, 23, 25) Pagkatapos, yamang “ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao,” ibibigay ng Diyos ang pandaigdig na pamumuno “sa isa na ibig niya.” (Dan 4:17) Ipinakikita ng mismong makahulang aklat ng Daniel na ang isang iyon ay ang “anak ng tao” kung kanino ibinigay ang “pamamahala at dangal at kaharian, upang ang lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika ay maglingkod sa kaniya.” (Dan 7:13, 14) Ang mismong hula ni Jesus, kung saan lumilitaw ang pananalitang “mga takdang panahon ng mga bansa,” ay malinaw na nagsasaad na hahawakan ni Kristo Jesus ang gayong pandaigdig na pamumuno bilang piniling Hari ng Diyos, ang tagapagmana ng Davidikong dinastiya. (Mat 24:30, 31; Luc 21:27-31, 36) Kaya naman ang makasagisag na tuod, na kumakatawan sa patuloy na pagtataglay ng Diyos ng soberanong karapatan sa pandaigdig na pamumuno sa “kaharian ng mga tao,” ay nakatakdang muling sumibol sa Kaharian ng kaniyang Anak.—Aw 89:27, 35-37.
Pitong Makasagisag na Panahon. Sa katuparan ng pangitain kay Nabucodonosor mismo, maliwanag na ang “pitong panahon” ay pitong taon. Sa loob ng yugtong iyon ay nanatili siyang baliw, na may mga sintomas ng lycanthropy (delusyon na ang isa ay hayop), anupat iniwan niya ang kaniyang trono upang kumain ng damo gaya ng hayop sa parang. (Dan 4:31-36) Kapansin-pansin na ang paghawak ng mga kapangyarihang Gentil sa pandaigdig na pamumuno ay inilalarawan ng Bibliya sa pamamagitan ng mga sagisag na mga hayop na sumasalansang sa banal na bayan ng Diyos at sa kanilang “Prinsipe ng mga prinsipe.” (Ihambing ang Dan 7:2-8, 12, 17-26; 8:3-12, 20-25; Apo 11:7; 13:1-11; 17:7-14.) May kinalaman sa salitang ‘mga panahon’ (mula sa Aramaikong ʽid·danʹ), ayon sa pagkakagamit sa hula ni Daniel, ipinakikita ng mga leksikograpo na tumutukoy ito sa “mga taon.” (Tingnan ang Lexicon in Veteris Testamenti Libros, nina L. Koehler at W. Baumgartner, Leiden, 1958, p. 1106; A Hebrew and English Lexicon of the Old Testament, nina Brown, Driver, at Briggs, 1980, p. 1105; Lexicon Linguae Aramaicae Veteris Testamenti, inedit ni E. Vogt, Roma, 1971, p. 124.) Sa gayong paggamit, ang isang taon ay may haba na 360 araw, yamang ipinakikita sa Apocalipsis 12:6, 14 na ang tatlo at kalahating panahon ay katumbas ng “isang libo dalawang daan at animnapung araw.” (Ihambing din ang Apo 11:2, 3.) Kaya batay riyan, ang “pitong panahon” ay katumbas ng 2,520 araw. Sa hula ng Bibliya, maaaring gamitin ang espesipikong bilang ng mga araw upang kumatawan sa katumbas na bilang ng mga taon gaya ng makikita sa mga ulat ng Bilang 14:34 at Ezekiel 4:6. Upang ang pangitain sa Daniel kabanata 4 ay magkaroon ng katuparan na higit pa sa naganap noong mga araw ni Nabucodonosor, na makatuwiran namang asahan batay sa iniharap na mga ebidensiya, kailangang gamitin sa “pitong panahon” ng hulang iyon ang pormula na “isang araw ay isang taon.” Samakatuwid, ang “pitong panahon” ay kumakatawan sa 2,520 taon.
May kaugnayan sa bagay na ito, kapansin-pansin ang isang tunay na pangyayari sa kasaysayan. Salig sa nabanggit na mga punto at ebidensiya, tinukoy ng Marso 1880 edisyon ng magasing Watch Tower ang taóng 1914 bilang ang panahon ng pagtatapos ng “mga takdang panahon ng mga bansa” (at ng katapusan ng pagpapahintulot na humawak ng kapangyarihan ang mga tagapamahalang Gentil). Ito ay mga 34 na taon bago dumating ang taóng iyon at ang mahahalagang pangyayari na nagsimula noon. Sa edisyon ng Agosto 30, 1914 ng The World, isang kilaláng pahayagan sa New York noong panahong iyon, isang tampok na artikulo sa pan-Linggong magasin ng pahayagan ang nagkomento tungkol dito: “Ang nakapangingilabot na pagsiklab ng digmaan sa Europa ay katuparan ng isang di-pangkaraniwang hula. Sa nakalipas na dalawampu’t limang taon, sa pamamagitan ng mga mangangaral at palimbagan, ang ‘International Bible Students’ . . . ay nagpapahayag sa buong daigdig na magbubukang-liwayway sa [taóng] 1914 ang Araw ng Poot na inihula sa Bibliya.”
Ang mga pangyayaring naganap mula noong taóng 1914 C.E. at pagkatapos nito ay alam na alam ng Luc 21:7-24, 29-33; Apo 11:15-18; tingnan ang HULING ARAW, MGA; PAGKANARIRITO.
lahat, pasimula sa pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng tao at unang digmaang ipinakipaglaban hindi dahil lamang sa isyu tungkol sa pamumuno sa Europa, o sa Aprika, o sa Asia, kundi dahil sa isyu tungkol sa pamumuno sa daigdig.—