Pumunta sa nilalaman

Si Brother Oleg Danilov

MARSO 31, 2021
RUSSIA

Brother Oleg Danilov, Sinentensiyahan na Mabilanggo Nang Tatlong Taon Matapos ang Mabilisang Paglilitis

Brother Oleg Danilov, Sinentensiyahan na Mabilanggo Nang Tatlong Taon Matapos ang Mabilisang Paglilitis

UPDATE | Hindi Tinanggap ng Korte sa Russia ang Apela ni Brother Oleg Danilov

Noong Mayo 25, 2021, hindi tinanggap ng Krasnodar Territory Court ang apela ni Brother Oleg Danilov. Mananatili ang orihinal na sentensiya sa kaniya na tatlong-taóng pagkabilanggo.

Hatol

Noong Marso 30, 2021, sinentensiyahan ng Abinskiy District Court ng Krasnodar Territory si Brother Oleg Danilov na mabilanggo nang tatlong taon. Mula sa korte, agad siyang dinala sa bilangguan.

Profile

Oleg Danilov

  • Ipinanganak: 1974 (Usolye-Sibirskoye, Siberia)

  • Maikling Impormasyon: Noong 1958, natutuhan ng lolo at lola niya sa mga Saksi ni Jehova na ipinatapon sa Siberia ang mga itinuturo ng Bibliya. Pinalaki sa pamilyang Saksi. Nabautismuhan noong 1991

  • Ikinasal kay Nataliya noong 1995. Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Mahilig silang mamasyal nang sama-sama at i-enjoy ang kalikasan

Kaso

Noong Abril 29, 2020, hinalughog ang bahay ni Brother Danilov. Walang nakitang ipinagbabawal na mga literatura ang mga pulis, pero kinumpiska nila ang cellphone at iba pang gamit ng pamilya. Kahit walang nakitang ebidensiya, inimbestigahan pa rin si Oleg noong Nobyembre 2020. Kasama sa mga sinasabing “krimen” niya ang pagtuturo tungkol sa relihiyon, pagpapahayag, at pakikibahagi sa talakayan sa Bibliya.

Noong Disyembre 2, 2020, 6:00 n.u., ni-raid ulit at hinalughog nang husto ang bahay ni Oleg. Pagkatapos, dinala siya sa presinto at pinagtatanong.

Minadali ng korte ang paglilitis kay Oleg. Kaya noong Marso 23, 2021, humarap siya sa korte. Ang imbestigador na si O. I. Komissarov ang siya ring nag-imbestiga sa 63-taóng-gulang na si Brother Aleksandr Ivshin. Sa ngayon, si Brother Ivshin ang may pinakamahabang sentensiya—pito’t-kalahating-taóng pagkabilanggo—na ipinataw sa kaniya matapos ang mabilisang paglilitis noong Pebrero 2021.

Napakahirap ng pinagdadaanan ni Oleg at ng pamilya niya. Pero alam natin na hindi lilimutin ng Diyos na Jehova ang ginagawa nila at ang pag-ibig na ipinapakita nila para sa pangalan Niya.—Hebreo 6:10.