Bakit Gusto Kong Maging Perfect ang Lahat?
KABANATA 27
Bakit Gusto Kong Maging Perfect ang Lahat?
Naiinis ka ba kapag hindi mo na-perfect ang exam?
□ Oo
□ Hindi
Kaunting puna lang ba sa iyo, pakiramdam mo’y wala ka nang kuwenta?
□ Oo
□ Hindi
Nahihirapan ka bang makipagkaibigan o hindi makatagal sa iyo ang mga kaibigan mo dahil masyado kang mapaghanap?
□ Oo
□ Hindi
KUNG oo ang sagot mo sa isa o higit pang tanong, hindi kaya may pagka-perpeksiyonista ka? ‘Pero ano naman ang masama kung sinisikap mo lang gawin nang tama ang mga bagay-bagay?’ baka itanong mo. Siyempre, wala naman. Pinupuri ng Bibliya ang tao na “dalubhasa sa kaniyang gawain.” (Kawikaan 22:29) Pero higit pa rito ang gusto ng isang perpeksiyonista.
Halimbawa, ganito ang inamin ng 19-anyos na si Jason: “Noong huling taon ko sa haiskul, kapag
hindi ako nakaka-perfect sa exam, pakiramdam ko’y wala akong kuwentang estudyante. Marunong din akong tumugtog ng piyano, at noon, gusto kong pang-konsyerto ang galing ko sa pagtugtog.”Ang pagiging perpeksiyonista ay maaari pa ngang makaapekto sa pagsamba ng isa kay Jehova. Kunin nating halimbawa ang isang kabataan na may magandang reputasyon at laging pinupuri sa kongregasyon. Dahil lagi siyang sentro ng atensiyon, baka pakiramdam niya’y para siyang tumutulay sa alambre at nakatutok ang lahat sa bawat kilos niya. Oo, makikinabang ang mga kapatid sa kongregasyon sa kaniyang mabuting halimbawa. Pero baka dahil sa takot niyang masira ang tingin sa kaniya ng iba, hindi na siya makakilos nang natural at mawala ang kagalakan niya sa paglilingkod sa Diyos. Kung mangyayari iyan, kailangan niya ng tulong. Pero baka hindi siya humingi ng tulong sa takot na bumaba ang tingin sa kaniya. Baka nga tuluyan na siyang hindi magsikap dahil iniisip niya, ‘Kung magkakamali rin lang ako, bakit pa ako magpapakahirap?’
Paglabanan ang Tendensiyang Maging Perpeksiyonista
Wala sa bokabularyo ng mga perpeksiyonista ang pagkakamali. Pero hindi naman makatotohanan iyan. Malinaw na sinasabi ng Bibliya: “Ang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23) Kaya yamang makasalanan tayo, imposibleng maging perpekto ang sinuman sa atin ngayon. Sa katunayan, ang isang taong nag-iisip na kaya niyang gawin nang perfect ang anumang gusto niyang gawin ay walang kaibahan sa taong nag-iisip na kaya niyang lumipad. Paniwalang-paniwala man siyang magagawa niya ito, hindi pa rin ito mangyayari!
Paano mo mapaglalabanan ang pagiging perpeksiyonista? Subukan mo ang sumusunod na mga mungkahi:
Baguhin ang pananaw mo sa “tagumpay.” Sinasagad mo ba ang iyong sarili sa kagustuhan mong maging numero uno? Ipinahihiwatig ng Bibliya na ang gayong pagsisikap ay gaya ng “paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4:4) Ang totoo, mabibilang lamang sa daliri ang nagiging “pinakamagaling.” At ilang panahon lang, kadalasan nang nasasapawan din sila ng iba. Hindi mo kailangang mahigitan ang iba para masabing matagumpay ka. Ang mahalaga ay ginawa mo ang iyong buong makakaya.—Galacia 6:4.
