PANGANGARAL AT PAGTUTURO SA BUONG LUPA
Mga Lupain sa Amerika
-
LUPAIN 57
-
POPULASYON 982,501,976
-
MAMAMAHAYAG 4,102,272
-
PAG-AARAL SA BIBLIYA 4,345,532
Bible Study sa Liwanag ng Kandila
Nalaman ng isang mag-asawang special pioneer sa isang liblib na teritoryo ng Brazil ang tungkol kay Valdira, isang babaeng nakipag-aral ng Bibliya 13 taon na ang nakararaan. Matapos bumiyahe sa maalikabok na daan at tumawid sa mapanganib na mga ilog, natagpuan nila si Valdira, na sabik nang makipag-aral muli ng Bibliya. Dahil nasa liblib na lugar, di-pangkaraniwan
ang paraan nila ng pag-aaral. May cellphone si Valdira pero ang tanging lugar na may malakas na signal ay sa may bukid, malayo sa bahay nila. Bukod diyan, puwede lang siyang makipag-Bible study paglampas ng alas-nuwebe ng gabi. Isip-isipin ang tagpo: Isang kabataang babae, nakaupong mag-isa sa may bukid, gamit ang cellphone habang nakikipag-Bible study sa liwanag ng kandila.Nakikinig din si Valdira sa mga pulong tuwing Linggo gamit ang cellphone. Pumupunta siya sa may bukid dala ang kaniyang Bibliya, Bantayan, at songbook. Kapag umuulan, nagdadala rin siya ng payong.
Noong Marso, mga 100 kilometro ang nilakbay ni Valdira papunta sa Kingdom Hall para dumalo sa espesyal na pagtitipon kung saan inilabas ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Portuguese. Tuwang-tuwa siya nang mabigyan siya ng bagong Bibliya. Nang komendahan siya sa mga pagsisikap niya sa pag-aaral ng Bibliya, sinabi ni Valdira, “Hindi naman gano’n kahirap!”
“Alam Kong Isang Araw, Darating Kayo”
Ang Yukpa ay mga Amerindian sa Colombia. Bago pumunta sa isa sa kanilang mga komunidad, binabalaan si Frank, isang special pioneer, tungkol sa pinuno roon na si John Jairo. Marami na itong pinalayas na mga grupo ng relihiyon na gustong mangaral doon. Sa isang pagkakataon, nang malaman ni John na nangongolekta ng ikapu ang isang ministro roon, nagpaputok ng baril si John kaya kumaripas ito ng takbo.
Ikinuwento ni Frank: “Pagdating namin sa komunidad, ang unang nakinig sa amin ay walang iba kundi ang isa sa mga anak na babae ni John Jairo! Nang ipakita namin sa Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? agad niyang sinabi, ‘Ito ang relihiyon na gusto kong aniban!’ Dali-dali niyang pinuntahan ang tatay niya para sabihin ang tungkol sa pagdating namin. Agad kaming ipinatawag ni John. Kabado kaming humarap sa kaniya. Bago pa man kami makapagsalita, sinabi niya: ‘Alam kong kayo ang tunay na relihiyon. Walong taon na ang nakararaan, may napulot akong aklat sa isang basurahan sa Becerril na tulad ng ibinigay n’yo sa anak ko. Binasa ko ito, at mula noon, hinihintay ko na kayo. Alam kong isang araw, darating kayo. Gusto kong turuan n’yo ako sa Bibliya, pati na ang pamilya ko at ang komunidad namin. Bukás ang pinto namin para sa inyo.’
kaniya ang aklat na“Napaluha kami sa mga salitang iyon. Nagtipon ang buong komunidad para makinig sa ipinangangaral namin, at si John Jairo ang nag-interpret nito sa kanilang wika. Nang pauwi na kami, pinahiram niya kami ng maliit na asno para sa aming bagahe. Ngayon, mayroon na kaming 47 Bible study sa 120 Yukpa na mula sa iba’t ibang komunidad, kabilang na si John Jairo at ang anak niya.”
Nagbagong-Buhay ang Isang Mang-uusig
Si José, na dating debotong Katoliko, ay nakatira sa Ecuador. Isinulat niya: “Galít na galít ako sa mga Saksi ni Jehova. Sampung taon ko silang inusig. Nag-oorganisa ako noon ng pang-uumog laban sa mga Saksi, minamaltrato ko sila, at inaakusahang mga magnanakaw. Pagdating sa
presinto, gusto kong ako mismo ang maglagay ng kandado sa selda nila. Isang sasakyan ng Saksi ang sinira namin. At isang motorsiklong pag-aari nila ang inihagis namin sa bangin.“Noong 2010, nagkasakit ako ng swine flu. Sinabi ng doktor ko na kailangan kong bumaba mula sa Andes at lumipat sa baybayin na may mainit na klima para magpagaling. Tumira ako sa maliit na farm ng kamag-anak namin sa baybayin, at ako lang ang nandoon. Dahil mag-isa ako, sabik na sabik ako sa kausap. At sino ang dumating? Mga Saksi ni Jehova! Kailangan ko ng kausap kaya kinausap ko na rin sila. Humanga ako sa paggamit nila ng Bibliya, kaya pumayag akong makipag-Bible study. Pagkaraan ng anim na buwan, dumalo ako ng pulong sa unang pagkakataon. Napakabait nila sa akin, kaya naitanong ko sa sarili ko, ‘Sila na kaya ang mga tunay na lingkod ng Diyos?’ Sumulong ako at nabautismuhan noong Abril 2014.
“Sising-sisi ako sa pang-uusig sa mga Saksi. Pero binigyan ako ni Jehova ng tsansang makabawi kahit paano. Sa isang pansirkitong asamblea noong Oktubre 4, 2014, ininterbyu ako tungkol sa pagiging salansang ko noon at tinanong, ‘Kung bibigyan ka ng pagkakataong humingi ng tawad sa sinuman sa mga pinag-usig mo, sino iyon?’ Sinabi ko agad na si Edmundo, pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Wala akong kamalay-malay na pinapunta pala siya ng tagapangasiwa ng sirkito sa likod ng stage. Napaiyak ang mga dumalo nang magyakap kami ni Edmundo sa stage habang lumuluha.”
“Diyos na Jehova, Matagpuan Po Sana Ako ng Iyong mga Saksi”
Tanghaling-tapat at tirik na ang araw nang matapos ng isang grupo ng mga sister sa Asunción, Paraguay, ang kanilang
teritoryo. Pero nagpasiya pa rin silang puntahan ang ilang bahay sa malapit. Sinabi ng isang Saksi, “Baka may isang nananalangin.” Paglapit sa isang bahay, isang babae sa may pinto ang bumati sa mga sister at nagtanong kung mga Saksi ni Jehova sila. Sinabi ng babae na galing siyang Bolivia at isang buwan pa lang siyang nakakalipat sa Paraguay dahil sa kaniyang trabaho. Nagba-Bible study siya sa Bolivia bago siya lumipat. Hindi alam ng mga bagong kapitbahay niya kung saan mahahanap ang mga Saksi, kaya nanalangin siya, “Diyos na Jehova, matagpuan po sana ako ng iyong mga Saksi.” Nang araw ding iyon, dumating ang mga sister at nag-iskedyul sila ng Bible study.