Paano Kung Pakiramdam Ko’y Nag-iisa Ako?
KABANATA 9
Paano Kung Pakiramdam Ko’y Nag-iisa Ako?
Ang ganda ng panahon, at lahat ng kakilala mo ay may lakad maliban sa iyo. Lumabas sila para mag-enjoy. Napag-iwanan ka na naman! Talagang nakakasama ng loob kapag hindi ka niyayaya, pero mas masakit isipin kung bakit hindi ka niyayaya. ‘Siguro, ako ang may diperensiya,’ ang sabi mo sa iyong sarili. ‘Bakit kaya ayaw nila akong kasama?’
BAKA hindi lang minsan na nangyari sa iyo ang situwasyong inilarawan sa naunang pahina. Pakiramdam mo, parang may malaking hadlang sa pagitan mo at ng iyong mga kaedaran. Kapag gusto mong makipag-usap, nagkakabuhul-buhol ang dila mo. Kapag naanyayahan ka naman sa isang okasyon kung saan may pagkakataon kang makihalubilo sa iba, nauunahan ka ng hiya. Bakit kaya hindi madaling makihalubilo sa iba?
Sa halip na magmukmok sa isang tabi dahil wala kang kaibigan, may magagawa kang solusyon. Tingnan natin kung paano.
● Hadlang 1: Mababang tingin sa sarili. Madalas na minamaliit ng ilang kabataan ang kanilang sarili. Iniisip nilang hindi sila magugustuhan ng ibang tao at baka antukin lang sa kanila ang kanilang kausap. Ganiyan din ba ang tingin mo sa iyong sarili? Kung gayon, lalo lamang lalaki ang hadlang na naglalayo sa iyo at sa iyong mga kaedaran.
Solusyon: Tingnan mo ang mabubuti mong katangian. (2 Corinto 11:6) Tanungin ang iyong sarili, ‘Anu-ano ang mabubuti kong katangian?’ Isipin ang mga talento o magaganda mong katangian at isulat ang mga ito.
․․․․․
1 Corinto 10:12) Pero marami ka rin namang mabubuting katangian. Ang pagkaalam sa mga ito ay tutulong sa iyo na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
Totoo namang may kapintasan ka at maganda rin na alam mo ang mga ito. (● Hadlang 2: Pagkamahiyain. Gustung-gusto mo sanang makipagkuwentuhan, pero kapag may pagkakataon ka na, parang umuurong naman ang dila mo. “Napakamahiyain ko talaga,” ang sabi ng 19-anyos na si Elizabeth. “Hindi ko kayang lumapit at makipag-usap sa mga tao sa Kristiyanong mga pagpupulong. Hanga nga ako sa iba na nagagawa ’yun!” Kung katulad ka ni Elizabeth, baka naiisip mong hindi mo ito kayang mapagtagumpayan.
Solusyon: Ipakita mong interesado ka sa iba. Huwag kang mag-alala, hindi mo naman kailangang maging kalog. Subukang lumapit at makipagkuwentuhan kahit sa isang tao muna. “Ang simpleng pangungumusta sa iba ay tutulong sa iyo na lalo silang makilala,” ang sabi ng kabataang si Jorge.
Ilang tip para sa iyo: Makipagkaibigan hindi lamang sa mga kaedaran mo. Sa Bibliya, may matatalik na magkaibigan na malayo ang agwat ng edad sa isa’t isa, gaya nina Ruth at Noemi, David at Jonatan, at Timoteo at Pablo. (Ruth 1:16, 17; 1 Samuel 18:1; 1 Corinto 4:17) Tandaan din na sa pag-uusap, hindi lamang isa ang nagsasalita. Gusto ng mga tao ang isa na marunong makinig. Kaya huwag kang mag-alala kung mahiyain ka, hindi lang naman ikaw ang kailangang magsalita!
Isulat ang pangalan ng dalawang adulto na gusto mong higit na makilala.
․․․․․
Bakit hindi mo lapitan ang isa sa mga isinulat mo sa itaas at makipag-usap sa kaniya? Habang sinisikap mong makilala ang “buong samahan ng mga kapatid,” mababawasan ang pagkadama mong nag-iisa ka.—1 Pedro 2:17.
