Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUWENTO 20

Napahamak si Dina

Napahamak si Dina

NAKIKITA mo ba kung sino yaong mga nilalapitan ni Dina? Dadalawin niya ang mga babae na nakatira sa lupain ng Canaan. Matutuwa kaya ang tatay niyang si Jacob sa gagawin niyang ito?

Buweno, hindi ba ayaw ni Abraham na mag-asawa si Isaac ng isang babaeng taga-Canaan? At ayaw din ni Isaac na ang kaniyang anak na si Jacob ay mag-asawa ng babaeng Canaanita. Alam mo ba kung bakit?

Kasi ang mga taga-Canaan ay sumasamba sa mga diyus-diyosan. Hindi sila mabuting mapangasawa, o kaya’y makaibigan. Kaya si Jacob ay hindi matutuwa dahil sa ang kaniyang anak na babae ay nakikipagkaibigan sa mga babaeng Canaanitang ito.

Kaya, napahamak nga si Dina. Nakikita mo ba sa larawan ang lalaking iyon na taga-Canaan? Sechem ang pangalan niya. Isang araw, pinilit ni Sechem si Dina na mahiga sa tabi niya. Masama ito, kasi ang mga lalaki at babaeng mag-asawa lang ang puwedeng mahiga nang magkatabi.

Dahil dito, galit-na-galit ang mga kapatid na lalaki ni Dina. Dalawa sa kanila, sina Simeon at Levi ay pumasok sa lunsod at ginulat ang mga kalalakihan. Si Sechem at ang lahat ng ibang lalaki ay pinatay nila at ng kanilang mga kapatid na lalaki. Galit-na-galit si Jacob sa ginawang ito ng kaniyang mga anak.

Papaano nagsimula ang lahat ng gulong ito? Kasi nakipagkaibigan si Dina sa mga taong hindi sumusunod sa batas ng Diyos. Ayaw natin na magkaroon ng ganoong mga kaibigan, hindi ba?