DISYEMBRE 6, 2023 | UPDATED: MARSO 7, 2025
RUSSIA
UPDATE—NAKULONG ANG KAPATID | “Tapat Anumang Pagsubok ang Dumating”
Noong Marso 6, 2025, sinentensiyahan ng Kaltanskiy District Court of the Kemerovo Region si Brother Aleksandr Tsikunov na mabilanggo nang anim na taon. Agad siyang ibinilanggo pagkagaling sa korte.
Profile
Laking pasasalamat natin sa maraming tapat na lingkod ni Jehova. Ipinapaalala nila na walang sinumang nagtitiwala sa kaniya at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ang mabibigo.—Roma 10:11.
Time Line
Abril 27, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Mayo 2, 2021
Hinalughog ang bahay. Idinitine at ikinulong bago pa man litisin
Mayo 4, 2021
Pinalaya mula sa pagkakakulong at inilagay sa house arrest
Hunyo 24, 2021
Pinalaya mula sa house arrest at hindi pinayagang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 25, 2023
Nagsimula ang paglilitis