TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Mga Legal na Usapin
ARMENIA Nagbigay ng Alternatibong Serbisyong Pansibilyan Bilang Paggalang sa Kristiyanong Neutralidad
Noong 2013, pinasimulan ng gobyerno ng Armenia ang programa ng alternatibong serbisyong pansibilyan. Nagpapahintulot ito sa mga Saksi ni Jehova sa Armenia na pumili ng alternatibong serbisyo sa halip na mabilanggo dahil sa pagtangging maglingkod sa militar udyok ng budhi. Noong Enero 2014, iniulat ng sangay na 71 brother ang nagsimulang magserbisyo sa ilalim ng bagong kaayusang ito. Halimbawa, may mga brother na a Isang brother ang nagsabi, “Nagpapasalamat kami kay Jehova dahil nakakagawa kami ng alternatibong serbisyong pansibilyan, na tumutulong para maingatan ang aming neutralidad at maging malaya sa pagsamba sa kaniya.”
inatasang magtrabaho sa kusina o tumulong sa mga nars sa ospital. Nagustuhan ng mga tagapangasiwa ng programa ang saloobin at paggawi ng mga brother sa kanilang trabaho gaanuman ito kahirap. Tuwang-tuwa ang mga brother sa probisyong ito ng serbisyong pansibilyan dahil napananatili nilang malinis ang kanilang budhing Kristiyano.DOMINICAN REPUBLIC Kinilala ang Kauna-unahang Kasalan ng mga Saksi
Noong 1954, pinirmahan ng Dominican Republic at ng Vatican ang isang kasunduan na nagsasabing ang Simbahang Katoliko lang ang may karapatang magkasal. Kung hindi Simbahang Katoliko ang magkakasal sa magkasintahan, isang opisyal mula sa Civil Registry ang magkakasal sa kanila. Pero noong 2010, pinagtibay ng gobyerno ang isang bagong konstitusyon na nagbibigay ng karapatang ito sa mga kuwalipikadong kinatawan ng ibang relihiyon. Nag-organisa ang gobyerno ng pagsasanay para sa mga gustong magkaroon ng lisensiya. Kaya pumili ang tanggapang pansangay sa Dominican Republic ng 30 elder para magsanay. Sa mahigit 2,000 indibiduwal na nag-aplay para magkaroon ng lisensiya, 32 lang ang nakatanggap nito. Gayunman, lahat ng 30 elder ay nagkaroon ng lisensiya para magkasal sa mga Saksi.
INDIA Determinadong Mangaral Nang Walang Takot
Noong Enero 27, 2014, opisyal na sinabi ng Karnataka State Human Rights Commission na nilabag ng Police Sub-Inspector (PSI) ng Old Hubli Police Station sa Karnataka ang mga karapatang pantao ni Brother Sundeep Muniswamy dahil hindi siya pinroteksiyunan ng PSI mula sa pang-uumog sa kaniya noong Hunyo 28, 2011. Pinapanagot ng Komisyon ang PSI dahil sa paglabag
nito sa mga karapatang pantao. Bukod sa pag-uutos sa gobyerno ng Karnataka na disiplinahin ang PSI, pinagbayad din ito ng 20,000 rupee ($326 U.S.) kay Brother Muniswamy. Inutusan ng Komisyon ang gobyerno na ibawas ang halagang iyon sa suweldo ng PSI.Sinabi ni Brother Muniswamy na siya at ang pamilya niya ay nagpapasalamat kay Jehova dahil sa pambihirang desisyong ito, at sila’y determinadong patuloy na ipangaral ang mabuting balita nang walang takot. Napatibay ng desisyong iyon ang pananampalataya ng mga kapatid at ang pagtitiwala nila sa kakayahan ni Jehova na protektahan ang kaniyang bayan. Isa rin itong matinding mensahe sa mga awtoridad na protektahan ang mga karapatang pantao ng mga Saksi ni Jehova sa Karnataka. Nakabinbin pa rin sa mga hukuman ang kaso ni Brother Muniswamy at ng isa pang brother, na kaugnay sa insidenteng iyon.
