Pumunta sa nilalaman

ABRIL 6, 2016
HUNGARY

Plake sa Holocaust Memorial Center sa Hungary Pinarangalan ang mga Saksing Pinatay ng mga Nazi

Plake sa Holocaust Memorial Center sa Hungary Pinarangalan ang mga Saksing Pinatay ng mga Nazi

BUDAPEST, Hungary—Pinarangalan ng Holocaust Memorial Center sa Budapest sa isang pang-alaalang plake ang apat na Saksi ni Jehova na nanindigan sa harap ng pag-uusig noong panahon ng mga Nazi. Ginanap ang seremonya ng pag-aalis ng takip sa plake noong Disyembre 11, 2015.

Plake na gumugunita sa apat na Saksi ni Jehova na pinatay ng mga Nazi noong Digmaang Pandaigdig II.

Ang apat na lalaki, sina Lajos Deli, Antal Hönisch, Bertalan Szabó, at János Zsondor ay hayagang pinatay ng Hungarian Arrow Cross Nazi Party sa mga lunsod ng Körmend at Sárvár sa Hungary noong Marso 1945 dahil sa pagtangging magsundalo noong Digmaang Pandaigdig II. Nakasulat sa plake ang kanilang mga pangalan kasama ang pananalita sa Bibliya sa Gawa 5:29, “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”

Si Dr. Csaba Latorcai, deputy state secretary for priority social affairs sa Hungary, habang nagsasalita sa seremonya.

Sinabi ni Dr. Csaba Latorcai, deputy state secretary for priority social affairs, sa pasimula ng kaniyang diskurso: “Ginugunita sa plake ang apat na kabataang lalaki na mga Saksi ni Jehova,  . . . sila, bilang mga Saksi ni Jehova, ay sumunod sa utos na ‘huwag kang papatay’ at nakinig sa kanilang budhi na huwag humawak ng sandata laban sa kanilang mga kapananampalataya at sa kanilang kapuwa.”

Sinabi naman ng isa pang tagapagsalita sa seremonya, si Dr. Szabolcs Szita, direktor ng Holocaust Memorial Center: “Ang pag-aalay ng pang-alaalang plakeng ito ay isang tagumpay, dahil sa loob ng maraming dekada nakaligtaan ang mga Saksi ni Jehova bilang isang grupo na nagdusa rin sa kamay ng rehimeng Nazi. Ang apat na kabataang lalaking pinatay ay may matibay na pananampalataya at nanatiling tapat maging sa harap ng kamatayan. Mabuting halimbawa silang lahat para sa atin kahit sa ngayon.”

Inalis ni Dr. Szabolcs Szita, direktor ng Holocaust Memorial Center sa Budapest, ang takip ng plake.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Hungary: András Simon, tel. +36 1 401 1118