Eclesiastes 2:1-26

2  Ako nga ay nagsabi sa aking puso:+ “Pumarito ka ngayon, susubukan kita sa kasayahan.+ Gayundin, magtamasa ka ng kabutihan.”+ At, narito! iyon din ay walang kabuluhan.  Sinabi ko sa pagtawa: “Kabaliwan!”+ at sa kasayahan:+ “Ano ang ginagawa nito?”  Nagsaliksik ako sa aking puso na pinasasaya ang aking laman sa pamamagitan nga ng alak,+ habang pinapatnubayan ko ng karunungan ang aking puso,+ upang hawakan nga ang kahibangan hanggang sa makita ko kung anong kabutihan ang mayroon sa mga anak ng sangkatauhan sa ginawa nila sa silong ng langit sa bilang ng mga araw ng kanilang buhay.+  Ako ay nagpakaabala sa mas dakilang mga gawa.+ Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili;+ nagtanim ako ng mga ubasan para sa aking sarili.+  Gumawa ako ng mga hardin at mga parke para sa aking sarili,+ at tinamnan ko ang mga iyon ng lahat ng uri ng namumungang punungkahoy.  Gumawa ako ng mga tipunan ng tubig para sa aking sarili,+ upang patubigan ng mga iyon ang kagubatan, na sinisibulan ng mga punungkahoy.+  Ako ay bumili ng mga alilang lalaki at mga alilang babae,+ at nagkaroon ako ng mga anak sa sambahayan.+ Gayundin, nagkaroon ako ng mga alagang hayop, mga baka at mga kawan na pagkarami-rami, higit pa kaysa sa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem.+  Nagtipon din ako ng pilak at ginto para sa aking sarili,+ at ng ari-ariang nauukol sa mga hari at sa mga nasasakupang distrito.+ Nagtangkilik ako ng mga lalaking mang-aawit at mga babaing mang-aawit+ para sa aking sarili at ng masidhing kaluguran+ ng mga anak na lalaki ng mga tao, isang babae, mga babae pa nga.+  At ako ay naging mas dakila at sumagana nang higit kaysa kaninumang nauna sa akin sa Jerusalem.+ Bukod diyan, ang aking sariling karunungan ay nanatiling akin.+ 10  At ang anumang bagay na naisin ng aking mga mata ay hindi ko inilayo sa mga ito.+ Hindi ko pinigilan ang aking puso sa anumang uri ng kasayahan, sapagkat ang aking puso ay nagagalak dahil sa lahat ng aking pagpapagal,+ at ito ang naging aking takdang bahagi sa lahat ng aking pagpapagal.+ 11  At ako nga ay bumaling sa lahat ng aking mga gawa na ginawa ng aking mga kamay at sa pagpapagal na pinagpagalan kong maisagawa,+ at, narito! ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin,+ at walang anumang kapaki-pakinabang sa ilalim ng araw.+ 12  At ako nga ay bumaling upang tingnan ang karunungan+ at ang kabaliwan at ang kahibangan;+ sapagkat ano ba ang magagawa ng makalupang tao na darating na kasunod ng hari? Ang bagay na nagawa na ng mga tao. 13  At nakita ko mismo na may higit na kapakinabangan sa karunungan kaysa sa kahibangan,+ kung paanong may higit na kapakinabangan sa liwanag kaysa sa kadiliman.+ 14  Kung tungkol sa marunong, ang kaniyang mga mata ay nasa kaniyang ulo;+ ngunit ang hangal ay lumalakad sa ganap na kadiliman.+ At nalaman ko rin naman na may iisang kahihinatnan na nangyayari sa kanilang lahat.+ 15  At ako ay nagsabi sa aking puso:+ “Isang kahihinatnan na gaya ng sa hangal+ ang mangyayari sa akin, oo, sa akin.”+ Bakit pa nga ba ako nagpakarunong, akong labis na gayon+ nang panahong iyon? At sinalita ko sa aking puso: “Ito rin ay walang kabuluhan.” 16  Sapagkat ang alaala sa marunong ay walang kahigitan kaysa sa hangal hanggang sa panahong walang takda.+ Sa mga araw na dumarating na, ang bawat isa ay tiyak na malilimutan; at paano ba mamamatay ang marunong? Kasama nga ng hangal.+ 17  At kinapootan ko ang buhay,+ sapagkat ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay kapaha-pahamak ayon sa aking pangmalas,+ sapagkat ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.+ 18  At ako nga ay napoot sa lahat ng aking pagpapagal na pinagpapagalan ko sa ilalim ng araw,+ na iiwanan ko para sa tao na magiging kasunod ko.+ 19  At sino ang nakaaalam kung siya ay magiging marunong o mangmang?+ Gayunma’y pamamahalaan niya ang lahat ng aking pagpapagal na pinagpagalan ko at pinagpakitaan ko ng karunungan sa ilalim ng araw.+ Ito rin ay walang kabuluhan. 20  At ako ay bumaling upang alisan ko ng pag-asa+ ang aking puso may kinalaman sa lahat ng pagpapagal na pinagpagalan ko sa ilalim ng araw. 21  Sapagkat may tao na ang pagpapagal ay may karunungan at may kaalaman at may kahusayan,+ ngunit sa isang tao na hindi nagpagal sa gayong bagay ay ibibigay ang takdang bahagi ng isang iyon.+ Ito rin ay walang kabuluhan at malaking kapahamakan.+ 22  Sapagkat ano ang natatamo ng isang tao sa lahat ng kaniyang pagpapagal at sa pagpupunyagi ng kaniyang puso na pinagpapagalan niya sa ilalim ng araw?+ 23  Sa lahat ng kaniyang mga araw ang kaniyang kaabalahan ay nagdudulot ng mga kirot at kaligaligan,+ at maging sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso.+ Ito rin naman ay walang kabuluhan. 24  Sa tao ay wala nang mas mabuti kundi ang kumain siya at uminom nga at magdulot ng kabutihan sa kaniyang kaluluwa dahil sa kaniyang pagpapagal.+ Ito rin ay nakita ko mismo, na ito ay mula sa kamay ng tunay na Diyos.+ 25  Sapagkat sino ang kumakain+ at sino ang umiinom nang mas mabuti kaysa sa akin?+ 26  Sapagkat sa taong mabuti sa harap niya+ ay nagbigay siya ng karunungan at kaalaman at kasayahan,+ ngunit sa makasalanan ay ibinigay niya ang kaabalahan ng pagtitipon at pagpipisan upang ibigay lamang sa isa na mabuti sa harap ng tunay na Diyos.+ Ito rin ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.+

Talababa