KYRGYZSTAN Itinaguyod ng Constitutional Chamber of the Supreme Court ang Karapatang Tumangging Magsundalo Dahil sa Budhi
Isang napakahalagang petsa para sa mga tumatangging magsundalo ang Nobyembre 19, 2013. Nagbaba ng desisyon ang Constitutional Chamber of the Supreme Court tungkol sa kaso ng 11 Saksi ni Jehova at sinabing labag sa konstitusyon ang programa ng Kyrgyzstan sa alternatibong serbisyo. Ayon sa batas, ang mga nagsasagawa ng alternatibong serbisyo ay dapat magbayad sa militar para gamitin sa mga gawain nito. Hinihiling din ng batas na pagkatapos ng alternatibong serbisyo, dapat silang magpa-enrol sa hukbong sandatahan bilang mga reserbang sundalo. Sinabi ng Constitutional Chamber na ang pamimilit na iyan ay isang paglabag sa karapatan sa kalayaan sa relihiyon. Pagkaraan, noong mga unang buwan ng 2014, ipinatupad ng Korte Suprema ng Kyrgyzstan ang desisyon ng Constitutional Chamber at pinawalang-sala ang 14 sa mga Saksi ni Jehova na hinatulan ayon sa naunang batas. Dahil sa mga desisyong iyan, natapos din ang pitong-taóng pakikipaglaban para makamit ang kalayaan sa
relihiyon bilang mga tumatangging magsundalo. Ang determinasyon ng mapagpayapang mga kabataang ito ay nagdulot ng kaluwalhatian sa pangalan ni Jehova at ng kalayaan sa pagsamba sa Kyrgyz Republic.NIGERIA “Ginantimpalaan Ako ni Jehova”
Sa Abia State ng Nigeria, madalas na pinagbabantaan at nilalayuan ang mga Saksi ni Jehova dahil ayaw nilang sumali sa mga age-grade association b—na nagsasagawa ng karahasan at mga espiritistikong ritwal. Isang umaga noong Nobyembre 2005, pinasok ng mga miyembro ng age-grade association ng Asaga Ohafia ang bahay ng mag-asawang Brother at Sister Emmanuel Ogwo, at kinuha ang lahat ng kanilang ari-arian bilang kabayaran diumano sa buwis na ipinapataw sa mga miyembro nito. Walang natira sa mag-asawa kundi ang suot nilang damit. Noong 2006, pinalayas ng mga mamamayan sina Brother Ogwo sa kanilang tahanan at nayon. Nakituloy sila sa isang brother sa kabilang nayon at kinupkop sila nito. Nakabalik naman ang mag-asawa sa kanilang tahanan nang sumunod na taon, pero patuloy pa ring nagtitiis si Brother Ogwo sa panggigipit na sumali sa age-grade association, at binale-wala ang pakiusap niyang ibalik ang mga ari-arian nila.
Sa wakas, noong Abril 15, 2014, nagdesisyon ang Abia State High Court pabor kay Brother Ogwo. Itinaguyod nito ang kaniyang konstitusyonal na karapatang umanib sa anumang asosasyon at relihiyon. Isinauli kay Brother Ogwo ang mga ninakaw na ari-arian, hindi na masyadong nilalayuan ang mga Saksi tulad noon, at malaya nang nakapangangaral ang mga kapatid sa Asaga Ohafia.
Nang ibaba ng korte ang desisyon, sinabi ni Brother Ogwo: “Napalukso ako sa tuwa. Ang saya-saya ko. Pakiramdam ko’y naipanalo ni Jehova ang kaso at kasama ko ang mga anghel. Ginantimpalaan ako ni Jehova.”
RUSSIA Desisyong Pabor sa jw.org
Ang maraming usapin sa batas na napapaharap sa mga kapatid natin sa Russia ay “naging para sa ikasusulong ng mabuting balita” sa bansang iyon. (Fil. 1:12) Kahit matindi ang pagsalansang ng ilang opisyal ng gobyerno at relihiyosong mga lider, ang mga kapatid natin sa Russia ay nananatiling tapat, at pinagpapala ni Jehova ang kanilang mga pagsisikap.
