TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Naabot ang Di-maabot
ANG pangangaral sa bahay-bahay ang pangunahing paraan ng mga Saksi ni Jehova para palaganapin ang katotohanan sa Bibliya. Pero napakaepektibo rin ang paggamit ng magagandang displey ng literatura sa mga mesa at cart para maipangaral ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mat. 24:14) Gumagamit ang mga mangangaral ng Kaharian ng stand, mesa, at kiosk para maabot ang mga tao sa mga pampublikong lugar. Bukod diyan, mga 250,000 cart ang ipinadala sa mga kongregasyon sa buong daigdig. Ano ang resulta?
Sa Dar es Salaam, Tanzania, halos 700 katao ang humiling ng pag-aaral sa Bibliya nang ang special metropolitan public witnessing ay magsimula roon noong 2014. Maraming interesado ang dumadalo sa mga pulong at nagiging
mas malapít sa Diyos. Sa loob ng isang taon, mahigit 250,000 literatura sa mga cart ang kinuha ng mga taong galing sa mga bansa sa Aprika at ibayong bansa.Sa Solomon Islands, wala pang 2,000 mamamahayag ang nangangaral sa napakalaking teritoryo sa mahigit 300 isla. Kaya ang special metropolitan public witnessing ay mahalagang paraan para maipalaganap ang mga binhi ng katotohanan. Sa Honiara, ang kabiserang lunsod, ang mga kapatid ay nakapamahagi ng mahigit 104,000 magasin at mahigit 23,600 brosyur sa mga tao, na karamihan ay mula sa mga isla at liblib na mga nayon na walang Saksi. Sa isang hapon lang, nakapamahagi sila ng 400 kopya ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? at 60 ang humiling ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
Isang umaga, ang mga regular pioneer na sina Michael at Linda ay nag-aayos ng isang stand ng literatura malapit sa isang beach ng Margarita Island, Venezuela. Lumapit sa stand ang isang lalaking nagngangalang Aníbal at tumanggap ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Sinabi niya na doon sa beach na iyon namatay ang tatay niya pitong taon na ang nakalilipas, at na mula noon, nadepres ang nanay niya. Nang sumunod na linggo, bumalik si Aníbal at sinabi kina Michael at Linda na iyon ang anibersaryo ng kamatayan ng tatay niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone, tinawagan ang nanay niya, at nakiusap kay Michael na patibayin ito. Mula noon, ilang beses nang tumawag ang nanay niya kina Michael at Linda, at ibinabahagi naman nila ang ilang nakapagpapatibay na teksto. Sa isang text message, sinabi ng nanay ni Aníbal, “Mas
mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kasi pinatibay n’yo ang pananampalataya ko.”Sa Estados Unidos, inorganisa ang special metropolitan public witnessing sa 127 lokasyon sa 14 na lunsod. Sa unang pitong buwan ng 2015 taon ng paglilingkod, 8,445 pag-aaral sa Bibliya ang nasimulan! Mabisa rin ang paraang ito ng pagpapatotoo para matulungang manumbalik sa tunay na pagsamba ang mga di-aktibo. Halimbawa, isang lalaking nagngangalang Terry ang tumitingin sa isa sa mga displey ng literatura sa Los Angeles, California, kaya tinanong siya ng mag-asawang Saksi kung nakabasa na siya ng ating mga literatura. Sinabi niyang Saksi ni Jehova siya, pero halos apat na taon na siyang di-aktibo. Binasa at tinalakay sa kaniya ng mag-asawa ang Ezekiel 34:11, kung saan sinasabi ni Jehova: “Hahanapin ko ang aking mga tupa at pangangalagaan ko sila.” Sinabi nila sa kaniya ang tungkol sa ating website at JW Broadcasting. Kinaumagahan, nag-e-mail si Terry sa brother, at sinabi na bago niya makita ang displey, humingi siya ng tawad sa Diyos sa hindi pagdalo sa mga pulong. Humingi rin siya ng tulong kung paano mapapalapít kay Jehova. “Pagkatapos, binati n’yo ako,” sabi ni Terry. “Binasa n’yo ang nakapagpapatibay na tekstong iyon at binigyan n’yo ako ng impormasyon na kailangan ko para makabalik sa organisasyon ni Jehova. Sagot iyon sa panalangin ko.”
May apat na lokasyon ng special metropolitan public witnessing sa Addis Ababa, Ethiopia. Sa loob ng tatlong buwan, nakapamahagi ang mga kapatid ng 37,275 publikasyon, at 629 ang humiling na puntahan sila ng mga Saksi. Isang may-edad nang lalaki ang nagbasa ng aklat na Itinuturo ng Bibliya pagkatanggap niya nito. Nag-aral siya sa seminaryo at may mga tanong tungkol kay Jesus at
sa Kaharian ng Diyos. Kaya kinabukasan, bumalik siya sa stand para masagot ang mga tanong niya. Makalipas ang isa pang araw, pumayag siyang makipag-aral ng Bibliya, at sa dulo ng linggong iyon, dumalo na siya sa pulong. Regular na siyang dumadalo sa ating mga pulong at mabilis na sumusulong.kabanata 7 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Binasa nila ang dalawang parapo sa subtitulong “Kapag Namatay ang Isang Mahal sa Buhay” at ang katapusan ng kabanata na nagpapaliwanag tungkol sa pag-asa ng mga patay. Naantig ang lalaki, kaya hinawakan niya uli ang braso ng brother at nagtanong, “Totoo ba iyan?” Tiniyak nila sa kaniya na talagang tutuparin ni Jehova ang pangakong iyon. “Ano ang kailangan kong gawin para makita kong muli ang anak ko?” ang tanong niya. Isinaayos nilang madalaw siya sa kaniyang tahanan. Pagdating nila roon, sabik na naghihintay ang lalaki para simulan ang pag-aaral sa Bibliya.
Isang lalaking Judio ang lumapit sa isang stand ng literatura sa Mexico at nagtanong sa dalawang brother kung may literatura tungkol sa kamatayan. Sinabi nila na ubos na ang magasin na tumatalakay sa kamatayan, kaya inalukan nila siya ng tungkol sa hinaharap. Hinawakan ng lalaki ang braso ng brother at sinabi: “Hindi ako interesado sa hinaharap. Gusto ko nang mamatay.” Biglang umiyak ang lalaki. Tinanong siya ng mga brother kung bakit gayon ang nadarama niya. “Kamamatay lang kasi ng anak ko,” ang sabi niya. Kaya ipinakita nila sa kaniya ang“Talagang pinagpala ni Jehova ang kaayusang ito!” ang sabi ng isang naglalakbay na tagapangasiwa na tumulong sa pagsasaayos ng special metropolitan public witnessing sa New York. “Hindi lang ito mabisang paraan para maabot ang libo-libong tao, kundi naaabot din nito ang maraming di-aktibo o tiwalag—‘nawawalang mga tupa’—na tinutulungan ngayon na manumbalik sa kawan.”—Ezek. 34:15, 16.