PANGANGARAL AT PAGTUTURO SA BUONG LUPA
Europa
-
LUPAIN 47
-
POPULASYON 741,311,996
-
MAMAMAHAYAG 1,611,036
-
PAG-AARAL SA BIBLIYA 847,343
Bumisita sa Kingdom Hall ang Klase
Narinig ni Ines, isang estudyanteng nasa ikaapat na baytang sa Finland, na tatalakayin ng klase nila ang tungkol sa mga Saksi ni Jehova bilang bahagi ng pagtuturo sa relihiyon. Kaya naisip niyang yayain sa Kingdom Hall ang klase nila. Nagandahan sa ideyang iyon ang mga kaklase niya at ang titser nila.
Nang sumunod na linggo, 38 estudyante ang namisikleta nang Mateo 6:10 ang tinutukoy nila.
mga tatlong milya papuntang Kingdom Hall. Sumama rin ang dalawang titser at ang kanilang prinsipal. Dalawang brother at tatlong sister ang sumalubong sa kanila sa Kingdom Hall. Habang nagmemeryenda, nagtanong ang mga estudyante tungkol sa Kingdom Hall at sa mga Saksi: “Ano po ba’ng ginagawa kapag may mga pulong?” “Para saan po ‘yong kuwartong ‘yon?” Library ang tinutukoy nila. “Bakit po may ‘six divided by ten’ sa dingding?” Taunang teksto saDahil kasali ang paaralan sa isang proyekto para maiwasan ang pambu-bully sa paaralan, ipinapanood ng mga brother ang whiteboard animation video na Talunin ang Bully Nang Hindi Nakikipag-away, sa jw.org. Ipinapanood din nila ang iba pang mga seksiyon ng ating website at pinatugtog ang isang awiting pang-Kaharian. Inabot nang mga isang oras ang pagbisitang iyon.
Tuwang-tuwa ang prinsipal, mga titser, at mga bata sa pagbisitang iyon. Nagustuhan ng prinsipal ang materyal sa ating website dahil naisip niyang magagamit iyon sa mga leksiyon tungkol sa relihiyon. Natuwa siya nang marinig niyang puwede ring bumisita sa Kingdom Hall ang ibang mga klase. Kaya kinabukasan, nakipag-ugnayan agad sa mga Saksi ang isang titser ng ibang klase at nagtanong kung puwede rin silang bumisita sa Kingdom Hall.
Nakakita Siya ng Kayamanan sa Tambakan ng Basura
Si Cristina, nakatira sa Romania, ay hindi kailanman nakapag-aral kung kaya hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Napakahirap ng buhay niya at para kumita, naghahanap siya ng mga lata at bote mula sa tambakan ng basura. Isang araw, habang ginagawa niya ito, may napansin siya
Nang maglaon, may nakausap siyang mga Saksi, at nakipag-aral siya ng Bibliya. Tuwang-tuwa siyang malaman na inilapit siya ni Jehova sa Kaniya sa pamamagitan ng mga publikasyong hindi man lang pinahalagahan ng ibang mga tao. Dumalo siya sa mga pulong ng kongregasyon at namangha sa kaniyang mga natututuhan. Ang isa sa talagang nagpasaya sa kaniya ay na puro bago na ang kaniyang mga magasin, aklat, at mga brosyur. Hindi na niya kailangan pang hanapin ang mga ito sa basurahan. Oo, nakakita si Cristina ng kayamanan sa tambakan ng basura!
Bible Study sa “Gubat”
Tuwing umaga, laging namamasyal si Margret sa isang gubat sa Germany kasama ang aso niya. “Sinisikap kong kausapin ang mga nagdaraan,” ang sabi niya. “Kapag angkop, inaakay ko sa Bibliya ang pag-uusap.”
Isang araw, may nakilala si Margret na babaeng mahigit 70 anyos na, habang ipinapasyal din nito ang kaniyang aso. Sinimulan ni Margret ang pakikipag-usap. Nasiyahan ang babae sa pag-uusap nila at sinabi niya kay Margret na nananalangin siya sa Diyos at nagbabasa ng Bibliya araw-araw. Mula noon, lagi na silang nagkikita at nag-uusap tungkol sa espirituwal na mga bagay. Isang araw, tinanong ng babae si Margret: “Bakit ang dami-dami mong alam sa Bibliya?” Sinabi ni Margret na isa siyang Saksi ni Jehova.