Ang isang indikasyon nito ay ang tagumpay na nangyari sa lunsod ng Tver’. Noong 2013, dumulog sa korte ang tanggapan ng tagausig ng Tver’ para ipagbawal sa buong Russia ang jw.org. Nagbaba ng hatol ang korte pabor sa tagausig nang hindi man lang ipinaalam sa sinumang kinatawan ng mga Saksi ni Jehova ang tungkol sa paglilitis. Nalaman ng mga kapatid natin ang desisyon ng korte kaya umapela sila. Noong Enero 22, 2014, binaligtad ng
Tver’ Regional Court ang desisyon ng mababang hukuman at pinaboran tayo. Dahil kay Jehova at sa panalangin ng mga kapatid sa buong mundo, tinatamasa na ngayon ng karamihan sa mga kapatid natin sa Russia ang maraming espirituwal na pakinabang sa paggamit ng jw.org.TURKEY Hindi Pa Rin Kinikilala ang Karapatang Tumangging Maglingkod sa Militar Dahil sa Budhi
Si Bariş Görmez, isang Saksi ni Jehova sa Turkey, ay mahigit apat na taon nang nakabilanggo dahil sa pagtangging maglingkod sa militar. Habang nakabilanggo, tiniis niya ang paninipa at pamamalo ng mga pulis-militar. Nahirapan din siya sa loob ng selda. Dahil pitong talampakan ang taas ni Brother Görmez, hindi siya magkasya sa higaan, kaya napilitan siyang matulog nang pahalang at nakabaluktot sa dalawang higaan. Nang maglaon, pinayagan siya ng mga nangangasiwa sa bilangguan na magkaroon ng mas malaking higaan na ibinigay ng kongregasyon doon.
Noong 2008, si Brother Görmez at ang tatlo pang Saksi ay nagsumite ng aplikasyon sa European Court of Human Rights na nagsasabing nilabag ng Turkey ang kanilang kalayaan sa relihiyon dahil hindi nito kinilala ang kanilang karapatang tumangging maglingkod sa militar. Noong Hunyo 3, 2014, nagdesisyon ang Korte pabor sa apat na Saksi c at inutusan nito ang pamahalaan ng Turkey na magbigay ng bayad-pinsala sa mga brother na ito. Iyan ang ikatlong pagkakataong pinaboran ng European Court ang mga Saksi ni Jehova laban sa Turkey tungkol sa isyung ito. Sa kasalukuyan, wala nang nakabilanggong Saksi ni Jehova sa Turkey, pero hindi pa rin lubos na malulutas ang isyu hangga’t hindi kinikilala ng Turkey ang karapatan nating tumangging maglingkod sa militar dahil sa budhi.
Follow-Up sa mga Nakaraang Ulat
Azerbaijan: Ang mga kapatid ay dumaranas pa rin ng paglusob ng mga pulis sa kanilang mga pulong, pagsesensor sa kanilang mga relihiyosong literatura, pag-aresto habang nangangaral, at iba pang paglabag sa mga karapatang pantao. Samantala, tinatanggihan pa rin ng gobyerno ang muling pagpaparehistro ng Religious Community of Jehovah’s Witnesses. Labinsiyam na aplikasyon na ang nai-file sa European Court of Human Rights laban sa Azerbaijan tungkol sa mga isyung ito. Sa kabila ng mga problemang ito, kitang-kita pa rin ang pagpapala ni Jehova dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mamamahayag. Ang paglalabas ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Azerbaijani ay isa pang dahilan para magalak.
Eritrea: Sa bansang iyan, ang mga kapatid natin ay tapat pa ring naglilingkod kay Jehova habang nagbabata ng matinding pag-uusig. Tatlong brother, sina Paulos Eyassu, Isaac Mogos, at Negede Teklemariam ang 20 taon nang nakabilanggo—mula Setyembre 24, 1994. Inaresto ng mga awtoridad sa Eritrea ang mga 150 Saksi at mga interesado habang ginaganap ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo noong Abril 14, 2014. Ang edad ng mga inaresto ay mula isang taon at apat na buwan hanggang mahigit 85 taon. Inaresto ng mga awtoridad ang mga 30 pang Saksi at mga interesado habang ginaganap ang espesyal na pahayag noong Abril 27, 2014. Napalaya na ang karamihan sa kanila.
Kazakhstan: Hindi pinahintulutan ng Agency for Religious Affairs na i-import o ipamahagi ang 14 sa ating mga publikasyon sa teritoryo ng Republic of Kazakhstan. Hindi rin pinahihintulutan ang mga kapatid na gawin sa labas ng kanilang rehistradong mga dako ng pagsamba ang pagbabahagi ng kanilang mga paniniwala, at mga 50 kapatid ang nahatulan dahil sa diumano’y ilegal na gawaing pagmimisyonero. Para ipaglaban ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag, 26 na reklamo ang isinampa sa United Nations Human Rights Committee.