Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Sistema ng Nabigasyon ng Bar-Tailed Godwit

Ang Sistema ng Nabigasyon ng Bar-Tailed Godwit

ANG bar-tailed godwit ang isa sa pinakahinahangaan pagdating sa pandarayuhan. Umaabot nang mahigit walong araw ang 11,000-kilometrong paglalakbay nito.

Pag-isipan ito: Iniisip ng mga mananaliksik na ginagamit ng ilang uri ng ibon ang magnetic field ng lupa para sa nabigasyon, na para bang may kompas sa kanilang utak. Posibleng ginagamit ding giya ng godwit ang araw at ang mga bituin. Waring nararamdaman din ng godwit kung may paparating na bagyo anupat sinasamantala niya ang hangin nito para makalipad siya nang mas mabilis. Pero palaisipan pa rin sa mga eksperto kung paano nagagawa ng godwit ang kahanga-hangang paglalakbay na iyon. “Mga 20 taon ko nang pinag-aaralan ang mga ibong ito,” ang sabi ng biyologong si Bob Gill, “at manghang-mangha pa rin ako hanggang ngayon.”

Ano sa Palagay Mo? Ang sistema ba ng nabigasyon ng bar-tailed godwit ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?