Awit 99
Purihin ang Bagong Hari ng Lupa
1. Isang karamihan
ang nagmula sa mga bansa,
Ang tinipon ni Kristo
at kanyang mga kasama.
Kaharia’y isinilang na;
Magaganap na sa lupa
Ang ’sang kaloob na pag-asa,
Dulot ay galak, ginhawa.
(KORO)
Purihin natin si
Jah at Jesu-Kristo
Na tumubos at nagpalaya.
Sa lupa’y tatahan, maglilingkod
Sa Diyos nang walang hanggan.
2. Nagbubunyi kay Kristong Hari
nang may katuwaan.
Ang Prinsipeng ito ng Diyos
dala ay kaligtasan.
Magkakar’on kasiyahan;
Wala nang katatakutan,
Patay babangon sa libingan.
Panahon ng kagalakan!
(KORO)
Purihin natin si
Jah at Jesu-Kristo
Na tumubos at nagpalaya.
Sa lupa’y tatahan, maglilingkod
Sa Diyos nang walang hanggan.