Job 33:1-33

33  “Pero ngayon, Job, pakisuyong makinig ka sa akin;Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko.   Kailangan kong ibuka ang bibig ko;Kailangang magsalita ang dila* ko.   Makikita sa mga salita ko na matuwid ang puso ko,+At buong katapatang sinasabi ng mga labi ko ang nalalaman ko.   Nilikha ako ng mismong espiritu ng Diyos,+At ang mismong hininga ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang nagbigay ng buhay sa akin.+   Kung may maisasagot ka, sabihin mo lang;Maghanda ka, at iharap mo sa akin ang mga argumento mo.   Tingnan mo! Ako ay gaya mo rin sa harap ng tunay na Diyos;Hinubog din ako mula sa putik.*+   Kaya huwag kang matakot sa akin;Hindi ka madudurog dahil sa bigat ng mga salita ko.   Pero narinig kong sinabi mo,Oo, paulit-ulit ko itong narinig,   ‘Dalisay ako at walang kasalanan;+Malinis ako at hindi nagkamali.+ 10  Pero ang Diyos ay naghahanap ng dahilan para kalabanin ako;Itinuturing niya akong kaaway.+ 11  Inilalagay niya ang mga paa ko sa pangawan;Sinusuri niyang mabuti ang lahat ng landas na nilalakaran ko.’+ 12  Pero mali ang mga sinabi mo, kaya sasagutin kita: Di-hamak na nakahihigit ang Diyos sa taong mortal.+ 13  Bakit ka nagrereklamo laban sa kaniya?+ Dahil ba hindi niya sinagot ang lahat ng sinabi mo?+ 14  Ang totoo, nagsasalita ang Diyos at inuulit pa niya ito,Pero walang nagbibigay-pansin, 15  Sa panaginip, sa pangitain sa gabi,+Kapag mahimbing na ang tulog ng mga taoAt natutulog na sila sa kanilang higaan. 16  Binubuksan niya ang pandinig nila+At idiniriin* ang tagubilin niya sa kanila, 17  Para mailayo ang tao sa paggawa ng masama+At maipagsanggalang mula sa pagmamataas.+ 18  Inililigtas ng Diyos ang buhay niya mula sa hukay,*+Inililigtas siya mula sa espada.* 19  Natututo ang tao kapag nakadarama siya ng kirot sa higaan niyaAt kapag laging kumikirot ang mga buto niya, 20  Kaya naman nasusuklam na siya* sa tinapayAt tinatanggihan niya kahit ang masasarap na pagkain.+ 21  Pumapayat siya nang husto,At nakikita* na ang mga buto niya. 22  Palapit siya* nang palapit sa hukay*At sa nagsasapanganib ng kaniyang buhay. 23  Kung may mensahero* para sa kaniya,Isang tagasuporta mula sa isang libong mensahero,Na magsasabi sa tao kung ano ang tama, 24  Kalulugdan siya ng Diyos at sasabihin,‘Huwag siyang hayaang mapunta sa hukay!*+ Nakakita ako ng pantubos!+ 25  Magiging mas sariwa ang laman niya* kaysa noong kabataan siya;+Babalik ang lakas niya gaya noong bata pa siya.’+ 26  Makikiusap siya sa Diyos,+ at tatanggapin Niya siya,At makikita niya ang Kaniyang mukha at magsasaya siya,At ibabalik Niya sa taong mortal ang Kaniyang katuwiran.* 27  Sasabihin* niya sa mga tao,‘Nagkasala ako+ at binaluktot ko ang tama,Pero hindi ko natanggap ang nararapat sa akin.* 28  Tinubos niya ako kaya hindi ako napunta sa hukay,*+At ang buhay ko ay makakakita ng liwanag.’ 29  Oo, ginagawa ng Diyos ang lahat ng ito,Dalawa o tatlong beses pa nga para sa tao, 30  Para maiahon siya mula sa hukay*At masinagan siya ng liwanag ng buhay.+ 31  Magbigay-pansin ka, Job! Makinig ka sa akin! Manatili kang tahimik, at itutuloy ko ang sasabihin ko. 32  Kung may sasabihin ka, sumagot ka lang. Magsalita ka dahil gusto kong mapatunayang tama ka. 33  Kung wala naman, makinig ka sa akin;Manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”

Talababa

Lit., “dila at ngalangala.”
O “luwad.”
Lit., “tinatatakan.”
O “sandata (suligi).”
O “libingan.”
Lit., “ang buhay niya.”
O “nakausli.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “libingan.”
O “anghel.”
O “libingan.”
O “mas malusog siya.”
O “At ibabalik Niya ang matuwid na katayuan ng taong mortal sa harap Niya.”
Lit., “Aawitin.”
O posibleng “At hindi ako nakinabang dito.”
O “libingan.”
O “libingan.”

Study Notes

Media