Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 5, 2019
PILIPINAS

Niyanig ng Lindol ang Pilipinas

Niyanig ng Lindol ang Pilipinas

Noong Hulyo 27, 2019, niyanig ng dalawang lindol ang maliit na isla ng Itbayat sa Pilipinas, mga 690 kilometro pahilaga mula sa Manila. Ang mga lindol ay may magnitude na 5.4 at 6.4, na pumatay ng 9 na katao at puminsala ng 64. Winasak din ng mga ito ang 266 na bahay. Ayon sa report ng mga opisyal, 2,968 katao ang naapektuhan ng mga lindol.

Walang kapatid ang namatay. Pero may isang sister na nasugatan. Dalawang bahay rin ng kapatid ang matinding napinsala.

Ang tanggapang pansangay ay bumuo ng isang Disaster Relief Committee, at ito ang nag-oorganisa sa pagbili at pamamahagi ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at tubig. Bibisitahin ng mga kinatawan ng tanggapang pansangay ang mga kapatid na naapektuhan para patibayin at tulungan.

Ipinapalangin natin ang mga kapatid na naapektuhan ng lindol. Alam nating si Jehova, “ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan,” ay patuloy na aalalay sa ating mga kapatid.—2 Corinto 1:3.