Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Mali sa Larawang Ito?

Basahin ang Juan 2:13-17. Anong apat na bagay ang mali sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot at kulayan ang larawan.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

3. ․․․․․

4. ․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Bakit pinalayas ni Jesus sa templo ang mga lalaking ito?

CLUE: Basahin ang Marcos 11:17.

Bakit mali ang magtinda at bumili sa templo?

CLUE: Basahin ang 2 Corinto 2:17.

Para mapaluguran si Jehova, ano ang dapat na maging motibo natin sa paglilingkod sa kaniya?

CLUE: Basahin ang Mateo 22:36-40; 1 Pedro 5:2.

PARA SA PAMILYA:

Isulat o idrowing sa isang papel ang isang gawain na puwede mong gawin na magpapakita ng di-makasariling pag-ibig kay Jehova at sa iba. Ipakita ang papel sa iyong pamilya, at pag-usapan kung kailan puwedeng gawin ng buong pamilya ang gawaing iyon.

Ipunin at Pag-aralan

Gupitin, tiklupin, at ingatan

BIBLE CARD 16 TIMOTEO

MGA TANONG

A. Kumpletuhin. Tinuruan si Timoteo ng kaniyang ina, si ․․․․․, at lola, si ․․․․․, ng “banal na mga kasulatan” mula sa ․․․․․.

B. Anong pribilehiyo ang tinanggap ng kabataang si Timoteo?

C. Sinabi ni Pablo tungkol kay Timoteo: “Tulad ng isang anak sa ama ay . . .”

[Chart]

4026 B.C.E. Nilalang si Adan

Nabuhay noong unang siglo C.E.

1 C.E.

98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya

[Mapa]

Nakatira sa Listra pero may mabuting ulat mula sa mga kapatid sa Iconio

Listra

Iconio

Jerusalem

TIMOTEO

MAIKLING IMPORMASYON

Kahit hindi Kristiyano ang kaniyang ama, naging “halimbawa [siya] sa pagsasalita, sa paggawi, sa pag-ibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.” (1 Timoteo 4:12) Sinunod niya ang payo sa Bibliya: “Sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo ay makadiyos na debosyon.” (1 Timoteo 4:7) Tumulong si Timoteo kay apostol Pablo sa gawaing pangangaral sa loob ng mga 15 taon.

MGA SAGOT

A. Eunice, Loida, pagkasanggol.​—2 Timoteo 1:5; 3:14, 15.

B. Ang maglakbay at maglingkod kasama ni apostol Pablo.​—Gawa 16:1-5.

C. “. . . nagpaalipin siyang kasama ko sa ikasusulong ng mabuting balita.”​—Filipos 2:22.

Mga Tao at mga Lugar

5. Kami sina Gabriela, 6 na taon, at Raul, 9 na taon. Nakatira kami sa Brazil. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Brazil? Ito ba ay 467,000, 607,000, o 720,000?

6. Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Brazil.

A

B

C

D

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org

● Nasa pahina 25 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”

MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31

1. Panghagupit ang ginamit ni Jesus, hindi tabak.

2. Mga baka at tupa ang tinda ng mga lalaki, hindi baboy.

3. Mga kalapati ang tinda ng mga lalaki, hindi kuwago.

4. Barya ang pera ng mga tagapagpalit ng salapi, hindi perang papel.

5. 720,000.

6. C.