Maging makatotohanan. Dapat alam mo ang iyong limitasyon; gawin mo lang ang kaya mo. Kung masyadong mataas ang inaasahan mo sa iyong sarili, senyales ito na hindi mo tinatanggap na may limitasyon ka—baka tanda pa nga ito ng kayabangan. Maganda ang payo ni apostol Pablo: “Sinasabi ko sa bawat isa sa Roma 12:3) Kaya maging makatotohanan. Baguhin ang inaasahan mo sa iyong sarili. Gawin mo lang ang iyong buong makakaya, at huwag mong isiping hindi ka dapat magkamali.
inyo riyan na huwag mag-isip nang higit tungkol sa kaniyang sarili kaysa sa nararapat isipin.” (Tawanan mo ang iyong pagkakamali! Subukan mo kayang gawin ang isang bagay kahit na alam mong hindi ka magaling doon, gaya ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika. Oo, talagang magkakamali-mali ka. Pero ano kaya kung huwag mong Eclesiastes 3:4) Kaya bakit hindi mo na lang tawanan ang mga pagkakamali mo? Makikita mong natural lang na magkamali ka habang pinag-aaralan mo ang isang bagay. Oo, baka masiraan ka pa rin ng loob kapag hindi mo na-perfect ang ginagawa mo. Pero sikapin mong paglabanan ang negatibong mga kaisipan.
masyadong seryosohin ang mga pagkakamali mo? Sinasabi ng Bibliya na may “panahon ng pagtawa.” (Tandaan mo na hindi perpeksiyonista si Jehova—hindi ka niya hinahanapan ng kasakdalan; gusto lamang niya na maging tapat ka sa kaniya. (1 Corinto 4:2) Kung sisikapin mong maging tapat sa kaniya, magkakaroon ka ng tunay na kaligayahan—kahit hindi mo magawang perfect ang lahat.
Tanggap na ngayon ng lipunan ang homoseksuwalidad. Paano mo ito maiiwasan? Paano kung nagkakagusto ka sa kapuwa mo lalaki/babae?
TEMANG TEKSTO
“Walang taong matuwid sa lupa na patuloy na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.”—Eclesiastes 7:20.
TIP
Mag-isip ng isang gawain na ipinagpapaliban mong gawin dahil sa takot na magkamali. Tapos, magtakda ka rin ng petsa kung kailan mo ito gustong tapusin.
ALAM MO BA . . . ?
Sakdal si Jehova, pero hindi siya perpeksiyonista—hindi niya tayo hinahanapan ng kasakdalan. Hindi siya nagbibigay ng mga kahilingan na hindi naman natin kayang sundin.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Kapag masyado akong nagiging mapamuna sa aking sarili, ang gagawin ko ay ․․․․․
Kapag masyado akong nagiging mapamuna sa iba, ang gagawin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Anong mga bagay sa iyong buhay ang pinipilit mong maging perfect?
● Anong mga teksto sa Bibliya ang nagpapakitang hindi hinahanapan ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga lingkod ng kasakdalan?
● Bakit maaaring lumayo ang loob sa iyo ng iba kung perpeksiyonista ka?
● Ano ang gagawin mo kapag nagkamali ka uli?
[Blurb sa pahina 226]
“Magkaiba ang paggawa ng buong makakaya mo at ang pagiging perpeksiyonista; ’yung isa, balanse, ’yung isa, hindi.”—Megan
[Kahon sa pahina 228]
Pagiging Perpeksiyonista at Pagkakaibigan
Nilalayuan mo ba ang mga taong hindi nakakaabot sa mga pamantayan mo? O ikaw ang nilalayuan ng mga tao dahil masyadong mahirap abutin ang mga katangiang hinahanap mo sa isang kaibigan? Ganito ang payo ng Bibliya: “Huwag kang lubhang magpakamatuwid, ni labis-labis na magpakarunong. Bakit mo dudulutan ng kaabahan ang iyong sarili?” (Eclesiastes 7:16) Kaya nawawalan ng kaibigan ang mga perpeksiyonista kasi inaayawan nila ’yung mga taong puwede sana nilang maging kaibigan. Sa ganitong paraan, dinudulutan nila ng kaabahan ang kanilang sarili. “Walang gustong makipagkaibigan sa mga taong mapamuna,” ang sabi ng kabataang si Amber, “at iyan ang nakita ko sa mga perpeksiyonista—nawawalan sila ng mga kaibigan kasi maliliit na bagay lang, ginagawa nilang isyu.”
[Larawan sa pahina 229]
Ang pagsisikap na maging perfect sa lahat ng bagay ay kasing-imposible ng pagsisikap na makalipad