Paano Ko Ipaliliwanag ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad?
KABANATA 23
Paano Ko Ipaliliwanag ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad?
Sa isang awards ceremony, naghalikan ang dalawang sikát na aktres. Gulát na gulát ang mga manonood at naghiyawan! Para sa mga homoseksuwal, isa itong tagumpay. Para naman sa iba, nagpapapansin lang ang mga aktres. Ang video clip na ito ay paulit-ulit na ipapalabas sa TV—at milyun-milyong ulit na panonoorin sa Internet—sa susunod na mga araw.
GAYA ng eksena sa itaas, mainit na balita kapag umaming bakla, tomboy, o bisexual ang isang kilalang tao. Ang iba, hangang-hanga; ang iba naman, nalalaswaan. Pero marami ang
walang pakialam—desisyon na raw ng isa kung gusto niyang maging homoseksuwal. “Nung nag-aaral pa ako,” ang sabi ni Daniel, 21, “kahit mga batang hindi naman bakla o tomboy, nag-iisip na kung hindi mo tanggap ang homoseksuwalidad, nagtatangi ka at mapanghusga.”Iba-iba ang pangmalas sa homoseksuwalidad ng iba’t ibang henerasyon at ng iba’t ibang bansa. Pero ang mga Kristiyano ay hindi “dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo.” (Efeso 4:14) Sa halip, sinusunod nila ang sinasabi ng Bibliya.
Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad? At kung namumuhay ka ayon sa pamantayang moral ng Bibliya, ano ang puwede mong isagot sa mga nagsasabing mapanghusga ka, nagtatangi, o nasusuklam sa mga homoseksuwal? Pag-isipan ang sumusunod na tanong o komento at ang puwede mong isagot.
“Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad?”
“Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang pagtatalik ay nilayon ng Diyos para lang sa lalaki at babae—na mag-asawa. (Genesis 1:27, 28; Levitico 18:22; Kawikaan 5:18, 19) Ang pakikiapid na hinahatulan ng Bibliya ay hindi lang tumutukoy sa homoseksuwal na gawain, kundi pati sa imoral na gawain ng isang lalaki at babaing hindi mag-asawa.” a—Galacia 5:19-21.
“Ano ang pananaw mo sa homoseksuwalidad?”
“Hindi ko inaayawan ang mga homoseksuwal, hindi lang ako sang-ayon sa gawain nila.”
Tandaan: Kung pinili mong Josue 24:15) Huwag mong ikahiya ang pananaw mo.—Awit 119:46.
sumunod sa pamantayang moral ng Bibliya, karapatan mo iyan. (“Hindi ba dapat igalang ng mga Kristiyano ang lahat ng tao, pati na ang mga homoseksuwal?”
“Totoo iyan. Sinasabi ng Bibliya: ‘Parangalan ang lahat ng uri ng mga tao’ o, gaya ng salin ng Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, ‘Igalang ninyo ang lahat ng tao.’ (1 Pedro 2:17) Kaya ang mga Kristiyano ay hindi nasusuklam sa mga homoseksuwal. Mabait sila sa lahat, pati na sa mga homoseksuwal.”—Mateo 7:12.
“Hindi ba diskriminasyon sa mga homoseksuwal ang pananaw mo sa kanila?”
“Hindi naman mga homoseksuwal ang inaayawan ko, kundi yung ginagawa nila.”
Puwede mo pang sabihin: “Parang ganito ‘yan: Ako, ayokong manigarilyo. Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na naninigarilyo. Pero kung iba ang pananaw mo at naninigarilyo ka, hindi kita huhusgahan. At hindi mo rin ako huhusgahan dahil sa pananaw ko, hindi ba? Ganiyan din pagdating sa magkaibang pananaw natin sa homoseksuwalidad.”
“Itinuro ni Jesus na lawakan natin ang ating pananaw. Kaya bakit hindi na lang din tanggapin ng mga Kristiyano ang homoseksuwalidad?”
