Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Sister Kishta Tutinova, Tsagan Khalgaeva, at Yekaterina Menkova

HUNYO 28, 2024
RUSSIA

Hinatulan ang Tatlong Sister sa Republic of Kalmykia, Russia

Hinatulan ang Tatlong Sister sa Republic of Kalmykia, Russia

Noong Hunyo 24, 2024, hinatulan ng Elista City Court of the Republic of Kalmykia sina Sister Tsagan Khalgaeva, Yekaterina Menkova, at Kishta Tutinova. Sina Tsagan at Yekatarina ay tumanggap ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Si Kishta naman ay tumanggap ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.

Profile

Pinahahalagahan natin ang makabagong-panahong mga halimbawang ito ng pananampalataya. At nagpapasalamat tayo na nakikita ni Jehova ang lahat ng ating pagsubok at gagantimpalaan niya ang ating katapatan.—Awit 37:18.

Time Line

  1. Pebrero 16, 2023

    Sinampahan ng kasong kriminal si Kishta

  2. Pebrero 28, 2023

    Hinalughog ang mga bahay. Dinala si Kishta sa isang temporary detention facility

  3. Marso 1, 2023

    Nawalan ng trabaho si Tsagan dahil maraming tao ang nakakaalam na akusado siya bilang isang kriminal. Pinalaya si Kishta mula sa temporary detention pero hindi pinayagang umalis ng bahay

  4. Hulyo 21, 2023

    Pinalaya si Kishta mula sa house arrest

  5. Disyembre 19, 2023

    Sinampahan ng kasong kriminal sina Yekaterina at Tsagan. Pareho silang pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  6. Pebrero 9, 2024

    Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar si Kishta

  7. Abril 1, 2024

    Nagsimula ang paglilitis

  8. Hunyo 24, 2024

    Nahatulan ng suspended prison sentence