ENERO 30, 2017
ERITREA
Isa Pang Saksi sa Eritrea ang Namatay Matapos Palayain sa Bilangguan
Si Tsehaye Tesfamariam ay namatay sa Asmara noong Nobyembre 30, 2016. Pinalaya siya sa bilangguan noong Setyembre 10, 2015, dahil nagkasakit siya nang malubha at hindi siya naipagagamot at naaalagaan doon. Ipinanganak siya sa Nefasit, Eritrea, noong 1941 at naiwan niya ang kaniyang asawa, si Hagosa Kebreab, na pinakasalan niya noong 1973. Nagkaroon sila ng apat na anak na babae at tatlong anak na lalaki. Nabautismuhan siya bilang Saksi ni Jehova noong 1958.
Si Mr. Tesfamariam ay nakabilanggo sa Meitir Camp mula nang arestuhin siya sa di-malamang kadahilanan noong Enero 2009. Noong Oktubre 5, 2011, si Mr. Tesfamariam at ang 24 na iba pang lalaking Saksi na nakabilanggo sa Meitir Camp ay inilagay sa isang metal na kulungan na nakalubog sa lupa ang kalahating bahagi para pahirapan nang husto hanggang noong Agosto 2012. Pagkatapos magtiis ng matinding init ng tag-araw bukod pa sa kakaunting rasyon ng pagkain at tubig, lumubha ang kalagayan ng ilan sa kanila.
Dahil sa ganitong pagpapahirap, sina Misghina Gebretinsae at Yohannes Haile ay namatay sa bilangguan ng Meitir, at sina Kahssay Mekonnen at Goitom Gebrekristos naman ay namatay pagkalaya nila. Karagdagan sa bilang ng mga namatay si Mr. Tesfamariam.