● Hadlang 3: Di-magandang ugali. Mahilig mang-insulto at manlait ang isang taong nagmamarunong. Mayroon ding tao na mahilig makipagtalo at ipilit ang kaniyang opinyon. Dahil siya’y ‘lubhang nagpapakamatuwid,’ pinupuna niya kaagad ang sinuman na sa tingin niya ay mali. (Eclesiastes 7:16) Malamang na ayaw mong makasama ang gayong mga tao! Pero hindi kaya ganoon din ang ugali mo kaya iniiwasan ka ng iba? Sinasabi ng Bibliya: “Ang mangmang ay nagsasabi ng maraming salita,” at “sa karamihan ng mga salita ay hindi magkukulang ng pagsalansang.”—Eclesiastes 10:14; Kawikaan 10:19.
Solusyon: ‘Makipagkapuwa-tao.’ (1 Pedro 3:8) Kahit na hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iba, hayaan mo lang siyang magsalita. Magtuon ng pansin sa mga bagay na pinagkakasunduan ninyo. Kung kailangan mong sabihin ang iyong pangmalas, magsalita sa mahinahon at mataktikang paraan.
Kung paano mo gustong kausapin ka ng iba, sa gayon ding Filipos 2:14) Ang taong mahilig makipagtalo kahit sa maliliit na bagay, o kaya’y walang pakundangan sa pangangantiyaw, maging ang isa na mapang-insulto o mapamuna, ay nilalayuan ng iba. Mas magugustuhan ka nila kung ‘ang iyong pananalita ay laging may kagandahang-loob.’—Colosas 4:6.
paraan mo sila kausapin. Nagpapayo ang Bibliya na “patuloy [na] gawin ang lahat ng mga bagay nang walang mga bulung-bulungan at mga argumento.” (Kailangan Mo Bang Gawin ang Lahat Para sa Pagkakaibigan?
Pagkatapos ng maikling pagsusuring ito sa sarili, nakita mo marahil ang ilan sa mga magagawa mong solusyon para mapalapit sa iba. Siyempre pa, kailangan mong maging makatotohanan. Huwag mong asahan na magugustuhan ka ng Juan 15:19) Kaya hindi sulit na gawin mo ang lahat para lamang sa pagkakaibigan.
lahat. Sinabi ni Jesus na ang mga gumagawa ng tama ay kapopootan pa nga ng ilan. (Pero maaari ka namang magustuhan ng iba nang hindi mo ikinokompromiso ang mga pamantayang salig sa Bibliya. Determinado si Samuel, na nabuhay noong panahon ng Bibliya, na gawin kung ano ang tama sa paningin ng Diyos. Ano ang resulta? Siya ay naging “higit na kaibig-ibig kapuwa sa pangmalas ni Jehova at niyaong sa tao.” (1 Samuel 2:26) Kaya mo rin siyang tularan!
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 1, KABANATA 8
Para sa higit pang impormasyon, panoorin ang DVD na “Young People Ask—How Can I Make Real Friends?” Makukuha ito sa mahigit 40 wika
Ang matalik mong kaibigan ay biglang naging parang mortal mong kaaway. Ano kaya ang maaari mong gawin?
TEMANG TEKSTO
“Ang saganang dumidilig sa iba ay sagana ring didiligin.”—Kawikaan 11:25.
TIP
Sikaping maging tuluy-tuloy ang pag-uusap. Halimbawa, kung may magtanong sa iyo, ‘Kumusta ang araw mo?’ huwag lamang sumagot ng ‘Ayos lang.’ Ipaliwanag kung bakit ayos lang ang araw mo. Tapos, kumustahin mo rin siya.
ALAM MO BA . . . ?
Ipinahihiwatig ng Bibliya na sina Moises, Jeremias, at Timoteo ay mahiyain.—Exodo 3:11, 13; 4:1, 10; Jeremias 1:6-8; 1 Timoteo 4:12; 2 Timoteo 1:6-8.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Ang madalas na nakahahadlang sa akin na makipagkaibigan ay ․․․․․
Ang solusyon ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Bakit kaya nadarama ng ilang Kristiyano na nag-iisa sila?
● Ano ang makatutulong sa iyo na huwag masiraan ng loob at hindi maliitin ang sarili?
● Kung nadarama ng iyong nakababatang kapatid na nag-iisa siya, paano mo siya matutulungan?
[Blurb sa pahina 88]
“Kinakaibigan ako ng isang Kristiyanong sister, pero hindi ko siya pinapansin noong una. Nang kausapin ko na siya, hiyang-hiya ako sa sarili ko! Siya pala ang magiging isa sa matalik kong kaibigan, kahit na 25 taon ang tanda niya sa akin!”—Marie
[Larawan sa pahina 87]
May magagawa kang solusyon para mapalapit sa iba