Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Upper Svaneti

GEORGIA

Maikling Impormasyon Tungkol sa Georgia

Maikling Impormasyon Tungkol sa Georgia

Lupain Kilalá ang Georgia sa nagtataasang kabundukan na nababalot ng niyebe ang mga taluktok, na ang ilan ay mahigit 4,500 metro ang taas. Ang bansa ay nahahati sa dalawa—silangan at kanlurang Georgia, na bawat isa’y binubuo ng ilang rehiyon na may sariling klima, kaugalian, musika, sayaw, at pagkain.

Mamamayan Karamihan sa 3.7 milyong naninirahan dito ay mga etnikong Georgiano.

Relihiyon Ang karamihan ay nag-aangking kabilang sa relihiyong Kristiyanong Ortodokso. Mga 10 porsiyento ay Muslim.

Wika Walang kaugnayan ang wikang Georgiano sa anumang wika ng kalapit na mga bansa. Ipinakikita ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan na ang naiibang alpabetong Georgiano ay naimbento bago ang ating Karaniwang Panahon.

Kabuhayan Marami ang kumikita mula sa agrikultura. Kamakailan, malaki ang naitulong ng turismo sa ekonomiya ng Georgia.

Klima Katamtaman ang klima sa silangang bahagi ng bansa. Ang baybayin ng Black Sea, sa kanlurang Georgia, ay subtropikal ang klima, kung saan maraming namumungang prutas na sitrus.

Pagkain Tinapay ang pangunahing pagkain sa Georgia. Ang tradisyonal na tinapay ay niluluto sa pugon na yari sa luwad. Karaniwang ulam ang nilaga na may mga pampalasa at sariwang mga herb. Bahagi na ng kasaysayan ang paggawa ng alak. Ayon sa tradisyon, ang alak ay pinakakasim at inilalagay sa malalaking banga. Maraming pamilya ang may sariling ubasan at gumagawa ng alak. May mga 500 uri ng ubas sa Georgia.