Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan
Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan
ITO ay ang kamatayan ni Jesu-Kristo. Bakit napakahalaga nito? Sa ilang kadahilanan.
Pinatunayan ng katapatan ni Jesus hanggang kamatayan na mapananatili ng isang tao ang katapatan sa Diyos.
Ang kamatayan ni Kristo ay nagbigay ng pagkakataon para sa ilan na maging mga kasama niyang tagapamahala sa langit. Binuksan din nito ang daan para sa marami pang iba na magtamasa ng buhay na walang hanggan sa isang makalupang paraiso.
Noong gabi bago siya namatay, gumamit si Jesus ng tinapay na walang lebadura at pulang alak na siyang mga sagisag ng kaniyang maibiging hain bilang tao. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Aalalahanin mo ba ang mahalagang pangyayaring ito?
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na sumama sa kanila sa pagdiriwang sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus. Ang petsa sa pagdiriwang na ito ngayong taon ay sa Huwebes, Marso 28, paglubog ng araw. Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong tahanan. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at dako.