Awit 61
Ang Uri ng Pagkatao na Nararapat sa Akin
1. Anong kapalit at maibibigay?
Salamat, Jehova, sa taglay kong buhay.
Aking sinuri puso ayon sa Bibliya;
Nang sarili kong pagkatao’y makita.
Buhay ’pinangakong maglingkod sa iyo,
’Di napipilitan, ito’y buong puso.
Buong-kalul’wang maglilingkod sa iyo;
Nawa puso mo’y mapagalak ko.
2. Ako’y ’yong tulungang aking suriin,
Pagkataong dapat na aking linangin.
Ang mga tapat, tunay nga na mahal mo;
Sana’y mapaluguran ko ang ’yong puso.
(Tingnan din ang Awit 18:25; 116:12; 119:37; Kaw. 11:20.)