Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

E+/taseffski/via Getty Images (Stock photo. Posed by model.)

PATULOY NA MAGBANTAY!

Nakakabahalang Pagbagsak ng Mental na Kalusugan ng mga Kabataan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Nakakabahalang Pagbagsak ng Mental na Kalusugan ng mga Kabataan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Noong Lunes, Pebrero 13, 2023, naglabas ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa United States ng report tungkol sa mental na kalusugan ng mga kabataan sa U.S. Sinabi doon na mahigit 40 percent ng mga high school student ang madalas na nalulungkot at nawawalan ng pag-asa.

 “Kahit alam namin na dumarami ang mga kabataan na may problema sa mental na kalusugan sa nakalipas na 10 taon,” ang sabi ni Dr. Kathleen Ethier, director ng CDC’s Division of Adolescent and School Health (DASH), “mas malala ang problema sa mental na kalusugan ng mga kabataang babae ngayon. Mas marami na ang gustong magpakamatay.”

 Sinabi sa report:

  •   Mahigit 1 sa bawat 10 kabataang babae (14 percent) ang pinilit makipag-sex kahit ayaw nila. “Nakakabahala ito,” ang sabi ni Dr. Ethier. “Sa bawat 10 babaeng kilala mo, posibleng isa sa kanila, o higit pa, ang na-rape.”

  •   Halos 1 sa bawat 3 kabataang babae (30 percent) ang nagplanong magpakamatay.

  •   Halos 3 sa bawat 5 kabataang babae (57 percent) ang madalas na nalulungkot o nawawalan ng pag-asa.

 Talagang nakakalungkot ang statistics na ito. Dapat na nagsasaya ang mga kabataan. Ano ang makakatulong sa kanila na makayanan ang stress? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Matutulungan ng Bibliya ang mga kabataan

 Sinasabi ng Bibliya na talagang stressful ang panahon natin ngayon. “Magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan” ngayon. (2 Timoteo 3:1-5) Pero may mga payo ang Bibliya na nakatulong sa milyon-milyong kabataan sa buong mundo para makayanan ang mga problema nila. Tingnan ang mga sumusunod na artikulong ito na nakabase sa Bibliya.

 Payo sa mga kabataan na nag-iisip magpakamatay

 Tulong sa mga kabataang nade-depress, nalulungkot, o may mga negatibong emosyon

 Tulong sa mga kabataan na nakakaranas ng bullying o cyberbullying

 Tulong sa mga kabataan na nakakaranas ng pambabastos at sexual abuse

Matutulungan ng Bibliya ang mga magulang

 May mga payo ang Bibliya sa mga magulang para matulungan nila ang mga anak nila na makayanan ang mga problema nito. Tingnan ang mga sumusunod na artikulong ito na nakabase sa Bibliya.