Kaugnayan sa Di-kasekso
SEKSIYON 1
Kaugnayan sa Di-kasekso
May nakita kang binata at dalaga na magkahawak-kamay habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan. Ano ang nadarama mo?
□ Wala lang
□ Medyo naiinggit
□ Inggit na inggit
Nanood ka ng sine kasama ng iyong mga kaibigan at napansin mong lahat sila ay may kapareha—maliban sa iyo! Ano ang nadarama mo?
□ Ayos lang
□ Medyo naaasiwa
□ Inggit na inggit
Kamakailan lang, nagkagusto ang pinakamatalik mong kaibigan sa isang di-kasekso at nakikipag-date na siya ngayon. Ano ang nadarama mo?
□ Masaya
□ Medyo naiinggit
□ Naiinis
Kahit saan ka tumingin, may makikita kang magkasintahan—sa paaralan, sa kalye, sa mall. Tuwing makikita mo sila, naiinggit ka at gusto mo na ring magkaroon ng kasintahan. Pero handa ka na bang makipag-date? Kung oo, paano ka makakahanap ng isa na magiging mabuting asawa? Kung makatagpo ka na, paano mo mapananatiling malinis ang inyong relasyon habang nagdi-date? Tutulungan ka ng Kabanata 1-5 na masagot ang mga tanong na iyan.
[Buong-pahinang larawan sa pahina 12, 13]