Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?

Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?

Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?

LIKAS na mga kasakunaan, nakamamatay na mga sakit, katiwalian ng mga nanunungkulan, pagsalakay ng mga terorista, digmaan, at krimen. Halos araw-araw nating naririnig ang gayong mga balita. Personal ka mang naaapektuhan ng mga ito o hindi, natural lamang na itanong mo kung saan na kaya patungo ang daigdig at kung bubuti pa kaya ang mga bagay-bagay.

Bilang sagot sa gayong mga álalahanín, itatampok ng mga Saksi ni Jehova sa mahigit 200 lupain sa buong daigdig ang isang napapanahong pahayag pangmadla na pinamagatang “Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?” Tatalakayin dito kung ano ang sinasabi at ipinangangako ng Diyos sa kaniyang di-nagkakamaling Salita, ang Bibliya, hinggil sa mahahalagang tanong na ito:

Interesado ba ang Diyos sa mga nangyayari sa lupa?

Ano ang nadarama niya para sa sangkatauhan?

May malasakit ba siya sa iyong kapakanan?

Sa maraming lugar, ang pahayag ay bibigkasin sa Linggo, Abril 30, 2006, sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Matutuwa ang mga Saksi sa inyong lugar na ipaalam sa iyo ang oras at adres kung saan ito idaraos.

Malugod kang inaanyayahan na dumalo sa nakapagpapatibay, walang-bayad, at salig-Bibliyang pahayag na ito na magbibigay ng kasiya-siyang sagot sa tanong na: Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?