Privacy Settings

Para sa pinakamagandang digital experience, gumagamit kami ng mga cookies at katulad na mga teknolohiya. Ang ilang cookies ay kailangan para gumana ang aming website at hindi puwedeng tanggihan. Puwede mong tanggapin o tanggihan ang iba pang cookies na ginagamit para mas mapaganda ang digital experience mo. Hinding-hindi ipagbibili o gagamitin sa marketing ang alinmang bahagi ng data na ito. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Global Policy sa Paggamit ng Cookies at Katulad na mga Teknolohiya. Puwede mong baguhin ang settings mo anumang oras. Magpunta sa Privacy Settings.

Pumunta sa nilalaman

HUNYO 28, 2017
KAZAKHSTAN

Pinagtibay ng Kazakhstan Court ang Di-makatarungang Hatol kay Teymur Akhmedov

Pinagtibay ng Kazakhstan Court ang Di-makatarungang Hatol kay Teymur Akhmedov

Noong Hunyo 20, 2017, ibinasura ng Astana City Court ang apela ni Teymur Akhmedov sa kasong kriminal na isinampa laban sa kaniya, at pinagtibay ang limang-taóng pagkabilanggo at karagdagang tatlong-taóng pagbabawal sa kaniyang relihiyosong gawain. Isang abogado ng international human rights na naroroon sa korte noong Hunyo 20, ay nagsabi: “Isa itong pagpilipit sa katarungan dahil napakaraming ebidensiya ang sumusuporta kay Mr. Akhmedov.” Pinag-iisipan ng kaniyang mga abogado na umapela pa.

Noong Enero 2017, inaresto at ikinulong ng mga opisyal ng National Security Committee si Mr. Akhmedov dahil sa paratang na ilegal na relihiyosong gawain. Nakakulong pa rin siya hanggang sa paglilitis sa kaniya noong Mayo 2, 2017, nang di-makatarungang hatulan siya ng Saryarkinskiy District Court batay sa Article 174 (2) ng Criminal Code ng Kazakhstan, na nagpaparusa sa panunulsol ng pagkapoot sa ibang relihiyon. Mariing tinutulan ni Mr. Akhmedov ang maling paratang, na ikinakatuwirang ipinahahayag lang niya ang kaniyang relihiyosong paniniwala at pag-ibig sa kaniyang kapuwa. Ang pagsasabi ng relihiyosong paniniwala ay isang mahalagang karapatan na iginagarantiya ng Konstitusyon ng Kazakhstan at ng mga ahensiya ng international human rights na obligadong sundin ng Kazakhstan.