DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO
Mahahalagang Pangyayari sa Democratic Republic of the Congo
SETYEMBRE 4, 2013—Inutusan ng Minister of Education ang mga school na ihinto ang ilegal na pagpapatalsik sa mga estudyanteng Saksi
MAYO 17, 1997—Ginamit ng bansa ang pangalang Democratic Republic of the Congo
ENERO 8, 1993—Pinawalang-bisa ng Supreme Court ang pagbabawal na ginawa ng presidente, at ipinasiyang labag ito sa batas
MARSO 12, 1986—Ipinagbawal ng presidente ang mga Saksi ni Jehova
ABRIL 30, 1980—Muling inirehistro ng gobyerno ang legal na korporasyon ng mga Saksi, ang Les Témoins de Jéhovah
DISYEMBRE 1971—Pinawalang-bisa ng gobyerno ang legal na rehistro ng mga Saksi
OKTUBRE 27, 1971—Binago ng gobyerno ang pangalan ng bansa at ginawa itong Republic of Zaire
HUNYO 9, 1966—Inirehistro ng gobyerno ang legal na korporasyon ng mga Saksi, ang Les Témoins de Jéhovah
1962—Nagtatag ang mga Saksi ng tanggapang pansangay sa Léopoldville (Kinshasa ngayon)
HUNYO 30, 1960—Naging independiyenteng bansa ang Republic of Congo
ENERO 20, 1949—Ipinagbawal sa Belgian Congo ang Watch Tower Society
1940’s—Inorganisa para sa pagsamba ang unang grupo ng mga Saksi ni Jehova sa Belgian Congo