PEBRERO 17, 2022
MADAGASCAR
Pininsala ng Bagyong Batsirai ang Madagascar
Noong Pebrero 6, 2022, tumama ang Bagyong Batsirai na may malalakas na hangin na 235 kilometro kada oras sa timog-silangang baybayin ng Madagascar. May ilang tao na namatay at libo-libo ang nagsilikas dahil sa bagyo. Nagdulot din ito ng mga pagbaha at nag-iwan ng malaking pinsala.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay
407 kapatid ang nagsilikas
35 bahay ang bahagyang nasira
19 na bahay ang malubhang nasira
35 bahay ang nawasak
4 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Ang Komite ng Sangay ay nag-atas ng 20 Disaster Relief Committee para organisahin ang pagtulong
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ay naglaan ng pampatibay loob sa mga kapatid. Nagsaayos ang mga kapatid ng pansamantalang tirahan, namahagi ng pagkain, at iba pang praktikal na tulong
Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19
Nagtitiwala tayo na si Jehova ay magiging “ligtas na kanlungan” ng ating mga kapatid sa mahihirap na panahong ito.—Awit 18:2.