Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUWENTO 96

Pinagaling ang Maysakit

Pinagaling ang Maysakit

HABANG naglalakbay si Jesus, nagpapagaling siya ng mga maysakit. Marami ang nakakabalita nito, kaya dinadala nila sa kaniya ang mga pilay, bulag at bingi, at iba pa. Pinagagaling sila ni Jesus.

Mahigit nang tatlong taon mula nang bautismuhan ni Juan si Jesus. Sinabi ni Jesus sa mga apostol na malapit na siyang pumunta sa Jerusalem, papatayin siya, at muling mabubuhay.

Minsan ay nagtuturo si Jesus sa araw ng Sabbath. Ang Sabbath ay araw ng pahinga para sa mga Hudiyo. Ang babaeng nakikita mo rito ay may malubhang sakit. 18 taon siyang hindi makatayo nang tuwid. Hinawakan siya ni Jesus, at siya’y tumayo nang matuwid. Siya’y gumaling!

Dahil dito ay galit-na-galit ang mga pinuno ng relihiyon. Sa palagay nila si Jesus ay hindi dapat magpagaling kung Sabbath.

Pero sinabi ni Jesus: ‘Kayo’y masasamang tao. Kahit sino sa inyo ay magpapainom ng kaniyang asno kung Sabbath. Hindi ba dapat pagalingin ang kaawa-awang babaeng ito kung Sabbath?’

Si Jesus at ang mga apostol ay patuloy sa paglalakbay. Sa labas ng Jerico, dalawang pulubing bulag ang nakarinig na dumadaan siya. Sumigaw sila: ‘Jesus, tulungan mo kami!’

Tinanong ni Jesus kung ano ang gusto nila. Sinabi nila: ‘Panginoon, buksan mo ang aming mga mata.’ Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata, at agad-agad ay nakakita sila.’ Alam mo ba kung bakit ginagawa ni Jesus ang kamangha-manghang mga bagay na ito? Kasi mahal niya ang mga tao at gusto niya na manampalataya sila sa kaniya. Pag naging Hari na siya, wala nang magkakasakit uli.