Ilang beses nang inaalok ni Margret ang babae na mag-Bible study sila sa bahay nito, pero tumatanggi ang babae. Gayunman, nag-uusap pa rin sila. Makalipas ang ilang buwan, inalok ulit siya ni Margret. Sa pagkakataong ito,
ipinagtapat ng babae na natatakot siyang mag-aral ng Bibliya sa bahay nila dahil ayaw ng lalaking kinakasama niya sa mga Saksi ni Jehova.Nang mamasyal ulit si Margret sa gubat, nagdala siya ng Bibliya at ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Nang makita niya ang babae, lakas-loob niyang sinabi: “Hindi na po Bible study sa bahay ang iaalok ko sa inyo kundi Bible study sa ‘gubat.’ ” Lumuluhang tinanggap agad iyon ng babae. Anim na araw sa isang linggo, dumarating siya para mag-Bible study sa “gubat.” Depende sa klima at lagay ng panahon, kung minsan ay nakapayong at naka-flashlight si Margret habang nagdaraos ng Bible study.
Nakalilitong Pag-iling
Isang sister na nagngangalang Delphine ang nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya kay Irina sa Bulgaria. Gustong-gusto ni Irina ang natututuhan niya at regular siyang dumadalo sa mga pulong. Pero ayaw ng asawa ni Irina na magkaroon ito ng anumang ugnayan sa mga Saksi. Inilipat niya ang kaniyang pamilya sa isang maliit na nayon sa Sweden, at nawalan na ng kontak si Irina kay Delphine. Pero dalawang payunir, sina Alexandra at Rebecca, ang nakatagpo kay Irina. Hindi siya marunong ng wikang Swedish, kaya ipinabasa nila sa kaniya ang mensahe sa buklet na Good News for People of All Nations sa wikang Bulgarian. Pagkatapos, sa tulong ng buklet, tinanong nila siya kung gusto niyang magkaroon ng mga literatura sa wika niya. Mabilis na umiling si Irina. Umalis ang mga sister, na nag-aakalang hindi siya interesado.
Nang maglaon, naalaala ni Alexandra na si Linda, isang sister na taga-Sweden na naglilingkod sa Bulgaria, ay darating sa loob ng ilang linggo para magbakasyon. Naisip niyang baka makatulong kung maririnig ni Irina ang katotohanan sa sarili niyang wika. Nang dumating si Linda,
dinalaw nila si Irina. Sinabi ni Irina kay Linda na noon pa siya nananalangin gabi-gabi kay Jehova na sana’y tulungan siyang maipagpatuloy ang pag-aaral sa Bibliya. Madalas niyang dala ang kaniyang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa wikang Bulgarian. Gusto niya sanang ipakita ito sa mga Saksi kung may makikita siya sa lansangan, pero wala pa siyang nakikitang Saksi. Tuwang-tuwa si Irina nang makatanggap siya ng higit pang literatura sa wikang Bulgarian!Tinanong ni Linda si Alexandra kung bakit niya nasabing hindi interesado si Irina. Sinabi ni Alexandra na umiling kasi si Irina noon. Napangiti si Linda at ipinaliwanag niyang kapag tumango ang mga taga-Bulgaria, ibig sabihin, ayaw nila at kapag umiling naman, ibig sabihin, gusto nila. Kaya hangga’t hindi pa marunong ng wikang Swedish si Irina, ipinagpatuloy niya ang pakikipag-aral ng Bibliya sa wikang Bulgarian. Paano? Nagkausap ulit sila ni Delphine at nag-aaral sila sa pamamagitan ng videoconference.
Mabuting Halimbawa ng Isang Ama
Si Jemima, nakatira sa Spain, ay naturuan ng katotohanan noong bata pa siya. Pero sa edad na pito, biglang nagbago ang kaniyang buhay. Nagdesisyon ang nanay niya na ayaw na nitong maging Saksi ni Jehova at nakipagdiborsiyo sa tatay niya. Sa edad na 13, huminto na si Jemima sa pakikisama sa mga Saksi at ayaw niyang tumanggap ng anumang espirituwal na tulong mula sa tatay niya.
