ANG PANGMALAS NG BIBLIYA
Pera
Ang pera ba ang ugat ng lahat ng kasamaan?
“Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay.”
—1 Timoteo 6:10.
ANG SINASABI NG ILAN
Ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.
ANG SABI NG BIBLIYA
“Ang pag-ibig sa salapi”
Ano ang nagagawa ng pera?
“Ang salapi ay pananggalang.”
—Eclesiastes 7:12.
ANG SINASABI NG ILAN
Kapag may pera ka, panatag ka at masaya.
ANG SABI NG BIBLIYA
Ang kasabihang nabibili ng salapi ang kaligayahan at kapanatagan ay bahagi ng “mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan.” (Marcos 4:19) Pero “salapi ang siyang nakatutugon sa lahat ng bagay.” (Eclesiastes 10:19) Halimbawa, nabibili ng pera ang mga bagay na kailangan mo para mabuhay
Nakatutulong din ang pera para mapangalagaan ang iyong pamilya. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya: “Kung ang sinuman . . . ay hindi naglalaan para roon sa mga sariling kaniya, at lalo na para roon sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan, itinatwa na niya ang pananampalataya.”
Paano mo gagamitin ang pera sa matalinong paraan?
‘Umupo muna at tuusin ang gastusin.’
—Lucas 14:28.
ANG SABI NG BIBLIYA
Gamitin ang pera sa paraang sinasang-ayunan ng Diyos. (Lucas 16:9) Maging responsable at tapat sa paggamit ng pera. (Hebreo 13:18) Para hindi mamroblema dahil sa sobrang paggastos, “maging malaya nawa mula sa pag-ibig sa salapi ang inyong paraan ng pamumuhay.”
Bagaman hindi hinahatulan ng Bibliya ang pangungutang, nagbababala ito: “Ang nanghihiram ay lingkod ng taong nagpapahiram.” (Kawikaan 22:7) Huwag basta bili nang bili, dahil “ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan.” (Kawikaan 21:5) Sa halip, “magbukod . . . ng anumang maiipon ayon sa [iyong] kasaganaan” at mag-ipon para sa mga bagay na mahalaga sa iyo.
Hinihimok tayo ng Bibliya na “ugaliin ang pagbibigay.” (Lucas 6:38) Ang mga taong gustong magpalugod sa Diyos ay may magandang dahilan para maging bukas-palad, dahil “iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” (2 Corinto 9:7) Kaya “huwag ninyong kalilimutan ang paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba, sapagkat sa gayong mga hain ay lubos na nalulugod ang Diyos.”