TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
JW.ORG—“Patotoo sa Lahat ng mga Bansa”
Sinabi ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mat. 24:14) Ang Web site na jw.org ay talagang napakainam na paraan para maabot ang “lahat ng mga bansa” sa maikling panahong natitira bago dumating ang wakas.
Isang mag-asawang misyonero sa Solomon Islands ang nangangaral sa isang nayon na pangingisda ang kabuhayan. May nakausap silang apat na may-edad na lalaki na may mga cellphone. Tinanong ng mag-asawa kung marunong silang mag-Internet. Marunong nga sila. Ipinakita ng Pray Anytime. Tuwang-tuwa ang isang grupo ng mga bata nang mapanood ito, at habang patungo sa gubat, kumakanta sila ng “Anytime, anywhere, I can pray . . . ”
mag-asawa kung paano pumunta sa jw.org, kung paano hanapin ang wika nila, kung paano mag-download ng mga magasin at Bibliya, at kung paano gamitin ang mga seksiyon para sa pamilya at bata. Kapag nangangaral ang mga misyonerong ito, ipinapanood din nila sa mga bata ang video naAng sumusunod ay ilan lamang sa maraming liham ng pasasalamat na natanggap ng ating punong-tanggapan sa New York:
“Lumipat kami ng mister ko sa Mexico, at nag-aaral kami ng Spanish para mapangaralan namin ang lahat ng taong nakikilala namin. Sa tuwing pupunta ako sa jw.org, nagpapasalamat ako kay Jehova kasi nakatulong ito para lagi akong makapakinig at matuto. Ang daming magasin, aklat, musika, at drama na makukuha sa maraming wika. Mahal ko kayo at salamat sa lahat ng ginagawa ninyo.”—D.H., Mexico.
“Halos bulag na ako, kaya gustung-gusto ko ang Web site n’yo kasi ang daming rekording na puwede kong pakinggan. Sumulat ako para sabihing maglagay pa sana kayo ng MP3 format (audio file) ng mas maraming aklat, brosyur, at iba pang nakaimprentang materyal para may mapapakinggan ako sa buong araw.”—K.G., Estados Unidos.
“Gustung-gusto ko ang jw.org! Madali itong gamitin at natulungan ako nitong maging mas ganado sa aking personal na pag-aaral at ministeryo. Ako’y 72 anyos, 47 taon nang bautisado, at nakapagpayunir nang mahigit 30 taon. Meron akong 9 na anak na bautisado lahat, 16 na apo,
at 3 apo-sa-tuhod. Apat na henerasyon na ang mga regular pioneer sa aming pamilya. Nagpapasalamat ako kay Jehova sa napapanahong espirituwal na pagkaing ito.”—M.T., Estados Unidos.
“Alas-kuwatro ng umaga ngayon habang isinusulat ko ang liham na ito. Madalas akong hindi makatulog sa gabi dahil sa multiple sclerosis at iba ko pang dinaramdam, gaya rin ng sitwasyon ng marami nating mahal na mga kapatid sa buong daigdig. Buti na lang, hindi kami pinababayaan ni Jehova sa espirituwal na paraan, at iyan ang dahilan kung bakit ako nagpapasalamat sa inyo. Kapag may mga picture, mas nakakapag-isip ako kaya malaking tulong sa akin ang layout ng Web site. Gustung-gusto ko ang mga graph, video clip, at picture na may maiikling paliwanag.”—B.B., New Zealand.
“Sumulat ako para magpasalamat. Doktor ako sa isang liblib na lugar sa Sri Lanka, at hindi ako nakakatanggap ng mga magasin sa wika ko. Pero dahil sa inyong Web site, puwede
na akong mag-download at magbasa sa sarili kong wika. Ang inyong Web site ay isa sa pinakamagagandang regalo ni Jehova sa mga taong tulad ko.”—N.F., Sri Lanka.
“Sumulat po ako para magpasalamat sa lahat ng ginagawa ninyo para makilala ng mga tao si Jehova. Sana po gumawa pa kayo ng maraming video sa jw.org. Nakakatulong ang mga ito sa pamilya namin kapag may mga problema kami. Malaking tulong po sa akin ang video na Beat a Bully Without Using Your Fists. Salamat po ulit sa lahat.”—Y.S., edad 9, Estados Unidos.
“Salamat sa inyo at kay Jehova sa espirituwal na pagkaing tinatanggap namin. Napakalaking tulong sa akin ng Web site na jw.org, lalo na ang seksiyong ‘Tin-edyer.’ Gusto ko rin ang seryeng Maging Kaibigan ni Jehova. May tatlo akong maliliit na kapatid na babae, at nakita kong maganda ang epekto nito sa kanila. Kahit magkakalayo tayo, nagkakaisa pa rin tayo bilang magkakapatid dahil sa pag-ibig natin kay Jehova. Salamat.”—A.B., Peru.