Habang lumalaki si Jemima, nakisama siya sa mga kilusang panlipunan at politikal, na naghahanap ng “katarungan” para sa karaniwang mga tao. Nang maglaon, kinailangan niyang magtrabaho. Inalok siya ng tatay niyang si Domingo na magtrabahong kasama niya bilang pintor.
Isang araw, habang nagtatrabaho sila, inalok ni Domingo si Jemima ng pag-aaral sa Bibliya. Pero tumanggi ito, at
sinabing kung interesado na siya, ipaaalam niya ito sa kaniya. Nakikinig si Domingo ng mga rekording sa Bibliya at magasin habang nagpipintura, pero mas gusto ng anak niya na makinig ng pop music gamit ang earphones niya.Noong Nobyembre 2012, si Domingo, na muling nag-asawa, ay tumanggap ng imbitasyon para mag-aral sa Bible School for Christian Couples. Humanga si Jemima sa desisyon ng ama na mag-aral sa isang paaralan sa Bibliya sa loob ng dalawang buwan, at pagkatapos ay iwan ang lahat at pumunta saanman siya atasan. Sa unang pagkakataon, napag-isip-isip ni Jemima na talagang malalim ang pagkakaugat ng katotohanan sa puso ng tatay niya, at gusto niyang malaman kung bakit.
Huminto na si Jemima sa pakikinig ng musika niya at nagsimulang makinig sa mga rekording ng tatay niya. Nagtatanong na rin siya. Isang araw, habang nagpipintura si Domingo, sinabi ni Jemima: “Hindi po ba nabanggit ko sa inyo noon na sasabihin ko kapag handa na akong mag-aral ng Bibliya? Ngayon na po ‘yon.”
Tuwang-tuwa si Domingo nang marinig niya iyon. Noong Enero 2013, sinimulan nila ang pag-aaral dalawang beses sa isang linggo. Nagsimula ang klase ng Bible School for Christian Couples noong Abril, kaya itinuloy nila ang pag-aaral sa pamamagitan ng videoconference. Dumalo si Jemima sa graduation nito, at gustong-gusto niya ang programa. Noong Disyembre 14, 2013, nabautismuhan si Jemima.
“Patuloy na nagpasensiya si Jehova sa akin, at hinding-hindi niya ako pinabayaan,” ang sabi ni Jemima. “Ibinigay niya sa ‘kin ang isang bagay na hindi ko kailanman nakuha sa mundong ito
Ang Kapangyarihan ng Paggalang
Noong Marso 30, 2014, si Vasilii, matagal nang miyembro ng pamilyang Bethel sa Russia, ay nagpapatotoo malapit sa tanggapang pansangay gamit ang isang cart ng literatura nang dumating ang kotse ng pulis. Bumaba ang isang pulis at magalang na pinahinto si Vasilii sa ginagawa niya, dahil sa mga reklamo ng ilang nakatira doon. Samantala, ibini-video naman ng isa pang pulis ang pag-uusap na iyon. Minabuti ni Vasilii na sundin na lang ang pulis at huwag nang igiit ang mga karapatan niya. Sa panahong iyon, mayroon nang ilang nag-uusyoso sa nangyayari. Umalis na lang si Vasilii. Pero pagkalipas ng dalawang araw, humiling siyang makipagpulong sa hepe ng pulis, at pumayag naman ito. Sa pagpupulong, pinasalamatan niya ang hepe sa mahalagang serbisyong ginagawa ng mga pulis para sa komunidad, at sa kanilang magalang na pakikipag-usap sa kaniya dalawang araw na ang nakararaan. Lumingon ang hepe sa kaniyang assistant at sinabi, “Sa loob ng 32 taon kong pagseserbisyo, ngayon ko lang narinig na pinasalamatan tayo sa ating trabaho!” Sa kanilang pag-uusap, naunawaan ng hepe na legal ang ating pangangaral sa publiko. Tinanong ng hepe si Vasilii kung bakit hindi ito tumutol noong pahintuin ng mga pulis ang kaniyang ginagawa, gayong alam naman niyang legal ito. Sumagot si Vasilii: “Iginagalang ko po ang mga pulis. Ano na lang po kaya ang magiging tingin sa kanila ng mga nag-uusyoso kung aakusahan ko silang hindi nila alam ang batas?” Hangang-hanga ang hepe at ang assistant niya, at tiniyak nila kay Vasilii na sa susunod, hindi na siya magkakaproblema sa paggamit niya ng cart ng literatura.