Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUWENTO 89

Nilinis ni Jesus ang Templo

Nilinis ni Jesus ang Templo

MUKHANG galit-na-galit si Jesus, hindi ba? Alam mo ba kung bakit? Kasi napakasakim ng mga lalaking ito na nasa templo ng Diyos sa Jerusalem. Kinukuwartahan nila ang mga tao na pumaparito para sumamba.

Ipinagbibili ng mga lalaking ito ang mga hayop na iyong nakikita, dito mismo sa templo. Alam mo ba kung bakit? Kasi kailangan ng mga Israelita ang mga hayop at ibon para ihandog sa Diyos. Ito ay ayon sa batas ng Diyos. Pero saan kukuha ang isang Israelita ng ibon o hayop para ihandog sa Diyos?

Ang ibang Israelita ay may alagang mga ibon at hayop. Pero marami ang wala. At ang iba ay nakatira sa lugar na napakalayo sa Jerusalem kaya hindi nila madala ang kanilang mga hayop sa templo. Kaya pumaparito sila at bumubili nga mga hayop o ibon na kailangan nila. Pero dinadaya sila ng mga lalaking ito. Isa pa, hindi sila dapat magtinda dito mismo sa templo ng Diyos.

Kaya galit-na-galit si Jesus. Itinaob niya ang mga lamesa na may lamang pera. Itinaboy din niya ang mga hayop papalabas sa templo. Iniutos niya sa mga lalaking nagtitinda ng kalapati: ‘Alisin n’yo ang mga ito! Huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na isang lugar para pagkakitaan ng pera!’

Nagtaka ang mga tagasunod ni Jesus sa ginagawa niya. Pero naalaala nila ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Anak ng Diyos: ‘Ang pag-ibig sa bahay ng Diyos ay magniningas sa loob niya na gaya ng apoy.’

Habang dinadaluhan ni Jesus ang paskuwa sa Jerusalem, siya ay gumawa ng maraming himala. Pagkatapos, nagbalik uli siya sa Galilea. Pero, dumaan muna siya sa distrito ng Samaria. Tingnan natin kung ano ang mangyayari dito.