Juan 3:16) Kasali sa pananampalataya kay Jesus ang pagsunod sa pamantayan ng Diyos, na nagbabawal sa ilang paggawi—kabilang na ang homoseksuwalidad.”—Roma 1:26, 27.
“Hindi pinayuhan ni Jesus ang mga tagasunod niya na tanggapin ang lahat ng paraan ng pamumuhay. Sa halip, itinuro niya na ang tanging maliligtas ay ang ‘bawat isa na nananampalataya sa kaniya.’ (“Hindi kayang magbago ng mga homoseksuwal. Ipinanganak silang ganoon.”
“Walang sinasabi ang Bibliya tungkol sa biyolohikal na kayarian ng mga homoseksuwal, pero sinasabi nito na talagang may ilang tendensiya na mahirap alisin. (2 Corinto 10:4, 5) Kahit na nagkakagusto ang ilan sa kapuwa nila lalaki o babae, sinasabi ng Bibliya na dapat iwasan ng mga Kristiyano ang homoseksuwal na paggawi.”
Mungkahi: Imbes na makipagdebate tungkol sa dahilan ng homoseksuwal na pagnanasa, idiin na ipinagbabawal ng Bibliya ang homoseksuwal na paggawi. Gumawa ng paghahambing: “Maraming nagsasabi na namamana raw ang pagiging marahas, kaya may ilang tao na may tendensiyang maging ganoon. (Kawikaan 29:22) Ipagpalagay nating tama iyan. Pero alam mo ba na hinahatulan ng Bibliya ang silakbo ng galit? (Awit 37:8; Efeso 4:31) Sasabihin mo bang mali ang pamantayang ito dahil lang sa maaaring nasa dugo ng ilan ang pagiging marahas?”
“Hindi ba ang lupit naman kung sasabihin ng Diyos sa isa
na nagkakagusto sa kasekso niya na iwasan ang homoseksuwalidad?”“Ang pangangatuwirang ito ay batay sa maling ideya na dapat sundin ng tao ang kaniyang seksuwal na pagnanasa. Malaki ang tiwala ng Diyos sa tao dahil tinitiyak ng Bibliya na kaya nilang pigilin ang maling pagnanasa kung talagang gusto nila.”—Colosas 3:5.
“Kahit hindi ka homoseksuwal, dapat baguhin mo ang pananaw mo sa homoseksuwalidad.”
“Kung halimbawang okey lang sa iyo ang pagsusugal, pero sa akin hindi, makatuwiran bang pilitin mo akong baguhin ang paniniwala ko dahil lang sa milyun-milyon ang nagsusugal?”
Tandaan: Ang mga homoseksuwal, gaya ng maraming iba pa, ay may sinusunod na pamantayan kaya kinamumuhian nila ang mga bagay na gaya ng pandaraya, kawalang-katarungan, o digmaan. Sa pamantayan ng Bibliya, bawal din ang gayong mga bagay; pero bukod diyan, hinahatulan nito ang ilang seksuwal na paggawi, kabilang na ang homoseksuwalidad.—1 Corinto 6:9, 10.
Ang Bibliya ay makatuwiran at patas. Sa mga homoseksuwal man o hindi, pareho lang ang utos nito—“tumakas . . . mula sa pakikiapid.”—1 Corinto 6:18.
Ang totoo, milyun-milyong indibiduwal na hindi naman homoseksuwal ang nagpipigil din ng sarili para sundin ang Bibliya, anumang tukso ang dumating. Nariyan ang mga dalaga’t binata na wala sa kalagayang mag-asawa at iba pa na ang asawa ay may kapansanan at hindi puwedeng makipagtalik. Maligaya sila kahit hindi nasasapatan ang pagnanasa nila. Magagawa rin iyan ng mga may tendensiyang maging homoseksuwal kung talagang gusto nilang maging katanggap-tanggap sa Diyos.—Deuteronomio 30:19.
