SETYEMBRE 29, 2020
RUSSIA
Kaso ni Sister Yelena Barmakina, Ibinalik ng Judge sa Prosecutor Dahil sa Kakulangan ng Ebidensiya
Noong Setyembre 29, 2020, ang Pervorechenskiy District Court ng Vladivostok ay hindi nagbaba ng hatol sa kaso ni Sister Yelena Barmakina. Sa halip, ibinalik ng korte ang kaso sa prosecutor’s office. Ipinaliwanag ng judge na hindi sapat ang ebidensiya ng prosecutor para suportahan ang sinasabi nitong nasangkot si Sister Barmakina sa ekstremistang gawain. Puwedeng magsumite ng apela ang prosecutor sa naging desisyon. Hangga’t walang matibay na ebidensiya ang prosecutor’s office, hindi maipagpapatuloy ang pagdinig.