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 2, KABANATA 28
Akala ng ilang babae, ang pakikipag-sex sa kanilang boyfriend ay magpapatibay ng kanilang relasyon. Nagkakamali sila! Alamin kung bakit.
[Talababa]
a Ang terminong “pakikiapid” sa Bibliya ay hindi lang tumutukoy sa pakikipagtalik kundi pati sa oral sex, anal sex, at paghimas sa ari ng iba.
TEMANG TEKSTO
“Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan, na siyang idolatriya.”—Colosas 3:5.
TIP
Kahit hindi mo maatim ang ginagawa ng iba, huwag kang maging mapanghusga. Gaya mo, may kalayaan din silang pumili ng gusto nilang paniwalaan.
ALAM MO BA . . . ?
Ang ilan sa mga Kristiyano noong unang siglo ay dating mga homoseksuwal. Pero nakapagbago sila at ‘nahugasang malinis’ sa harap ng Diyos.—1 Corinto 6:9-11.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Kung may magsabi na makaluma ang pananaw ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad, ang sasabihin ko ay ․․․․․
Para maging maliwanag na ang inaayawan ko ay ang homoseksuwalidad at hindi ang mga homoseksuwal mismo, ang sasabihin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Bakit may karapatan ang Diyos na bigyan ang mga tao ng mga batas sa moral?
● Ano ang magiging pakinabang mo kung susunod ka sa pamantayang moral ng Bibliya?
[Blurb sa pahina 170]
“Inis na inis sa akin ang kaeskuwela kong homoseksuwal kasi iniisip niyang ayaw ko sa kaniya. Pero nang ipaliwanag ko na hindi siya ang inaayawan ko kundi yung ginagawa niya—at nang malaman niyang hindi lang homoseksuwalidad ang ayaw ko kundi lahat ng klase ng imoralidad—nirespeto niya ako. Ipinagtatanggol pa nga niya ako kapag may nakikipagtalo sa akin tungkol sa pananaw ko.”—Aubrey
[Kahon sa pahina 168]
Paano Naman ang Pagiging Bisexual?
Bagaman may mga lalaki at babaing bisexual, lumilitaw na mas dumarami ang mga babaing bisexual. Ang ilan, curious lang. Sinabi ni Lisa, 26: “Napapanood ng mga tin-edyer sa pelikula o naririnig sa musika ang tungkol sa paghahalikan ng parehong babae, kaya naiisip nilang subukan ‘yon—lalo na kung hindi naman nila iniisip na masama iyon.”
Ang iba naman, talagang nagkakagusto sa kasekso nila. “May nakilala akong dalawang babaing bisexual sa isang party,” sabi ni Vicky, 13. “Sinabi sa akin ng kaibigan ko na may gusto sila sa akin. Nakipag-text ako sa isa sa kanila at unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya.”
Nakaka-relate ka ba kay Vicky? Marami ang magsasabing sundin mo ang puso mo at magpakatotoo ka. Pero tandaan, ang pagkaakit sa kasekso ay kadalasan nang lumilipas din. Iyan ang napatunayan ni Vicky. Ganoon din ang na-realize ni Lisette, 16. Sinabi niya: “Buti na lang sinabi ko sa mga magulang ko ang nararamdaman ko. Nalaman ko rin sa klase namin sa biology na sa panahon ng kabataan, pabagu-bago ang hormone level ng isa. Sa tingin ko, kung alam lang ng mga kabataan ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, maiintindihan nila na maaaring pansamantala lang ang pagkaakit sa kasekso, at hindi sila magpapadala sa tukso.”
Kahit mas matindi ang nadarama mo kung ikukumpara sa ibang kabataan, tandaan na nagbibigay ang Bibliya ng isang tunguhin na kaya mong abutin: Magagawa mong pigilin ang anumang maling pagnanasa.
[Larawan sa pahina 169]
Hindi basta nagpapatangay sa opinyon ng nakararami ang mga Kristiyano